Scylla 5: The Mistress of Death

50 8 0
                                    

tw: ( blood )



The night sky is starless and only the moon was visible, I am walking senselessly with nowhere to go, tahimik lang akong nakatingin sa paa kona puno ng dumi habang tinatahak ang madilim na daan.

I don't feel anything. Mistulang hindi pa rin tinatanggap ng sistema ko ang nangyari at pinipigilan ko ring tanggapin ito. It's just a nightmare and soon as I wake up from this, everything will go back to how it used to be. Ayoko muna. Ayokong isipin at harapin ang realidad.

I lift my head when I suddenly hear a voice of two people talking at the end of the dark alley. I walk towards them at tahimik na pinakiramdaman ang mga ito.

"Natupok na daw ng apoy, wala na ring naabutan na kahit sino nong nakarating na ang mga knights, naubos at namatay ang lahat doon," The middle aged man said while holding a match and cigarette in his hand. Napatitig naman ako sa maliit na apoy na lumalabas sa posporo habang sinisindihan nito ang sigarilyo niya saka nagbuga ng usok.

I divert my eyes when the memory of the town burning and the dead bodies of Arcane people suddenly flash in my mind, I bit my lips and stop my hand from shaking. Hanggang sa makakaya ay pinipigilan kong makaramdam ng kahit anong emosyon, dahil alam kong hindi ko kakayanin. I turn it off because it might take over me.

"Ano bang nangyari doon sa tingin mo? huli na rin nong umaksyon ang palasyo, kitang-kita sa kapitolyo ang usok at sunog na nagmumula sa gubat ngunit walang pumansin dito," saad ng isa. Nagkibit-balikat naman ang kausap nito at humithit ulit sa kaniyang sigarilyo bago magsalita.

"Hindi ko alam, pero bali-balita na ang mayayaman ang nagutos na sunugin and baryo sa gitna ng gubat at mukhang walang pakialam ang nasa itaas sa mga ito," he paused for a moment before continuing. "Dibale nga naman, sino ba ang magkakaroon ng pakialam sa mga salot at basura na 'yon? They're just ruining the image of the Empire."

I'm already aware that no one gives a damn about us in this Empire, they treat us horrible after all. We're the outcast or the misfit of the society. We're poor and ugly, and they hated us for that bullshit reason. I can't feel anything except anger and disgust, they're all terrible. Pare-parehas lang sila. Mga sakim at mapagmataas, mahilig mangtapak at manghusga.

Mas importante pa sa kanila ang magandang imahe ng Imperyo kesa sa mamayanan nilang naghihirap. At kung tama man na ang mayayaman ang nagutos na sunugin ang tahanan ko, hindi ako mag da-dalawang isip na kalabanin sila kahit buhay kopa ang nakataya.

"Those poor people, they deserved to die anyway. Para wala na ring kalat sa lipunan," and what the man said completely cut the thread of my patience. I came out from the darkness and let them see me, the moonlight beams on my face. It highlighted my silver hair and features. Napansin kopa ang pagkagulat sa mga mata ng mga ito ngunit mabilis ring nakabawi.

"At ano namang ginagawa ng isang dilag sa madilim na parte na ito? Nakikinig kaba sa usapan namin?" med'yo pasigaw na saad nito sa'kin. Hindi ako sumagot sa mga sinabi nito at tinignan lang sila ng malamig. Hindi naman nagtagal ay binawi nito ang kanilang mga mata at ilang na nagiwas ng paningin sa'kin.

"We deserved to die?" I can't recognize my own voice when I spoke. The cold wind passed through us, hindi ko pinansin ang malamig na dampi ng hangin sa'king balat at mariin na nakatitig sa dalawang nilalang.

ScyllaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz