LUISA: Grabe, ang hard mo naman magsalita.
Pabiro at sarkastikong ibinigkas ni Jessica.
KARLENE: Totoo naman a, nag-hire pa kayo ng katulong kung wala naman syang gagawin, di ba?
Sagot nito. Hindi na lamang sumagot ang iba dahil alam ng mga ito na hindi ito magpapatalo.
MARCO: Kanina pa sya umuwi, tsaka hindi namin sya katulong.
Sagot ni Marco dahilan upang maramdaman ng lahat na barado si Karlene sa mga sinabi nito.
KARLENE: E anong ginagawa nya dito kanina?
MARCO: Sya yung nurse ng lola ko. Nandito sya para bantayan si lola kasi may pasok ako sa school tapos yung kuya at ate ko naman may pasok sa trabaho, kaya nag-hire kami ng nurse para kay lola.
Paliwanag niya.
KARLENE: Ay sorry, mukha kasi siyang katulong e.
Bigkas ni Karlene, nabigla at napatingin ng masama ang lahat sa kanya ngunit hindi na niya ito napansin dahil itinuon na niya ang sarili sa pagluluto.
JOANNA: Ano nga palang nangyari sa lola mo?
Seryosong tanong ni Joanna.
MARCO: Nagka-stroke kasi sya netong bakasyon lang.
KATHLEEN: E yung parents mo, nasaan sila?
Tumahimik ng bahagya si Marco.
MARCO: Nagdivorce ang mga parents ko. Si mommy sumama sa ibang lalaki. Magmula nun hindi na namin sya nakita. Si daddy yung nagtaguyod samin kaso wala na rin si dad, kaya si ate na yung nag-take over nung company na tinayo niya.
Natahimik ang lahat sa kwento ni Marco.
KATHLEEN: Sorry, tinanong ko pa.
MARCO: S-sus! Ayos lang yun. Hindi na rin naman maibabalik yung mga nangyari e.
Bigkas ni Marco. Dahil sa mga huling katagang sinabi niya ay napaisip ng malalim sina Joanna, Kathleen, Kyla, Maricar at Jessica. Tama, hindi na nga rin maibabaliktad pa kung ano man ang mga nangyari sa kanila sa Baguio.
Habang naghihiwa si Marco ng sibuyas ay tinawag sya ni Nico galing sa labas at agad naman siyang tumugon sa tawag nito at lumabas.
MARICAR: Magpapahangin lang ako sa labas.
Matamlay na bigkas ni Maricar at lumabas sya sa pintuan papuntang likurang bakuran ng bahay nila Marco.
JESSICA: Tignan ko lang kung kumusta na yung ginagawa nila sa labas.
Bigkas naman ni Jessica at umalis na rin ng kusina. Napansin ni Luisa na unti-unti na silang nababawasan sa kusina.
KYLA: May kukunin lang ako sa bag ko.
Dahilan naman ni Kyla. Napansin ni Luisa na tahimik ang lima at hindi nya alam kung bakit. Iniisip nya na siguro masyadong naapektuhan ang mga ito sa kwento ni Marco.
Pagpunta ni Jessica sa labas ng bahay ay nakita nya ang mga kalalakihan na pawis na pawis kahit na malamig ang gabi dahil sa paghahalo ng semento. Nakita rin niya na malapit nang matapos ang project na ginagawa nila. Muling pumasok si Jessica sa bahay at napukaw ang kanyang atensyon ng napakalaking wedding picture sa pader. Dahil sa laki ay namangha ito at napatitig, nakakalungkot isiping sa likod ng litratong ito ay ang nakakalungkot na kwento ng pamilya nila Marco.
Napadaan sa likuran nya si Franklin at Justin at nakitang nakatulala ito sa wedding pic.
JUSTIN: Grabe a, seryosong seryoso ka dyan a.
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XVII
Start from the beginning
