KABANATA 22

31.1K 1.3K 961
                                    




Kabanata 22:

PARANG may dumakot sa aking puso sa mga binitawan niyang salita. Nasaktan ako ngunit hindi ko magawang magalit habang nakatitig sa kaniyang mata. Kaagad naman akong inilagay ni Gabrel sa kaniyang likuran animong pinoprotektahan ako laban sa boyfriend ko.

"Boss," ani Gabrel.

Bumaba ang tingin niya sa braso kong hawak ni Gabrel. Nakita kong mas dumilim ang mukha ni Draco, unti-unting nawala ang kaniyang ngiti sa labi.

Hinawi ko ang kamay ni Gabrel sa akin, gulat siyang lumingon sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin.

Malalaking hakbang na lumapit ako kay Draco, narinig ko pa ang pagtawag ni Gabrel sa aking pangalan ngunit hindi ko na siya nilingon.

Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay ni Draco sa ginawa kong paglapit sa kaniya kahit pa may nakatutok sa akin na baril.

Nang huminto ako sa mismong harapan niya ay hinawakan ko ang kamay niyang may baril, itinutok ko iyon sa aking sentido.

Kitang-kita kung paano nanlaki ang kaniyang mga mata sa aking ginawa.

“Tingnan natin kung asentado ka, Draco. Sabihin mo ulit ’yang kataranduhan lumabas sa bibig mo kanina habang nakatingin sa mismong mata ko, kapag nagawa mo ako mismo ang magpuputok ng gatilyo,” matapang kong sabi.

Ipinaglandas ko ang daliri ko sa baril, hinawakan ko ang daliri niyang nakahawak sa gatilyo.

Ramdam ko ang pagtigas ng kaniyang kamay roon animong pinipigilan ang iniisip ko.

“I-I don't wa-want... to see... uhm..."

Naging malikot na ang mata niya, pilit hinahanap ang mga salita kanina ngunit hindi na niya masabi ulit.

Mapait akong ngumiti.

Nilingon ko si Gabrel, awang ang kaniyang labi habang nakatingin sa amin animong hindi pa siya makapaniwala.

"Pwede bang iwan mo muna kami ng boyfriend ko? May kailangan lang kaming pag-usapan," kalmadong sabi ko.

Binigyan ko siya ng makahulugan tingin at mukhang nakuha naman niya iyon dahil mabilis siyang tumalikod at lumabas.

Nang kami na lang dalawa ang naiwan ay muli ko siyang nilingon, nakita ko ang panginginig ng kaniyang kamay.

Ibinaba niya ang baril at hindi na makatingin sa akin, pilit ko siyang dinungaw.

Dahan-dahan akong mas lumapit at niyakap siya sa kaniyang leeg. Naramdaman ko ang kaniyang pagtulos dahil sa ginawa ko, hinimas ko ang likod ng kaniyang ulo.

“Hindi ko gusto ’yong ginawa at sinabi mo, sa susunod na gawin mo ’yon. Kahit hindi ako high, puputulin ko hotdog mo,” banta ko sa kaniya.

Suminghap siya. “M-Mavis, hindi mo ba narinig ang sinabi ni Gabrel? May nangyari sa atin no’n, gabi na ’yon. What if I f-forced you that night? You were not in your right mind at that time, you weren’t thinking clearly at that moment... I’m not worthy of you. I don’t deserve you. I will never be, baby. Iniisip ko pa lang hindi ko na mapatawad ang sarili ko, Mavis. Paano kung nasaktan pala kita noon kaya ka p-pumayag? Tangina. Tama si Gabrel, mapapahamak ka sa akin,” nanginig ang kaniyang boses.

Mariin akong pumikit dahil alam kong gano’n nga ang iisipin niya.

Ayos lang sa akin na iyon ang pananaw niya, ayoko lang na pabigla-bigla siya.

“Alam mo, desisyon ka. Wala kang kasalanan, parehas tayong biktima. Hindi tayo ang magkaaway rito, Draco. May ibang dapat managot sa lahat.”

Marahas siyang umiling, ibinaon niya ang mukha sa aking leeg, sunod-sunod ang kaniyang naging paghikbi.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon