Nasa hallway palang ako ng basement ay dinig ko na ang pamilyar na mga boses.

"Bakit nga kasi kayo maitim lahat? Ang itim pa ng kulay ng damit niyo! Alam niyo bang mas lalo lang nangdidilim ang paningin ko sa inyo? Bawas puntos na naman sa pagiging guwapo ko."

"Bakit po madilim ang kulay niyo? Normal ba 'yan?"

"Ulam niyo po ba uling?"

"Baka sakaling hindi niyo pa alam, may sasabihin lang ako. Hindi niyo ikinaguwapo kagaya ko ang ganiyang klaseng kasuotan. Hula ko pati rin singit niyo maitim noh?"

"Bakit ba ang tahimik niyo? Kung hindi niyo kami kinausap kanina, iisipin naming hindi kayo tao."

"You all look like the girl version of our Queen, pero maputi iyun, ha? Nakakatakot nga lang kapag ginalit kasi maitim na nga ang damit, ang dilim pa ng aura. Para tuloy siyang dyosa ng mga bruha—"

"Say it again, Corio?" malamig kong wika at walang pasubaling pumasok sa isa sa mga kuwarto ng basement kung saan naroon ang tatlong penguins na walang ibang ginawa kung 'di ang laitin ang mga tauhan ko. Talagang sinama pa ang pangalan ko, mga hayup.

"Y-Your majesty..."

"Ha?"

"Queen Audresyne!"

Mababakas sa kanilang mukha ang gulat at galak nang makita ako.

I smirked. "Sup, three penguins?"

Mabilis na tumakbo si Lucino patungo sa akin at niyakap ako. "Your majesty!" hiyaw niya at ngumawa.

"H-Hoy! Teka lang Lucino. King Zarcaen would probably kill us if he found out-"

Corio was being cut off by Gabru. "Walang mapapatay sa ating tatlo kung walang magsusumbong!" kinuha nito ang kamay ni Corio at hinila rin papunta sa direksyon namin ni Lucino bago sumali sa yakap.

"Your majesty! Miss ka na po namin! Bigla ka kasing naging abo!"

What?

Ngunit hindi ko na iyun pinansin. I missed these three penguins too. Magdadalawang taon ang lumipas, hindi pa rin sila nagbago. They are still the penguins that I have known.

"How did you find them?" tanong ko sa tatlong mafia investigators na nakaupo sa aking harapan. Narito pa rin kami ngayon sa basement, pero ang kuwartong ito ay hindi kulungan kung 'di para lang itong sala. Hindi kagaya ng ibang rooms sa basement na may rehas sa loob kung saan dinadala ang mga kinukulong na kalaban.

"We found the first guy named Corio. Natagpuan namin siya parte ng northern Luzon. Nagnakaw ito ng limang box ng cerelac sa isang buntis, hinuli at dinakip siya ng mga kapulisan at ikinulong. Agad namin siyang pinuntahan sa nasabing kulungan at pinalaya," Mr. Oba said. One of the Mafia Investigators.

Napataas ang kilay ko sa narinig at tiningnan si Corio na umiinom ng juice sa kabilang parte ng sofa kasama ang dalawa pang penguins. They are currently eating their food because they told me they were hungry.

Pero bakit sa lahat ng puwedeng pagnakawan, cerelac pa ng buntis? I sighed in disbelief.

"The second person is named Lucino. Natagpuan namin siya parte ng western Visayas. Napadpad ito sa bar at pinag-aagawan ng mga bakla. Umiyak at nagwala ito sa loob ng bar kaya nakasira ng mga kagamitan. Pinagbayad siya sa manager ngunit dahil walang pera, ipinadakip siya at ipinakulong. Pinuntahan namin kung saan siya nakakulong at pinalaya," Mr. Kani said. Also, one of the Mafia Investigators.

Napamaang ako sa nalaman. But somehow, I felt sorry for Lucino's experience. I bet he was being harassed by gays. Poor penguin. Napatingin ako sa kaniyang direksyon, he was about to bite a slice of cake when Gabru snatched his fork and ate it instead. Umiyak ito at sinipa si Gabru kaya nahulog sa upuan.

I took a deep breath before my gaze went back to the men in front of me. "How about Gabru?"

"Natagpuan namin ang lalaking may pangalang Gabru parte sa Mindanao. May nagawa itong di kaaya-aya sa loob ng simbahan kaya ipinakaladkad ng pari palabas, nagkataong naroon ang Kapitana ng bayan na isang matandang dalaga at nagsisimba, pinadakip ito ng pulis at ipinakulong. Agad lang rin namin itong pinalabas matapos puntahan ang address ng kulungan." Mr. Umi stated. He's also one of my Mafia Investigators.

I only have 3 Mafia Investigators. Lahat sila ay may dugong African kaya nasabi ng tatlong penguins kung bakit medyo darker ang kulay ng balat nila. Mr. Kani is half-filipino kaya maalam ito sa Tagalog, sina Mr. Oba at Mr. Umi ay na-influence at na-adopt lang ang wikang Tagalog dahil pabalik-balik sila dito sa Pinas.

Napahilot ako sa sintido.

Bakit nga ulit galing sa kulungan ang tatlong grand butlers ng hari? Talagang hindi lang isa o dalawa, kung 'di silang tatlo ang napakulong! Plano ba 'yun nila? What's that? Best friend goals?

Isang araw pa lang sila dito sa aming mundo at kung ano-ano na ang pinanggagawa! Dang it.

They're giving me a serious headache!

"You may leave now," wika ko sa tatlong mafia investigators. Yumuko muna sila sa akin bago lisanin ang kuwarto.

Tumayo ako sa pagkakaupo at tumungo sa kanilang direksyon. Si Corio ay kumakain ng pizza, si Lucino ay puno ng icing ang mukha samantalang si Gabru ay ayaw paawat sa mango float kahit punong-puno na ang bibig.

Walang nagdadalawang isip kong binato ng walang lamang yakult na nasa sahig ang ulo ni Gabru kaya napadaing ito ng malakas.

"Aray— Queen, masakit! Alam kong miss mo na ang aking kaguwapuhan, pero ang sakit mo namang magkamiss!"

I rolled my eyes. "Anong kalokohan ang ginawa mo sa simbahan?" I asked seriously. Mr. Umi didn't give me the details about what this guy did inside the church.

"Your majesty!" namumulang wika niya at nagtago sa likuran ni Corio.

"I am asking you, Gabru," walang emosyon kong wika.

"K-Kasi, narinig kong nagsalita 'yung lalaking nakabestida na kulay puti sa harapan at akala ko nga naguguluhan lang siya sa kasarian niya kasi wala namang lalaki ang nagsusuot ng bestida. Sabi niya hindi raw kaguwapuhan o sa ka-maskuladuhan ang basehan upang ang babae ay pumili ng minamahal, kung di sa puso. May puso ako, tumitibok pa. Maskulado ang aking katawan at nag-uumapaw sa kaguwapuhan. Dahil gusto kong ipakita sa kanila na isa akong perpektong ginoo. I-Ipinakita ko sa kanilang harapan ang aking pinagmamalaking abs- Reyna!" mabilis itong tumakbo palayo nang aambang ihahagis ko sa kaniya ang vase na nasa aking kilid.

"Come back here! I'm not yet fucking done with you! You, dimwit! 'Yang kayabangan mo mismo ang magpapahamak sa 'yong gago ka!" I exclaimed.

Iyung mga rason ni Corio at Lucino na dahilan ng kanilang pagkakulong, matatanggap ko pa. Gutom lang si Corio kaya nagnakaw, gusto lang kumawala ni Lucino sa mga baklang humahawak sa kaniya kaya siya nagwala. Pero itong si Gabru, mas pinapairal ang kayabangan kaya nagpakita ng katawan sa simbahan!

"Sa akin nga, ang mga babae doon sa lugar bar, ang laki ng mga katawan, sobrang ikli ng damit tapos bariton naman ang kanilang boses," nakangusong komento ni Lucino at kumagat ulit ng cake.

"May nakasama rin ako sa kulungan na lalaki pero babae naman gumalaw. Sabi niya wampipti daw. Anong wampipti Queen? Makakain ba iyun?" inosenteng wika naman ni Corio sabay kamot sa ulo.

Oh, goodness sake!

______________

💙🕊️

.

She Is Zarcaen'sWhere stories live. Discover now