CHAPTER 13

17K 565 31
                                    

AUDRESYNE

I suddenly got bored while watching the royal servants cleaning the kitchen.

My brows knitted. Well, why the hell am I watching them in the first place? It's not worth to waste my time.

I have done my lunch earlier, hanggang sa natapos kumain ay hindi pa rin ako umaalis sa kinauupuan. They even ask me if I'm done eating so they can clean the table. I just let them clean the table even though I'm still sitting. I'm just having a deep thought of what I should do today that would never bore me and that is more productive. Ayaw kong tumunganga lang dito dahil hindi ang pagtunganga sa gilid ang nakasanayan ko. Sa mundo ko, kapag wala masyadong gagawin, naroon ako nakikipagbuno sa mga mafia assassins o di kaya'y tinutorture ang mga spies at traitors sa red room.

Napahalumbaba ako. Dang! Wala naman kasi silang sinabi sa akin kung ano nga ba ang role ko dito sa kaharian na 'to. Kung anong klaseng trabaho ang inirecruit nila sa akin. They should have briefed me.

Am I one of the royal servants? No way. A royal chef? Hell no! I would rather choose to be one of their royal guards than doing house stuff!

Dumating ang gabi, wala pa rin sila. I don't even care about them, anyway. Natulog lang ako buong maghapon, kahit hindi ko naman talaga gawaing matulog kapag sikat pa ang araw. What I usually do every afternoon on Earth is do office work inside the headquarters or have an assembly for another mission. And talking about a mission, I suddenly missed having a mission with my girls.

After I take a half bath, kaagad na akong nagtungo sa kama upang matulog. This kind of rest I seldom experience. Hindi ko gawaing matulog ng maaga. Sa mga ganitong oras, 19:30, kadalasan akong nasa headquarters pa at naghahanda para sa gaganaping misyon.

Nang makahiga ako sa kama ay bigla kong naalala ang nangyari kagabi, speaking of kama. Hindi ko alam ang anong nakain ko upang magpatabi matulog ng isang tao na hindi ko naman lubusang kilala. And to add more complication, it's a fucking man! Ni hindi ko nga nakakatabi matulog noon si Sandrou noong kami pa, how much more to that person who I just met?

Pilit kong inaalala ang nararamdaman ko kagabi. Hindi naman ako nailang, kinabahan, o naging hindi komportable. Kahit napaka-dominant yung aura niya, komportable naman ako sa kaniyang presenya. I don't know the fucking reason why! Ang himbing pa ng tulog ko, minsan lang ako magkakaroon ng mahimbing na tulog at aaminin ko man o sa hindi, isa iyon sa mga nagustuhan ko.

I took a deep sigh before I decided to sleep. I shouldn't have thought about that. To ease my confusion, I will not let it happen again. Bahala siya kung gapangin ulit, buhay niya iyan. Kasalanan rin naman niya dahil masyado siyang magandang lalaki. It's not my problem.

Mga ilang oras lang ata ang itinulog ko ngunit gising na naman ang aking diwa. It's still 21:20. Sandali akong napatitig sa kawalan bago napagdesisyunang tumayo. Kinuha ko ang itim kong leather jacket at itim na stretchable jeans. Hindi ko na hinubad o pinalitan ang nighties ko, ininshirt ko lang ito sa pantalon. Since cowl neck style siya at may kaunting lalim, medyo nakikita ang aking cleavage dahil na rin sa push-up bra. I looked at myself through the mirror first before I decided to go to the door.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, they might be here already, especially that person just beside my room. Hindi ko pa kasi masyadong nalilibot ang buong kaharian, might as well do it tonight. Baka may makita rin ako ditong posibleng makakatulong sa akin upang makabalik sa aking mundo.

Ang mga hakbang ko ay hindi masyadong naririnig. Para lang akong naglalakad sa hangin kaya confident ako na wala akong madidistorbo ngayong gabi. I can even do whatever I want.

Magdadalawang oras na siguro akong naglalakad, mukhang wala naman akong nakita o nahanap na makakakuha ng atensyon ko. Nadaanan ko na ang kuwarto ng tatlong grand penguins, pati ang headquarters ng royal servants/chefs since they are in the same headquarters. Sa dami ng nililikuan ko, hindi ko na alam kung nasaang parte na ako ngayon ng palasyo. Am I not lost, am I?

She Is Zarcaen'sحيث تعيش القصص. اكتشف الآن