KABANATA 21

32K 1.3K 708
                                    


Kabanata 21:


Tahip-tahip ang aking kaba habang hila-hila ako ni Draco papunta ulit sa secret room sa ilalim ng simbahan. Habang naglalakad kami palayo roon ay namumuo rin ang galit ko kay Gabrel dahil sa kaniyang huling sinabi patungkol sa akin.

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang pagdududang iyon lalo’t totoo din naman.

Mahigpit ang kanilang kinabibilangan organisasyon at alam kong isa iyon sa rules nila. Kung ako rin ang nasa kaniyang kalagayan ay sasabihin ko rin ang aking hinain, naiintindihan ko ’yon ngunit masakit dahil sa kaniya nanggaling ang mga salitang iyon.

Pinunasan ko kaagad ang luha sa pisngi ko nang tuluyan kaming makababa.

Pabagsak siyang naupo sa sofa bed, kunot ang kaniya noo habang nanatili naman ako nakatayo sa kaniyang harapan.

“Bakit ka umiiyak?” Mas nagsalubong ang kaniyang makapal na kilay nang tumama ang tingin niya sa mukha ko.

Bakit?

Hindi ko na alam.

Pinaghalong galit at takot, dahil alam kong totoo lahat ng sinabi ni Gabrel. Ginagamit ko si Draco, para kumuha ng impormasyon kay Mama... katulad ng pangako ko sa kapatid ko.

Mas lalo akong nalungkot nang maalala ang sinabi ni Draco kanina, alam niya ang ginagawa ko ngunit hinahayaan niya lang. Hindi ko tuloy maiwasan mag-isip kung umaarte rin ba siya katulad ko o totoo lahat ng sinabi niya nitong mga nagdaan araw.

Humugot ako ng malalim na hininga, deretsiyo ko siyang tiningnan.

“T-Totoo ’yong sinabi ni Gabrel k-kanina,” pag-aamin ko.

Wala ng dahilan upang magsinungaling pa, walang silbi kung itatanggi ko pa.

“I know.”

“Alam mo... kung ganoon, umaarte ka lang din nitong mga nagdaan araw? Y-Yung mga sinabi mo noon... lahat ba...”

Pagak siyang natawa na para bang may nakakainis sa sinabi ko, ibinagsak niya ang kaniyang ulo sa sandalan ng sofa bago muling tumingin sa akin.

“Look at me now and tell me if I’m still pretending... baby, you’re hurting my feelings.” Iminuwestra pa niya ang kamay sa kaniyang katawan animong tinuturo ang sarili.

Hindi kaagad ako nakapagsalita.

“I mastered, hell... I am excellent at being a spy agent; I am a fucking good pretender. Hindi ko nga alam kung bakit pagdating sa’yo, ako na ata ang pinaka honest na tao.” Iiling-iling na sabi niya.

Umawang ang labi ko, bahagya pang nanginig iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging emosyonal ngayon, hindi dapat ganito hindi ba?

“K-Kung gano’n, kung alam mo naman pala ang plano ko bakit sinasabi mo pa rin sa akin ang mga alam mo... b-bakit hindi ka galit?”

Gumalaw ang kaniyang panga, gusto ko sanang iwasan ang matalim niyang titig sa akin ngunit alam kong deserve ko kung ano man galit ang ibabato niya.

Handa ako kung sumbatan niya ako o kaya ay sabihin niyang pinagsisisihan niya ang relasyon na ito.

“Galit?” Natawa siya ulit bago malungkot na ngumiti sa akin. “Ni hindi ko magawang magalit sa’yo, Mavis. Kahit ano atang pagtatalunan natin ay iintindihin ko para sa’yo,” mahinang aniya bago nag-iwas ng tingin.

“H-Hindi dapat ganyan... dapat magalit ka, nagsinungaling ako.”

“Hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako. I can't even control myself when I’m mad.”

Conrad Series 2: The PreacherWhere stories live. Discover now