KABANATA 11

35.3K 1.5K 706
                                    

Author's Note: Hey, sorry kung natagalan ako since nasabay sa mga family occasion kaya medyo naging busy. Nakakapagsulat ako sa gabi but I don't want to upload chapters na hindi ako kontento sa content. Anyway, today is my birthday. Here's my update for tonight, guys. Bawi ako sa mga susunod na araw. Thank you for waiting and reading this very light story! :)


Kabanata 11:

“Are you already done?” Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung kanino galing ang baritonong boses na ’yon. Hindi ko siya sinagot ngunit inilapag ko sa lamesa ang kaunting ulam na niluto ko na nakalagay sa isang platito. “Hindi ka rito kakain, ulit?”

Tuluyan ko siyang nilingon, doon ko napansin ang pagtulo ng tubig sa kaniyang pisngi at balikat galing sa kaniyang basang buhok tanda ng kakatapos niya lang na paliligo.

“You're not going to eat with me again like the past few days?” ulit niyang tanong, mas madiin.

Sandali kong sinundan ng tingin ang pagpupunas ng kaniyang buhok habang nakaupo na sa madalas niyang puwesto.

“Hindi na ho, may importante pa akong pupuntahan e. Mauna na ako.”

Tumaas ang kaniyang kilay.

“I need my assistant later. I'm going somewhere important.”

Marahan kong pinilig ang aking ulo. “Hindi ho ako makakasama.”

Nakita kong bahagyang nagsalubong ang kaniyang natural at makapal na kilay dahil sa sinabi ko.

Pinagsaklob niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa habang malalim ang titig sa akin, animong nanunukat at naninimbang ang mga titig na iyon. Pilit hinahalukay ang totoong rason ko, ngunit nabaon na ’yon ng galit ko.

“But that’s part of your job. Isn’t it?”

“Ibawas niyo na lang ho sa sahod ko ngayon linggo kung gano’n. Hindi ako makakasama, hindi na ho siguro.”

Gumalaw ang kaniyang panga.

“How about Inasal? You won't visit him later?”

“Nilagyan ko naman na ng pagkain at inumin ang lalagyan niya. Panigurado naman iyon lang ang gagawin niya, kumain at matulog, kaya huwag ho kayong mag-alala sa manok niyo.”

Nakita kong natigilan siya, umawang ang kaniyang labi animong may sasabihin pa ngunit kaagad na naitikom din.

Kaagad kong sinukbit ang straps ng bag sa aking balikat saka lumabas doon nang walang lingon-lingon. Sakto naman na nakita ko si Mother Fe sa labas ng simbahan na kabababa lang sa sinakyan niyang pampasaherong tricycle.

“Oh, Mavis. Magandang umaga. Tapos na ba ang pagluluto mo?” Tipid siyang ngumiti sa akin, nagmano naman ako sa kaniya.

“Oho.” Kaagad akong luminga bago magpatuloy sa sasabihin. “Hinahanap ko ho talaga kayo noong makalawa pa.”

“Bakit naman, iha? Ano iyon? May problema ba?”

“Aalis na ho ako sa pagiging cook at assistant ni Father Draco.”

Nakita ko ang pagkabigla niya, unti-unting nawala na ang ngiti sa labi.

Noong nakaraan araw ko pa dapat ito sinabi kay Mother Fe pagkatapos kong malaman na ang ginagawa niya sa mga niluluto ko pero ngayon lang kami nagtagpo.

Halos dalawang araw ko na rin iniiwasan si Father Draco, hindi ko na kinukulit kagaya ng mga nakaraan linggo at alam kong pansin niya iyon.

Hindi ko alam ngunit nawalan na ako ng gana, gusto ko pa rin ituloy ang aking plano na alamin ang pagkatao niya pero naisip kong magagawa ko naman siguro kahit wala ako roon?

Conrad Series 2: The PreacherWhere stories live. Discover now