CHAPTER 47

13.5K 531 26
                                    

AUDRESYNE

"Hindi ko akalaing matatagpuan kita sa mundong ito, your majesty. Sobrang nagagalak ako sa pagkakataong ito, ako pa lang ata ang nakarating sa iyong eksaktong lokasyon," maluha-luhang wika ni Nay Ariola.

Matapos ko siyang makilala kanina, sinabihan ko siyang sumunod sa akin sa loob ng headquarters namin upang masinsinang makausap. Kahit naguguluhan sa nakita niyang mga bagay-bagay dito sa headquarters na wala sa mundo ng Taylorynth, hindi siya nagtanong, tahimik lang siyang namamangha at nag-oobserba sa kapaligiran.

Dinala ko siya sa opisina ko, sinabihan ko ang vice queens na bantayan muna si Zayn sa kuwarto dahil may bisita ako, he's sleeping and I don't want him to be disturbed. Hopefully, hindi mag-iingay ang mga 'yun doon. Kahit ang kanilang mukha ay may katanungan patungkol sa matandang bisita ay hindi ko na muna sila pinansin. I have a lot of questions to Nay Ariola.

"How did you get here?" I asked her.

Bumuntong hininga ito. "Hinanap ka nila, your majesty . Hinanap ka niya."

My heart skipped a beat. Hindi pa man niya nababanggit ang pangalan, alam ko na kung sino ang kaniyang tinutukoy. I suddenly want to see him. I couldn't even explain how miss that man.

"How was he?" mahinang boses kong tanong.

"Noong unang buwan ng iyong pagkawala sa mundo namin, halos hindi namin siya makausap ng matino. Puno ng galit, kalungkutan at pagsisi ang nasa puso niya. Mababanggit lang ng kung sino sa mga tao ang iyong pangalan ay magwawala na siya at iiyak."

Suminghap ako at sumikip ang aking dibdib sa narinig. Napatulala ako sa kisame at pinigilan ang namumuong luha na tumulo.

My poor Zarcaen.

Hindi ko maimagine ang sakit na nararamdaman niya matapos naming lisanin ang kanilang mundo dala ang kaniyang anak. He probably went through a lot. At hindi ko man lang iyon nasaksihan, hindi ko siya natulungan sa kaniyang kahirapan.

I'm sorry if I had to leave you.

Kung may alam lang ako kung paano makapunta sa mundo nila na hindi sinasaktan ang sarili, mas gugustuhin kong sa Taylorynth manganak.

Pero wala akong ideya kung paano makapunta roon. I can't hurt myself. Hindi ko kayang saktan ang sarili ko dahil baka tuluyan kong iwan at lisanin ang mundong ito ng permanente.

What if I failed to go to Taylorynth and will just find myself in the lifetime instead?

Just thinking my baby monster will be motherless at such an early age, makes my heart torn into pieces. I can't do that.

"Pero dumaan ang ilang mga buwan, nakita naming parang may kakaiba sa hari. Parang bigla siyang natauhan at inayos ang lahat ng gusot sa aming kontinente. We went to Vlandior Kingdom and he claimed back everything he owns. Ibinalik niya sa dati ang kasiyahan at kaliwanagan ng kaharian na kinuha mula sa kaniya. Sa loob ng dalawang taon, wala siyang ibang ginawa kung di ang asikasuhin sa dating pamumuno ang kaharian ng Vlandior. Sobra kaming nagulat at nasiyahan sa kaniyang ginawa, your majesty. Hindi namin alam kung saan siya kumuha ng lakas upang gawin iyon samantalang halos magpakamatay na siya noon upang sundan ka lang," she continued.

I gasped at what she said. My king did that? He probably thinks mourning in the corner with a broken soul is not a good idea knowing you have people waiting for you to go out and do what they want you to do as a king.

He is a true king after all, the only royal blood left in their continent.

"We sometimes hear him calling your name. Palagi niyang sinasabi na hindi na raw siya makapaghintay na makita at makasama ka. Kinakabahan kami sa kaniyang magiging plano, maski ang tatlong ginoong grand butlers ng hari ay hindi rin mapakali. Akala namin ginawa niya munang matiwasay ang buhay ng lahat ng tao at inayos ang gusot sa Iredale para pagkatapos nun ay susunod na siya sa iyo at magpapakamatay."

She Is Zarcaen'sWhere stories live. Discover now