Scylla 12: The Fallen Knights

52 5 0
                                    

tw: ( blood )




This world began with magic and spirits. In a one night of the full moon, the gods decided to give humans a special ability as a sign of gift for us. However, it is natural law where there is good, there is also evil.

Out of greed and power, a great war started. Many have died and it leaves a huge damage in this world. The gods aren't t pleased with what happened, that's why started on that day, they decided to take back all the abilities they gave and give it only to those who deserves it. And in this generation, they are called the blessed ones or the chosen ones.




I blink a few times before closing the book, napahikab ako at tumingin sa orasan. Kahit nasa loob ako ng kwarto ay ramdam ko ang tensyon at katahimikan sa buong palasyo. Nakakabingi at nakakakaba. Ngayong araw mismo susugod ang mga kawal sa borders. Kanina pa umalis ang Hari para sa paglusob na magaganap.

I've chosen to divert my attention by reading ngunit hindi ito pumapasok sa isipan ko kahit ilang beses ko ng binasa. Napabuntong hininga ako at yumukyok sa lamesa. Kumusta kaya sila? Ano na kaya ang nangyayari sa labas?

Hindi ko man aminin ay kahit papaano ay binabagabag ako ng nangyayari sa kaharian ng West ngayon. Parang pasan-pasan ko rin ang problemang kinakaharap nila.

Hindi nagpadala ng tulong ang Imperyo kaya tanging sariling knights lang ng West ang lumaban ngayon. Ano pabang aasahan sa Emperador? Napaka pangit ng pamamalakad nito at hindi nababagay sa kaniyang posisyon.

Unti-unti akong nakaramdam ng antok at nong matutulog na sana ako ay bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa aking likod at batok. Napahawak ako dito at bumangon sa pagkakayukyok at pinakiramdaman ang paligid. Something isn't right.

Tumayo ako naglakad papalapit sa pintuan at ng akmang pipihitin kona para buksan ay bigla akong nakarinig ng malakas na pagsabog sa labas. Nagulantang ako sa biglang pagyanig ng kinakatayuan ko at mabilis na sumandal sa pader para mabalanse ang sarili ko.

Anong nangyayari? Saan galing ang pagsabog? Nang huminto na ang pagyanig ay dali-dali akong lumabas ng kwarto at tumakbo sa pasilyo. I heard the explosion coming from the hall, there's probably intruders in the castle.

Out of adrenaline, I immediately came from the scene. Everything is a mess, sira-sira ang mga kagamitan at wasak ang pader ng palasyo. Luminga-linga ako sa paligid at tinakbo ng mabilisan ang labas. Asan ba ang mga knights?

I was in a rush when suddenly someone grabs my arms, napatigil ako at mabilis na lumingon dito ngunit nabigla ako ng makita ang isang knight na nagdudugo ang ulo at sugatan. Nakasuot ito ng kulay pilak na uniporme at makapal na balabal na ngayon ay nababalutan na ng dugo niya, mukhang kabilang ito sa Silver Knights.

"My l-lady..." Bakas ang panghihina sa boses nito kaya walang alinlangan akong umalalay sa kaniya. Ano bang nangyari? Ba't nagkaganito ang sitwasyon at pa'no napasok ang palasyo?

Doon ko lang rin napansin ang hindi kaaya-ayang itsura ng paligid, sobrang daming knights ang nakahandusay at naliligo sa sarili nilang dugo. Halos hindi kona makilala ang mga ito dahil sa labis na karumal-dumal na sinapit nila.

Mistulang bumalik ako sa malagim na gabi na 'yon habang pinagmamasdan ang mga katawan nitong walang buhay, napatigil ako at nablangko bigla ang aking isipan. Napakagat ako ng aking labi at pilit kino-kontrol ang panginginig ng aking mga binti at kamay. This scene reminds me of the massacre in Arcane forest.

ScyllaWhere stories live. Discover now