KABANATA 2

42.2K 1.8K 1.2K
                                    

Kabanata 2:

"Hay, salamat busog!" rinig kong daing ni Bert sa aking gilid pagkatapos dumighay, hinihimas-himas pa niya ang kaniyang tiyan.

Pumalatak si Ben, pinaglapat niya ang dalawang palad animong nagdadasal. "Sana may patay bukas no."

Hindi ko sila nilingon sa kanilang pag-uusap, nanatili ang aking tingin sa malayong lamesa sa aming kanan, halos hindi na ako nakakain nang maayos kakalingon sa gawing 'yon.

"Gago, nasa harap tayo ng simbahan."

"Ikaw nga nagmura e. Saka bakit, ano naman? Patay naman talaga ang trabaho natin ah, Bert? Edi nawalan tayo ng trabaho kung walang patay, lahat naman mamamatay, una-una lang pre," dagdag ni Ben.

Mas naningkit ang aking mata habang hindi inaalis ang tingin kay Galamay.

Maraming lumalapit sa kaniya, nagpapakilala at nangangamusta, may matatanda at may mga dalagita pa. Wow? Kailan pa sila naging interesado sa simbahan, bigla ata'y lahat sila gusto na sumali sa church choir.

Simula kanina ay hindi nawala ang maamo niyang mukha at matamis na ngiti sa kaniyang labi. Para bang isa siyang kandidato sa politika na handa tanggapin ang pakikipagkamay ng lahat ng mga lumalapit sa kaniya, ang pinagkaiba lang ay hindi ko pa nakitang nakipagkamay siya o humawak sa kahit sinong babaeng lumapit sa kaniya. May makikipagkamay sana sa kaniya kanina ngunit tinanguan lang niya.

Parte ba iyon ng pagiging pari?

Sigurado akong siya 'yong lalaki nang gabing iyon, hindi ako puwedeng magkamali.

Pari siya? Seryoso ba?

Nilingon ko na sila Ben at Bert para tumahimik na sila sa pagtatalo nila, hindi pa rin pala tumitigil.

"Mauna na kayong umuwi."

"Ha? Bakit, gutom ka pa?" tanong ni Bert.

"Basta may gagawin pa ako rito. Susunod na lang ako. Pasabi na lang kila Tito, mahuhuli ako ng uwi."

Hindi pa ako puwedeng umalis, kailangan kong makasigurado lalo't hindi ako papatulugin ng ideyang ito kakaisip ko.

"Oh sige, dalhin na namin 'tong mga gamit."

Tumango ako sa kaniya, inabot ko kay Bert ang suweldo nila para sa araw na ito dahil hindi naman talaga sila dapat ang kasama ko rito. Ngunit dahil kailangan ko ng mga magbubuhat ay nahila ko sila.

Ngising-ngisi si Ben na inakbayan ako.

"Baka naman, may pampadulas ka pa riyan, Mavis. Pang-softdrink ba? Walang dagdag?"

Tinabig ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin, inis na tinulak ko siya.

Asim ampota.

"Gusto mo dumulas? Inom ka zonrox. Umalis na nga kayo."

Muling ibalik ko ang ang tingin sa lamesa nila Father Draco, naabutan kong nakakunot na ang kaniyang noo habang nakatingin sa aming gawi, wala na ang ngiti sa labi, parang ibang tao na, parang nakita ko tuloy ang lalaking seryoso na sumuntok sa akin nang gabing 'yon.

"Huy, Mavis. Pati ba ito tray sa inyo?"

Napalingon tuloy ako kay Bert nang tapikin niya ako sa balikat, ipinapakita niya ang isang tray na kulay itim, tumango ako sa kaniya bago ibalik muli ang tingin kay Father Draco.

Nagsalubong ang aking kilay dahil nakangiti na ulit siya habang may sinasabi ang mga kasama niya sa lamesa.

Namamalik-mata lang ata ako kanina?

Nang tuluyan makaalis sila Ben at Bert ay bumalik na ako sa aking lamesa, unti-unti na rin humuhupa ang tao sa paligid.

Hindi na ako magtataka kung matalim na ang tingin ko sa kaniya.

Conrad Series 2: The PreacherWhere stories live. Discover now