Bigkas nya at nagpatuloy na lumabas ng kusina. Nagulat at nagtaka naman ang dalawa sa ikinilos ni Julian.
HIKO: Anong nangyari dun?
JOANNA: Ewan?! Sus! Hayaan mo na yun, kumain na lang tayo.
Bigkas ni Joanna at nagpatuloy sila sa pagkain na parang walang nangyari.
Samantala, nagpatuloy sa paglalakad si Julian hanggang makapunta sya sa CR ng mga lalaki at doon pumasok. Kanyang tinignan ang mukha niya sa malaking salamin at nakita ang sugat sa gilid ng labi na tinamo mula sa suntok ni Randy. Lalong nag-init ang ulo nya sa mga nangyayari. Kanya ring naalala ang kanyang ama. Kung hindi nya matatapos ang laro, hindi sya magkakaroon ng pagkakataong makahingi ng tawad sa kanyang ama lalo na't isang pagtatalo ang huling nangyari sa kanilang dalawa. Gusto na nyang tapusin ng mabilis ang laro upang makauwi at manghingi ng tawad.
Binuksan nya ang gripo para maghilamos ng mukha at matapos nun ay nakipagtitigan sa sarili sa salamin. Iniisip nya kung ano ba ang magandang paraan para mabilis na matapos ang laro hanggang sa isang bagay ang bigla na lamang pumasok sa kanyang isipan at sya'y napangiti. Dahil basa ang mukha naghanap sya ng tissue o panyo na maari nyang ipunas, dumukot sya sa kanyang bulsa at naalalang wala pala silang miski na anong gamit na dala. Sa halip ay isang maliit na plastic ang kanyang nakapa. Oo nga pala, nakalimutan ko. Bulong nya sa kanyang sarili. Ang plastic na ito ay ang bagay na kanya ring nakapa nang mailigtas sya at mapakawalan nina Nico at Kyla mula sa pagkakakadena.
(Flashback)
JANUARY 09, 2014
FRIDAY 09:34PM
Nakawala si Julian sa pagkakakadena. Papalabas na sana sila ng silid ng biglang tumigil si Julian. Lumingon ang dalawa at nakitang kinakapkap nito ang sarili nyang bulsa.
KYLA: Ano pang ginagawa mo?
JULIAN: Yung cellphone, pwede nating kontakin yung mga pulis.
NICO: Wala yung mga gamit natin dito, hindi mo magagawa yun.
Sandaling may nakapkap si Julian na parang isang plastik sa kanyang bulsa at napansin ni Kyla na nagbago ang reaksyon nito.
KYLA: Bakit Julian?
JULIAN: Aa... Wala, wala.. Tara na puntahan na natin yung iba.
(End of Flashback)
JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:35AM
Nagmamadaling tumatakbo si Justin sa hallway dala dala ang tatlong flashlight upang magamit nila sa itaas na palapag. Habang tumatakbo ay iniisip nya ang mga narinig nya sa uspan nina Jerry kanina. Hindi nya man narinig ng buo ang pinag-uusapan nila pero narinig nyang binanggit ng mga ito ang pangalan nya. Dahil doon ay kanyang napagtanto at naitugma ang mga naging reaksyon ng tatlo ng makita siya. Hindi maaari, hindi 'to pwede. Kailangan kong baguhin ang mga nasa isip nila. Bigkas nya sa sarili. Sa tuloy-tuloy na pagtakbo ay nakarating din sya sa lugar kung nasaan naghihintay sina Nico. Matapos nun ay nagmadali silang umakyat na apat sa taas.
JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:34AM
Habang pinagmamasdan ni Julian ang laman ng maliit na plastic ay pinaplano na niya ang mga susunod nyang hakbang. Naiwang nakabukas ang pinto ng CR kaya't habang pinagmamasdan nya ang laman ng plastic ay isang bagay ang pumukaw sa kanyang atensyon. Isang tao ang dumaan sa pintuan. Lumapit sya sa may pinto upang silipin sa labas kung sino ang taong dumaan. Nakita nya ang isang taong may mahabang buhok ang naglalakad sa hallway, nakasuot rin ito ng uniporme na kagaya sa kanya. Pamilyar sa kanya ang babae hanggang nakilala nya ito kahit na nakatalikod.
BINABASA MO ANG
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XVI
Magsimula sa umpisa
