Dice Game - PART XVI

Start from the beginning
                                        

JULIAN: Jessica?

Anong ginagawa nya dito, bakit naglalakad sya ng mag-isa? Naliligaw na naman ba sya? Pagtataka niya.

Sinubukan nyang tawagin si Jessica ngunit lumiko na ito sa kanang hallway at napansin ni Julian na parang hindi naman ito naliligaw at sa halip ay parang alam pa nito kung saan sya magtutungo. Dahil sa kuryosidad ay sinundan ni Julian kung saan magtutungo si Jessica. Dahan-dahan syang naglakad at para hindi sya mapansin na sumusunod ay sinilip nya muna kung saan pang hallway liliko si Jessica, ngunit sa kanyang pagsilip ay hindi na niya ito nakita at naglaho na parang isang bula.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:39AM

Habang nag-uusap usap sina Jerry sa sala ay dumating si Hiko at Joanna at agad na tumahimik ang tatlo.

HIKO: Oh, bakit ang tahimik nyo?

JERRY: Huh?.. A-ano.. Napagod lang kami ng kakaisip.

HIKO: Kumusta? May clue na ba kung sino yung Game Maker?

CANDICE: Umm.. Wala pa nga e, ang hirap kasi ng binigay na clue ng Game Maker, lalo na kung konti lang yung impormasyong alam natin tungkol sa Ophiuchus.

JOANNA: Walang clue kahit isa?

CANDICE: Umm.. Meron naman, pero mahirap pa rin malaman yung tunay na sagot.

Bigkas ni Candice, samantala, hindi na lamang sumingit pa sa pagpapaliwanag sina Maricar at Jerry dahil alam nilang alam ni Candice ang ginagawa niya.

JOANNA: Anong ibig mong sabihin.

CANDICE: Naisip namin na baka gender ng Game Maker ang tinutukoy ng clue, pero di pa rin kami sure kasi nagkaroon ulit ng conflict.

JOANNA: Anong klaseng conflict?

Tanong ni Joanna, ipinaliwanag lhat ni Candice kina Hiko at Joanna ang lahat tungkol sa kasarian at naunawaan naman ito ng dalawa.

HIKO: Wait, ang sabi nyo baka gender ng Game Maker ang tinutukoy sa clue tapos hindi kayo sure kung babae o lalake, di ba?

Bigkas ni Hiko, tumango na lamang sila kahit hindi nila alam kung ano ang ibig niyang iparating.

HIKO: Baka naman ang tinutukoy sa clue ay kung ilan ang Game Maker.

Nagtaka silang apat sa sinabi ni Hiko.

MARICAR: Anong pinagsasabi mo?

HIKO: Kasi isipin nyo, ang sabi nyo its either isa sa mga lalaki o babae yung Game Maker tapos nakalimutan nyo na ba yung napag-usapan kanina?

Napakunot na lamang ang kanilang mga kilay sa mga pinagsasabi ni Hiko.

CANDICE: Ano yun?

HIKO: Di ba kanina nagtatalo kayo kung babae ba o lalaki yung nagdala sa'tin dito. Kasi ang sabi ni Kathleen lalaki yung narinig nya tapos sabi naman ng iba babae. Oh di ba? Baka nga dalawa yung Game Maker, isang babae at isang lalaki.

Napaisip sila ng malalim sa mga sinabi ni Hiko.

JOANNA: Paano naging dalawa? E di sana dapat ang sinasabi ng Game Maker palagi tukuyin nyo kami hindi tukuyin nyo ako.

Bigkas ni Joanna na lalo namang nagpaggulo sa sitwasyon.

HIKO: E paano mo ipapaliwanag na nagkaiba ng narinig na boses yung bawat isa sa atin?

JOANNA: Malay mo, binabago nya lang yung boses nya para lalo tayong lituhin.

JERRY: Pero, may punto si Hiko.

Napalingon ang lahat apat sa kanya.

MARICAR: Anong ibig mong sabihin?

JERRY: Hindi kaya ng iisang tao ang gumawa ng ganitong klaseng laro, kaya maaaring higit pa sila sa isa.

Bigkas ni Jerry.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:42AM

Patuloy sa pagtakbo ang apat dahil sa paghahanap ng silid na pinanggalingan ni Alfie.

RANDY: San ba yung kwartong pinanggalingan mo Alfie?

ALFIE: Hindi ko alam, hindi ko naman kabisado 'tong lugar na 'to.

Huminto si Randy dahilan upang tumigil din ang tatlo at hingal na hingal sa kakatakbo.

JUSTIN: Grabe!.. Ang dilim sa lugar na 'to..

Bigkas ni Justin habang hinihingal.

RANDY: Mauubos ang oras natin kung ganito ang gagawin natin. Kailangan nating maghiwa-hiwalay para mahanap natin ng mabilis yung kwartong pinanggalingan ni Alfie.

Bigkas ni Randy. Naghati sila sa dalawa. Si Randy at Nico ang magkasama habang si Alfie at Justin naman ang pumunta sa kabilang direksyon.

ΦΦΦ END OF PART XVI ΦΦΦ

••• Dahil ilang linggo din akong di nakapag UD... Tatlong chapter na magkakasunod ang pinablish ko... Ang 15, 16, 17.. Hehe.. Enjoy!! And dont forget to vote. Reminder, you can still vote for the past chapters.. Hehe.. Thank you!! •••

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now