Umiwas ako ng tingin dito. Dahil di ko makita ang malungkot nitong mukha.

"Umalis na kayo ni Terrence. Dahil may hindi magandang mangyayari ngayon, Ayiesha. Until now, he is still obssess to you. Gusto ka niyang kunin nang sapilitan."

Nilingon ko siya. "Pwes, lalabanan ko siya." Humarap ito sa akin.

"Malakas siya Ayiesha. Kahit anong laban ang gawin mo ay matatalo ka niya. Sobrang galit siya, dahil nawala ang anak niya, ang anak ninyo."

"Bakit di mo ba sinabi na ikaw ang may gawa noon?" tanong ko sa kanya.

"Alam niya. Pinarusahan niya ako. Tinurture. Paulit-ulit na ginahasa, paulit-ulit na pinagpapasahan sa mga tauhan niya. Gusto kong kumawala, Ayiesha. Pero… hindi ko siya kayang iwanan." May luha sa mga mata nito.

"Marter ka, Leigh. Sinaktan ka na nang paulit-ulit. Mahal mo pa rin."

"Ganun ako eh! Umalis na kayo, Ayeisha. Habang di pa siya nakakatunog na nandito ka. Umalis na kayo ni Terrence."

"Hindi ako aalis sabi eh! Lalabanan namin siya ni Terrence!" sigaw ko.

"Kahit ang kapalit ay ang mga anak mo," sambit nito.

"What do you mean!" sigaw ko dito.

"He know na may anak kayo ni Terrence. Pinasubaybayan ka niya, Ayeisha. At alam din niya kung nasaan ang mga bata."

Bigla akong natakot. Hindi para sa akin. Kundi para sa mga anak ko. Agad akong umalis sa harapan ni Leigh at pinuntahan si Terrence.

Hinanap ko si Terrence. Nagulat ako nang may humila sa aking kamay. Tinignan ko ito, si Terrence pala.

Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

"Beatriz. Kunin ninyo ni Damien ang kambal sa bahay. Dilikado sila doon," utos at sabi ni Terrence sa kapatid.

Agad nitong ibinaba ang cellphone, lumabas na kami sa venue.

"Ang mga bata, Terrence."

"Don't worry. Ligtas na sila. On the way na sila Beatriz at Damien, nandoon din ang iba kong tauhan."

Napanatag ang loob ko. Sasakya na kami ng sasakyan ng may mapansin ako. Habang si Terrence ay abala sa pagbukas ng pinto sa may front seat. Umikot si Terrence sa may driver seat at sumakay.

Nakatingin pa din ako sa isang bulto. He already know na nandito kami.

Lumabas ito sa pinagtataguan nito. Ngumisi ito sa akin. Galit ko siyang tinignan.

Inihanda ko ang baril na dala ko. Napatingin sa akin si Terrence.

"Ano ang ginagawa mo?" tanong nito sa akin.

"Naghahanda. Dahil alam ko, mapapalaban tayo nang wala sa oras," sabi ko dito.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nito at para bang wala akong nakikitang takot sa mukha nito.

Hindi ito nagsalita. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at pinatakbo na iyon. Habang binabaybay namin ang daan pauwi ay panay ang tingin ko sa rearmirror. Tinitignan ko ang isang sasakyan na sumusunod sa amin.

"Wag mo nang pansinin ang mga iyan. Iwawala ko ang mga iyan."

Akala ko ako lang ang nakapansin sa mga sumusunod sa amin. Hindi pala, napansin din pala nito.

Tumunog ang cellphone nito. Sinagot nito iyon.

"Dalhin nyo sila sa Villa, Beatriz. Alam mo iyon," Plain na sagot ni Terrence kay Beatriz.

Napabugtong-hininga na lang ako. Kailan ba matatapos ang lahat nang ito?

Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Terrence. Hanggang sa naiwala na namin ang mga sumusunod sa amin. Huminto kami sa isang abandonadong bahay ay may lumabas doon na isang bagong sasakyan.

The Mafia Boss: Terrence Jude Alvarez (COMPLETED)Where stories live. Discover now