CHAPTER 36

14K 469 67
                                    

AUDRESYNE

I woke up with a heavy chest and a headache. Naramdaman kong gumalaw ang aking daliri at nakarinig ng mga mabibigat na hakbang. I haven't yet opened my eyes, pinapakiramdaman ko lang ang paligid kung nasaan ako. I was hoping that I'm still on Taylorynth. 

Please. I hope he's here.

I want to open my eyes and he should be the first person to welcome me. 

But when I hear the sound of a heartbeat monitor and blurred noises. Familiar and unfamiliar voices. Parang gusto kong maglaho nalang.

Nanginig ang aking kamay at mariin na pinikit ang aking mata nang maramdamang namumuo na ang luha ko. Napakasakit at bigat sa dibdib. Hindi ko matanggap! Why?! 

As I slowly open my eyes, doon na bumuhos ang luha ko. People surrounding me started to panic. Halata sa kanilang mukha ang gulat, galak, at pagkasabik. But I didn't bother to take a glance at them. Nagkakagulo sila, pilit nila akong kinakausap at kinukumusta.

"What happened to our Queen, Doc?! Why is she crying? Kapag may nangyaring masama diyan, ibabaon namin sa lupa ang kabit mo!" rinig kong wika ng pamilyar na babae.

"W-We just have to check her, Mam," nauutal na sagot ng isang babaeng boses.

"Siguraduhin mo lang!"

Nakaramdam ako ng hawak sa aking kamay at sa iba ko pa ng parte ng katawan upang suriin ang kalagayan ko.

"M-Miss Corwell? What do you feel? May m-masakit po ba sa inyo? Tell us—" I cut her off.

"F-Fuck..ing fine.. leave," I said weakly yet firmly. 

"But—"

"Doc, makinig ka na lang po kung gusto mo pang mabuhay, dahil kahit dalawang buwan iyang coma, kaya ka niyang ilibing ng buhay. Pero syempre, kami naman maglilibing ng kabit mong mukhang hukluban," dinig kong wika ni Kyseen.

Dinig ko ang pagmamadaling yabag at paalam ng doctor sa silid bago ako pinalibutan ng tatlong babaeng matagal ko na ring hindi nakikita. 

"Queen!" palahaw ni Kyseen at niyakap ang kaliwang braso ko.

"You're alive, Queen! Ang masamang damo naming Reyna!" emosyonal na wika naman ni Polain.

"Queen! Alam namin kung gaano kasakit ang maloko, pero stop crying na! Sinisira mo ganda ng make-up ko!" umiiyak na hiyaw naman ni Ealla. 

Hindi ko sila pinansin. I was still preoccupied if all the things that happened in Taylorynth were just a dream or were real. I was in a coma for months. Dalawang buwan rin ang panaginip ko sa mundo ng Taylorynth, kung panaginip nga ba. I'm confused but at the same time hurt.

Paano kung isang panaginip lang pala ang nangyari sa Taylorynth? Is my soul just wandering around since my body is still in critical condition? I couldn't help myself to cry even more. Sobrang sakit. How about my Zarcaen? My poor Zarcaen? Is he just part of my dream? Hindi ko matanggap, fuck! Gusto kong magwala! Damn it! 

Until now naririnig ko pa ang hinaing, pakiusap, iyak at pagmamakaawa niya na huwag ko siyang iwan. But I still did. I was forced to leave him, I was forced to wake up from my dream. Parang gusto kong magpasaksak ulit para mapunta ako sa kanilang mundo, sa kaniyang kaharian. 

She Is Zarcaen'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon