CHAPTER 39

13.2K 380 19
                                    

AUDRESYNE

"A-Audresyne..." was all she could say after she noticed the girl behind the white mask.

Walang imik na hinila ko siya palabas ng pharmacy at isinakay sa aking Bugatti. She was surprised upon knowing that my car was high-technology. It is her first time entering my car, she probably can't believe what a Mafia Queen car looks like.

Tahimik ang byahe namin, kahit ramdam ko ang kaniyang pasulyap-sulyap sa akin, alam kong marami siyang mga tanong at marami rin siyang sasabihin sa akin pero mas pinili niyang manahimik.

Dinala ko siya sa Bya's, isang kainan para magchill. Maraming sweets, snacks, and drinks na maaaring piliin. I ordered milk tea and cakes for her, habang shawarma naman sa akin. Honestly, I don't like this food, ngayon lang ako nag-enjoy kainin ang shawarma dahil marahil ito ang gusto ng monster na nasa aking tiyan.

I unconsciously caressed my stomach. Thinking about this little monster inside me makes me excited. Hindi dahil may remembrance ako mula kay Zarcaen, but it was even proof that Taylorynth is not only a dream or my imagination, but it was real. Dark Kingdom is real, and Zarcaen is real. Iyon lang naman ang gusto kong malaman, ayokong maging baliw kakaisip na hindi sila totoo. Baka di ko iyon kakayanin.

"Why did do that?" ako ang unang bumasag sa tahimik naming mesa.

Nag-angat ito ng tingin mula sa hinigop na milk tea. "Wala na kasi akong maisip na ibang dahilan para tanggapin mo u-ulit ako," she said weakly and started to cry.

"Don't be like me. You see, the mafia war is supposed to be between me and Sandrou, pero nasali kita. I even tried to kill your baby," wika ko at sumandal sa upuan.

"I-I understand. We have an intimate relationship behind your back, hindi ko naisip ang mga kahihinatnan. Nagawa ko lang iyon kasi matagal ko na siyang gusto, hindi pa man kayo nagkakilala ay gustong-gusto ko na siya," she wiped her tears.

"What do you mean?" kunot-noo kong tanong. She met Sandrou before I met him?

"Siya 'yung sinabi ko sa iyo noon na batang lalaking n-nagligtas sa akin noong muntikan na akong masagasaan ng train," humihikbi niyang wika.

Halos hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan sa nalaman. We were kids back then when I left her in a bench park because I was buying street foods for us, inutusan niya ako at wala akong magawa kung 'di sundin siya. I didn't know that she run towards the railroad, halos mabingi ako sa lakas ng busina ng train at ang hiyaw ng mga tao, hinintay ko pang matapos maluto ang pagkaing inorder ko bago ako bumalik sa kaniyang puwesto, pero pagkatanaw ko sa kaniya, yakap-yakap na siya ng isang batang lalaki sa damuhan habang umiiyak.

The guy just left after that because he was being called by his father, doon na ako tuluyang lumapit sa kaniya at tinanong siya. She told me that she saw a beautiful dress in a store displayed outside, kaya hindi niya tiningnan ang paligid at diretso lang sa pagtakbo, not knowing malapit na pala ang train sa kaniya, the guy came and saved her by pushing to the opposite way. Doon niya sinabi sa akin na hahanapin niya ang lalaki at gusto niyang ito ang makatuluyan niya. I witnessed how she became crazy each of those days because she had already seen her knight in shining armor prince.

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong ko at tinitigan siya.

Umiwas ito ng tingin. "Dahil doon ko lang rin nalaman na siya pala ang lalaking nagligtas sa akin noong sinagot mo na siya."

She Is Zarcaen'sDove le storie prendono vita. Scoprilo ora