“Miss, saan po dito ang room ni Teri Vargas?” tanong ni Robin sa babaeng nakatayo sa likod ng front desk.

“Wait a minute, Sir.” Sabi ng babae at tumingin sa computer nito at hinahanap ang pangalan ni mama. “Sa room 302 po.” Sabi ng babae makalipas lang ang ilang sandali.

Nang marinig ko ‘yung sinabi ng babae agad na akong nagtungo sa hagdan at malalaki ang hakbang na umakyat dito.

“Hey! Alisha, antayin mo naman ako.” Reklamo ni Robin habang sumunod na siya sa’kin. “Magdahan-dahan ka nga!” saway niya pa sa’kin ng makitang dalawang hakbang na pagitan sa hagdan ang nagagawa ko habang paakyat kami.

Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy sa pag-akyat hanggang sa nakarating ako sa floor na sinabi ng babae sa front desk kanina.

“Oh, ano? Pagod ka, noh?” nakataas ang kilay na tanong ni Robin sa’kin ng maabutan niya akong nakatigil sa bukana ng floor na tinutungo namin.

Pinakalma ko ang sarili ko pero parang lalo lang bumibigat ang paghinga ko, sa isiping makikita ko na si mama, ilang lakad lang sa pagitan ng dalawang silid na nauuna sa kanya. Matapos ang lagpas kalahating taon na hindi kami nagkita ng personal at sa video call ko lang siya nakikita.

“Wag kang magpapakita na ganyan ang itsura mo, lalo na kay lola Teri. Magagalit ‘yun sa’yo.”

Hinarap ako ni Robin sa kanya at gamit ang panyo niya pinunasan niya ang luha sa mukha ko.

“Hindi ko lang mapigilan… makikita ko na si mama pagkatapos ng ilang buwan.” Sabi ko habang tinutulungan ko rin siyang punasan ang sarili kung luha.

Pinakalma niya muna ako at pinainom ng tubig. Nang kumalma na ako at nagsimula na kaming maglakad patungo sa silid ni mama, ay nakita ko ang paglabas ni Max at tita Rina dito habang sila ay nag-uusap na dalawa. Napatigil si Max sa pagsasalita at nanlalaki ang mga mata at umawang rin ang kanyang labi, nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanila.

“Ali…?!” pasigaw niyang aniya sa pangalan ko. Gulat at hindi makapaniwala na naroon nga ako. “O.M.G! Besh, ikaw nga!” patakbong niya akong sinalubong at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.

Natawa ako at sinalubong ko rin siya ng mahigpit na yakap.

“Na-miss kita,” sabi niya habang yakap pa rin ako.

“Mas lalo na ako sa inyo. Na-miss ko kayong lahat dito.” Natawa ako at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko.

Nangingiti at umiling-iling na binalingan kami ng tingin ni Robin habang magkaharap sila ng kanyang ina at kinukumusta siya nito.

“Tita,” Kumalas kami ni Max sa yakap ng isa’t-isa at nilapitan ko naman si Tita Rina at niyakap ko rin siya ng mahigpit. Niyakap rin ako ni tita Rina pabalik at hinangod ang aking likod.

“Mas lalo kang gumanda, Ali.” Pagbibiro pa ni tita.

Umiling lang ako sa kanya at binalingan ko na ng tingin ang pinto ng kwarto ni mama. Tumingin rin roon si tita Rina na para bang nababasa niya ang iniisip ko. Tipid siyang ngumiti sa’kin bago niya hawakan ang doorknob at pihitin ito pabukas.

“Magpakatatag ka, hija.” Sabi niya bago pa man tuluyang mabuksan niya ang pintuan.

Agad na nangunot ang noo ko at nagtaka sa tinuran niya. Napalunok ako sa kaba at sa maaari kung makita sa loob. Bumukas ang pintu at una kung nakita ang higaan na walang laman o nakahiga dito. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko at nakaawang ang labi kung napabaling ako kay tita Rina.

Napasinghap ako.

Nilakihan niya ang pagbukas ng pintu at tinuro sa’kin ang nasa dulong kama. Tumingin ako roon at nakita ko siya, si mama, na payapang natutulog sa kama niya. Wala sa sariling dahan-dahan akong naglakad palapit patungo sa kinahihigaan niya.

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon