Chapter 29: On My Own

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinabukasan, Saturday na. Walang pasok kaya walang stress. Pero nagulat ako dahil pagmulat ko ng mga mata ko, nakaupo na si LB (Lechboy) sa may study table.

Medyo malayo yung study table mula sa kama kaya kahit tingnan ko siya sa malayo, di niya mapapansin na tinititigan ko siya.

Pffffffttt! Napaka-seryoso ng mukha niya habang nagsusulat . Medyo cute nga siya e. Medyo lang okay? Hindi ako tibo noh! Nakakatuwa lang talaga siyang tingnan. Tapos kapag lumalabas yung dimples niya ang sarap niyang kurutin. Nakakagigil hahaha!

Tapos yung bangs pa niya nakapusod pataas kaya nagmumukha tuloy siyang pa-cute na baby. Well, whatever! Mas cute pa rin ako.

Pero habang tinitingnan ko yung babaeng to, halos nakakalimutan ko na yung heartbreak ko dahil dun sa kahapon. Halos lang okay? Halos. And I don't even know why. May powers ba siya? Hahaha!

"Huy! Ano nginingiti-ngiti mo diyan Bunchkin? Gising ka na pala ayaw mo pang bumangon? Tanghali na no?!"

Napansin na niya palang gising nako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sinugod kagad ako't hinila mula sa kama papunta sa mini sala ko sa may kwarto.

Pagtingin ko sa center table, woah! Ang daming pagkain! May hotdog, egg, fried rice, banana and hot coffee.

Pinaupo niya ko sa sofa.

"Ako lahat ang nag-prepare niyan! Pinagluto ko kayong tatlo at dineliver sa mga kwarto niyo."(^^) V sabi niya habang nakangiti with dimples at naka-peace sign. Naks! Good mood si lechugas.

Umupo siya sa tabi ko at naghain sa table. Tapos pinaglagay pa ko ng pagkain sa plato.

Ang bait niya pala talaga. Lalo akong nagsisi sa lahat ng mga mean things na ginawa ko sa kanya for the past years. Mabuti na rin talaga na hindi ko sila hinadlangan ni Blaine because they truly deserve all the happiness that this world has to offer.

I must say na pinauubaya na talaga kita Blaine. Anyways, ang swerte mo kay Iyah. I'm really happy for the both of you. Now, panatag na ako. :)

"Uy! Ganyan ka ba talaga pag bagong gising? Mukhang timang na ngingiti-ngiti? Hahahaha! Ang weird mo." Sabi niya habang sinusubo yung hotdog.

Di ko na lang pinansin yung pang-aasar niya. Atsaka ngumingiti pala ako? Lol!

"Para sa akin ba lahat to?" Tanong ko in amusement. Ba naman parang pangtatlong tao ba naman yung pagkain.

"Ay hindi! Akin lang to no! Pinaupo lang kita diyan para panuorin ako at mainggit! Bleh!"

"HAHAHAHAHA! E di wow!"

Nagmake-face lang siya tas nagpatuloy pa rin sa pagtusok at pagsubo ng hotdog and egg. Takaw talaga!

Nagsimula na rin akong kumain.

"Hmmm....ang sarap ha! Infairness, a creature like you can cook pala? Hahahaha!" pang-aasar ko. Pero seryoso may something special sa simpleng hotdog and egg ngayon.

"Wow ha! Hiya ako sa'yo! Syempre sanay ako magluto! At di lang basta sanay, magaling pa! Ang sarap no? Kasi may special ingredient yan. Tinatawag yun na pagmamahal. Hihihi!" sabi niya habang nakapikit at nakalagay pa ang dalawang kamay sa magkabilaang cheeks.

Pinitik ko nga sa noo! MWAHAHAHA!

"Aray! Panira ka talaga ng moment!"

Binelatan ko lang ang bruha!

"Ang aga mo nga palang napadalaw? What's up?" pagbabaling ko ng topic.

"Well..." maarte niyang pagsasabi. Arte talaga jusko po. "May chika ako hihihi!"

Nako! Meron na kong idea kung tungkol saan yun. -.-"

"Atsaka....HALER YUNG PROJECT NATIN ANONG PETSA NA ABER?! Ano na ba plano? Kaya ako pumunta ngayon para matapos na yun jusko po" pagpapatuloy niya pa.

"Wag ka ngang sumigaw!" Sakit sa tenga e

"Ay sarreh!" Sabi niya with peace sign.

"So ano muna yung chika mo?"

"Atat much? Mamaya na yun habang gumagawa ng project. Duty first before landi."

Ayan ang sabi niya: Duty first muna daw before landi. Aba'y nung nagsimula na kaming magplano e para lang akong may ka-partner na multo. Paano ba namern? E puro daydream ang inaatupag. Kulang na nga lang mag-tumbling na ko para lang magising sa katohanan tong bruha na ito.

"Pfffffftttt! Ahahahaha! Bunchkin! Anong trip mo?"

Bigla akong napatigil sa pagsayaw ng belly dancing.

Oo. Tama ang nabasa niyo. Sumasayaw ako ng belly dancing. Bakit kamo bigla-bigla na lang akong sumasayaw in the middle of project planning? Para lang naman bumalik na ang kaluluwa ng babaeng to. Naisip ko kasi na kapag gumawa akong weird e mapapansin na ko neto.

"AHAHAHAHA! Para ka talagang shokla ano? Hahahahaha!" Turo niya sakin gamit ang right index finger habang yung kaliwa niyang kamay ay nakalagay sa tiyan.

Ayan na naman siya! Nang-aasar na naman na bakla ako. Uggh! Dapat pala hinayaan ko na lang siya mag-stay sa dreamland niya.

"OOPS! Ayan ka nananaman sa pag-aayos mo ng bangs gamit ang right middle finger. Mannnerism mo ba yan? Pfffttttt!" dagdag pa niya habang nagpupunas ng luha na dahil sa kakatawa.

"Teka! May ginagawa ba kong ganun? Di ko naman napapansin a!" Sabi ko. Tapos nag-nod lang siya.

Pagkatapos, biglang nag-ring yung phone na bigay ko sa kanya.

Nag-blush siya at mas lalong nagliwanag yung mga mata niya.

"Wahh! Nag-text siya! Kyaaaaah!" Kilig na kilig na sabi niya habang yakap-yakap yung phone at kumekendeng.

In the end, yung project 'namin', naging project 'ko' na lang.

Habang patuloy ako sa pag-drawing ng rough sketches para sa project, kwento lang siya nang kwento tungkol sa nangyari sa kanila ni Blaine kahapon. Medyo masakit pa rin pala.

"Tapos ito, unexpected talaga nung pagkababa niya sakin pagkatapos naming umikot.....tinitigan niya ko sa mata tapos......."

Oo na. Alam ko nang nag-kiss kayo. Hay.

"Nagnose to nose kami hahaha!"

"NOSE TO NOSE LANG?!" akala ko nagkiss sila? Anyare?

"Nag-expect ka rin no? Hay. Naiintindihan ko naman kasi di naman kami mag-on."

Ang shunga rin talaga nung babaeng to no? Di pa ba mag-on ang isang lalaki at isang babae na lovey-dovey?

"Di pa ba yun mag-on?!"

"Hmmm..." nilagay niya yung kamay niya sa baba at tila nag-isip. "Wala naman kasi akong maalalang sinagot ko siya. Ni wala nga akong naalalang tinanong niya ko para maging girlfriend niya e. Haler! Ayoko naman mag-assume na kami na. Kababae kong tao e. Basta masaya na ko. Hihihi!"

Ehhh?! What the hell?

Pinalapit ko yung ulo niya sakin at PAK! Binatukan ko nang matauhan.

"You're so stupid ugh!" Sabi ko while crossing my arms. Siya naman hinimas niya yung ulo niya.

"Bakit mo ginawa yun? Asar naman!"

"Because you're stupid! I just need to knock on your common sense."

Hay nako. So stupid talaga!

"How dare you call me stupid, stupid!" at nambelat pa ang bruha.

Hay.... the stupid girl is still indenial of her stupidity.

When a Gay Falls for a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon