Scylla 10: The Punisher

50 7 0
                                    


Maaga akong nagising dahil sa narinig na pagkatok na nanggagaling sa pinto. Sumagot naman ako dito at pumasok ang tatlong katulong na may dala-dalang gamit.

"Good morning, Lady Scylla." They said and bowed their heads slightly, hindi ko pinansin ang ginawang pagyukod ng mga ito at tinanong kung anong pakay nila sa'kin.

"We're here to prepare your bath and to help you to get dressed," Kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi nito ngunit mabilis kong binalik sa pagiging blangko ang mukha ko. Hindi naman ako maharlika para pagsilbihan pa nila, kaya kong kumilos mag-isa.

"You don't need to, I can handle myself," Mababakas ang kalamigan sa'king tono at napansin ko ang kaka-unting pagkagitla nila sa boses ko.

"But the Princess instructed us to help you, my lady," Sagot naman nito ngunit tinanggihan ko lang ito ulit at akmang kukuhanin na sa kanila ang kagamitan ngunit lumayo ang mga ito sa'kin kaya't napakagat ako sa aking ibabang labi para pigilan ang pagkainis.

"Patawarin niyo po kami ngunit mahigpit na bilin po ito ng Prinsesa. Hayaan niyo po kaming gawin ang trabaho namin," Pagsusumamo nito sa'kin. I frustratingly brush my hair using my free hand and look at them coldly.

"Hindi ako isang maharlika para pagsilbihan niyo," Matigas na saad ko dito. Nag-angat naman ito ng tingin at parang hindi na nagulat sa sinabi ko.

"Kayo po ay panauhin ng Hari't Reyna kaya't trabaho po namin ang siguraduhin na maayos ang lagay niyo dito sa palasyo," Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan nito at hinayaan silang gawin ang gusto nilang gawin. Mukha bang may magagawa pa ako? Hindi naman nakikinig ang mga ito at desididong pagsilbihan ako.

I let them help me in taking a bath, I can smell the nice fragrance of the soap they used to scrub my body. Lumipas rin halos ang isang oras ang paglilinis nila sa'kin at binihisan ako ng mga ito. Bagot lamang akong nakamasid sa kanila habang inaayusan ako.

I am wearing a long sleeve cream dress, may isang slit ito sa gilid na umaabot hanggang tuhod ko at malayang bumabagsak sa sahig ang palda nito. Pinanatili kong blangko ang aking ekspresyon habang hinihigpitan nila ang corset sa aking bewang. Papatayin ba ako ng mga ito? O i-di-dislocate ang mga buto ko sa katawan?

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos rin ang mga ito at nakita ko ang mga namumuong ngiti sa mga labi nila. They're looking at me with adoration in their eyes.

"You're so beautiful, my lady." Saad ng babaeng nakasagutan ko kanina, tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin at ibang-iba ang itsura ko sa nakasanayan kong ayos. My hair is fixed in a low ponytail, may iniwan rin silang iilang hibla ng buhok sa'king mukha at kinabitan ng palamuti ang aking tenga.

"Salamat," Tipid kong saad, nagpaalam naman na silang lilisan na kwarto ko kaya't hinayaan ko ang mga ito. Kahit naman hindi ko gusto ang ginawa nilang paninilbihan sa'kin, I know how to appreciate efforts, little or big.

Lumabas ako ng kwarto at habang naglalakad sa malawak na pasilyo ng palasyo ay nakasalubong ko si Princess Sovanna na may matamis na ngiting nakakurba sa labi. Umagang-umaga ay napaka ligalig nito, hindi ko kakayanin ang ganiyang enerhiya tuwing umaga.

"Good morning, Scylla! How's your sleep?" She asked and hooked her arms in my arms, nanigas naman ako sa ginawa nito at tinignan siya pero nakatuon lang sa harapan ang paningin nito at parang 'di napansin ang pagkakailang ko sa pagdikit niya sa'kin. Akmang aalisin kona ang kamay nito ngunit hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa'kin at hinatak na ako kaya't 'di ko mapigilang mapasimangot.

"Princess, stop pulling my arms," I said, but she just giggled on my remarks.

"I said drop the title, Scylla. You're my friend now, call me on my name," Parang batang saad nito sa'kin habang nakaabang sa sasabihin ko. Nagpaawa naman ang mga mata nito habang nakatingin sa'kin kaya't inirapan ko ito.

ScyllaWhere stories live. Discover now