KABANATA 5

38.6K 1.5K 957
                                    


Kabanata 5:


Wala akong pinagsabihan tungkol sa nangyari sa gabing iyon nang sumapit ang kinabukasan. Tikom ang aking bibig kila Ben at Bert nang dumating na sila, kahit pa sigurado akong wala naman sa kanilang dalawa ang may gawa no’n.

Base sa pagkakaalala ko ay matangkad ang magnanakaw, halos hanggang dibdib lang niya lang ako.

Sigurado akong hindi gano’n ang pangangatawan nila Ben at Bert.

Magnanakaw nga ba, gayong napatunayan kong wala naman kinuha ang lalaki sa aking kuwarto. Wala naman nawala sa aking mga gamit, o baka naman magnanakaw pa lang siya at hindi lang natuloy dahil dumating na ako’t naabutan siya?

Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko sa isang tao. Hindi nagkakamali lang ang instinct ko.

Father Draco...

Ngunit narinig ko ang boses ng lalaki na pumasok sa punerarya at masasabi kong malayo ang boses nila. Hindi magkamuka kaya naguguluhan ako, at kung si Father Draco man nga iyon, bakit naman niya iyon gagawin? Anong kukunin niya roon?

Panty ko, gago? Nakaka-stress ha, ang aga-aga.

Busangot ako kinabukasan nang makarating sa simbahan, kita ko kaagad ang isang itim na kotse na nakaparada roon, sa gilid no’n ay si Father Draco na may kausap sa kaniyang telepono, bakas ang kaseryosohan sa kaniyang mukha.

Hindi ko maiwasan magtaas ng kilay nang makita ang pormahan ng pari.

Hindi katulad noong mga nakaraan araw ay naka-longsleeve siya ngayon na kulay puti at slacks na itim. Balot na balot ang katawan.

Ang init-init, jusko.

Napatingin tuloy ako sa aking suot para sa araw na ’yon.

Isang kulay itim na shirt at jeans, napangiwi pa ako nang mapansin ang print sa shirt na suot ko na ngayon ko lang din napansin, basta kasi humugot lang ako sa hanger kanina.

Demonyo ’yon na naka-fuck you sign.

Dahan-dahan akong lumapit, mukhang hindi naman niya napansin ang paglapit ko dahil abala sa kausap, mukhang tulala rin e.

Naisip ko tuloy na baka tungkol iyon sa nawawalang pera, na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung sino ang kumuha.

Huminto ako sapat lang upang marinig ang sinasabi niya.

“It's all right, Gavril. I'll just let you know when we get an update. Don't call, I will. You are aware of the higher-up. I hope you understand that and . . .” Nagtama ang aming mata, hindi niya natuloy pa ang sasabihin, basta na lang niya pinatay ang tawag na ’yon.

Saktong pagkalapit ko ay siyang pagbulsa niya ng kaniyang telepono, ngumisi ako.

“Ganda ng pormahan natin, Father ah.” Puna ko sa suot niyang longsleeves.

Nagkibit-balikat lang siya. “I have a meeting, so . . . I need to be presentable. Kanina ka pa riyan?” kunot-noo na tanong niya.

“Medyo, Father. Mukhang importante ho ang kausap niyo kaya hindi na ako sumingit, makakapaghintay naman ako,” magaspang na sabi ko.

Nakita kong binasa niya ang ibabang labi bago namulsa.

“May narinig ka ba?”

Humalakhak ako. “Hindi naman ako bingi, Father. Narinig ko pero english e, hindi ko gets. Ano ba ’yon, Father?” usisa ko.

Of course, I can understand naman. Hindi lang ako pala salita ng english talaga pero nakakaintindi naman ako. Siguro dahil wala rin naman akong nakakausap sa english kaya rin hindi ako sanay, pero hindi ko ’yon sasabihin sa kaniya.

Conrad Series 2: The PreacherWhere stories live. Discover now