KABANATA 6

36.7K 1.5K 457
                                    


Kabanata 6:

             Tanghali na nang makarating kami sa punerarya, sobrang lakas pa rin ng ulan. Walang umimik sa amin dalawa ni Father Draco habang nasa biyahe simula kanina, basang-basa na rin ang upuan ng kotse dahil sa basang damit namin.

Nang maiparada ko ang kotse sa parking lot ng shop ay nakita ko kaagad si Bert na sumilip sa labas. Mukhang narinig niya ang pagdating namin, nakahubad-baro pa siya, siguro ay tinatapos na niya ang ginagawa nilang kabaong na order sa amin.

Nilingon ko si Father na salubong na ang kilay habang nakatingin kay Bert.

Mabilis akong bumaba sa kotse, narinig kong bumukas din ang passenger door tanda ng paglabas na rin ni Father.

Bakas ang pagkamangha ni Bert nang makita akong bumaba sa kotse, natigil tuloy ang pagpupunas niya ng kamay.

“Wow! Mavis ibang klase, hindi lang pala karo ng patay ang maida-drive mo, kanino naman ’yang—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang makita kung sino ang kasama ko. “F-Father, kayo po pala . . .”

Hindi ko maiwasan mapanguso, lalo na nang lumabas na rin si Ben na mukhang narinig ang sinabi ni Bert.

“A-Ah, Father Draco kayo po pala. Pasok po kayo!”

Napangiwi ako nang mas una pa nilang abutan si Father ng malinis na pamunas kaysa sa akin.

Bawasan ko kaya suweldo ng mga ’to? Sino bang amo niyo?

Tumango si Father Draco sa kanila saka ako nilagpasan papasok ng shop, hindi nakaligtas sa aking mata ang pagpasada niya ng tingin sa bagong motor ni Ben na nasa gilid.

Oh lalaki nga naman.

Halos mapaikot ko ang aking mata dahil halos magkandarapa pa silang dalawa na abutan ng upuan si Father.

Hindi man lang naisip na nandito pa ako, hello? Ako kaya nagpapasuweldo sa inyo? Shuta kayo.

Busangot na sumunod ako sa kanila papasok sa shop. Naabutan kong inililibot ni Father Draco ang paningin sa buong shop at huminto ang mata niya sa mga nakahilerang kabaong pa sa gilid na hindi pa nabibenta.

Gusto ko sanang alukin siya ng by one take one promo namin na kabaong pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

“Ben, tuwalya pakuha naman,” utos ko.

Mukhang doon pa lang natauhan si Ben, inabutan niya ako ng isang malinis na tuwalya.

Para pa silang tanga na nakatayo roon sa harap namin habang basang-basa naman kami at nagpupunas.

“Anong nangyari, Mavis?”

“Naabutan kami ng ulan.” Hindi ko na dinagdag kung bakit kami nabasa. “Babalik na kami sa simbahan pagkatila ng ulan,” imporma kaagad sa kanilang dalawa para hindi na magtanong pa.

“Ah, gano’n ba... Father ano hong gusto niyong inumin? Kape?” tanong ni Bert.

Napanguso ako nang tipid na ngumiti sa kaniya si Father Draco, nandoon na naman ang ekspresyon na iyon na parang nakahanda at praktisado na.

“Thanks, but I don’t like coffee.”

Napaismid ako, iniyakap ko ang tuwalya sa aking balikat. “Ako na ang magtitimpla, Bert. Mukhang wala na rin naman pupuntang kostumer kaya puwede na kayong umuwi nang maaga. Magpapalit lang kami ng damit.”

Nakita kong napalingon silang tatlo sa akin.

“Tayo?” usal ni Father.

Eh, sino pa ba?

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon