KABANATA 1

49K 1.9K 1.1K
                                    

Kabanata 1:

Akala ko noon, kapag mabait ka ay mamahalin ka, hindi pala. Gagamitin ka, iyon ang tamang salita.

They will use you because you're letting them see your weaknesses.

Hinihintay kong tumila sa pag-iyak ang kalangitan habang nakatingin sa bahay ng dating tinuring kong kaibigan. Pagiging masama ba kung sasabihin kong ako ang lumayo? Ako ang nang-iwan sa kaniya.

Siguro nakasanayan na lang na kung sino ang umalis, siya ang mali.

I am tired of being a rant absorber, that friend that will carry someone else's burden.

Malakas akong napabuntonghininga habang nakatanaw sa lumang bahay na ngayon ay bakante na. Wala na sila riyan ngayon, nakakalungkot din ang nangyari lalo't hindi na kami muling nakapag-usap pa ni Adilyn simula noong nagpakasal siya.

Dalawang taon na ang nakaraan.

Ang dami rin nagbago sa lumipas na dalawang taon. Ang bilis lang pala. Parang noon, iniisip ko pa lang kung ano kayang gagawin ko kapag nag-edad na ako ng bente-singko pero ito na ngayon, nandito na ako.

Nanatiling nakabukas ang karinderya na pangunahin pinagkukunan namin ng panggastos sa araw-araw. Ang kinikita sa punerarya naman ang madalas ginagamit sa pambayad namin ng bills at tuition ng mga kapatid ko.

"Nabanggit na ba sa'yo ni Ben ang bilin ko, Mavis?" tanong ni Mother Fe nang makarating ako sa simbahan at magkasalubong kami.

Si Mother Fe ay isa sa mga matandang madre rito sa aming parokya na matagal ko na rin kakilala.

Ang galing nga e, parang hindi siya tumatanda. Kasi noong bata pa ako ay ganyan na ang itsura niya, hanggang ngayon.

Ano kaya sikreto ni Mader?

Tumango ako sa kaniyang tanong, nasabi na nga sa akin ni Ben ang hinihiling niya na tungkol sa padating na fiesta sa aming lugar. Nais nila na ang karinderya namin ang umasikaso sa ihahain sa araw na 'yon para sa paparating na bagong pari sa amin lugar.

Hindi ko alam ang buong detalye kasi hindi naman talaga ako active sa simbahan, iyon lang ang narinig kong usapan, na may bagong pari na volunteer.

Nagmano ako kay Mother Fe. "Oho, nabanggit na nga sa akin ni Ben kaninang umaga. Ilang putahe ho ba ang kailangan? Saka para sa miryenda ba o tanghalian, para sana maiayos ko na rin ho kasi may ipapaluto rin si kagawad sa umaga ng araw na 'yon."

"Meryenda hanggang gabihan sana, Mavis. Kaya ba?" mahinahong tanong niya.

Bwakanang...

Tipid akong ngumiti saka bahagyang tumikhim. Sa isip ko ay iniisip ko na ang salitang sasabihin ko dahil baka mamaya ay kung ano ang lumabas sa bibig ko na hindi ko mapigilan.

Ang honest ko pa naman masiyado.

Jusko, nauubos ang kabaitan ko kapag kausap ko ang mga ganitong tao.

Huhu, sorry po. Papa God, kanina ko pa po gustong magsalita ng bad words.

Naisip ko kaagad kung gaano ako kapagod at ka-busy sa araw na 'yon, pero ayos lang. My tiredness means more money.

Kailangan din kasi na mag-doble kayod lalo't sabay-sabay nag-aaral ang mga kapatid ko, gamot pa ni Tito Toti.

"Sige ho, Mother Fe, gagawan ko ng paraan. Medyo malalambot na lang ho sigurong pagkain ang ihanda ko, alam niyo naman ho," makahulugan na sabi ko.

Malamang, baka kapag matitigas na pagkain ang ihain sa matandang pari na bagong dating ay bigla itong mag-fasting sa gabing iyon. Bigla ko tuloy naisip ang itsura niya, kahalintulad sa matagal ng pari rito na matanda, siguro ay hindi nagkakalayo ang edad nila.

Conrad Series 2: The PreacherWhere stories live. Discover now