KABANATA 10

38.7K 1.7K 904
                                    


Kabanata 10:


NATULOS ako sa aking pagkakatayo sa bukana ng pintuan nang makita ko si Father Draco, tagaktak ang pawis habang hinihingal pang lumingon sa aking gawi. Laglag ang panga ko nang makita ang dalawang malaking punching bag na nasa kaniyang likuran na nagbibigay bigat sa kaniyang pagpu-push up.

Walang kahirap-hirap niyang inalis ang mga 'yon sa kaniyang likuran, gumawa ng ingay ang pagkahulog no'n sa sahig.

Tunog pa lang no’n ay siguradong mabigat na, ilang kilo ang mga iyan at talagang nilalagay pa niya sa likuran niya?

Hingal na sumalampak siya sa sahig saka itinukod ang mga palad bilang suporta niya upang hindi tuluyan mapahiga.

“One thousand five hundred sixty-nine,” bilang niya sa pinaka huling push up. “What are you doing here, ma'am?” paos ang boses niya, nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin.

Napalunok ako habang pinapanuod ang mabilis na pagtaas-baba ng kaniyang balikat.

Nakasuot siya ng gray na sweater pants at sleeveless shirt na kulay itim, kaya naman kitang-kita ko ang pawis sa kaniyang braso at leeg.

Hindi ako nakapagsalita kaagad at parang nakain ko na ang sarili kong dila habang unti-unti kong naisip ang ginawa kong kahihiyan.

Pukingina, bakit kasi gano’n siya umungol? Nabibigatan pala siya, akala ko kasi ano . . . ’yong ano.

“What’s mariang palad? Why are you here?” Kunot-noong tanong niya, pinasadahan niya rin ang magulong buhok ng kaniyang daliri.

Naging malikot ang aking mata upang humanap ng idadahilan.

Doon ko nakita si Inasal na nasa kaniyang kama at natutulog, may maliit na kumot pa.

“Ah, ano . . . mariang palad, p-pray ’yon! Oo tama, gano'n nga kaya nga tinawag na mariang palad, kasi ’di ba mother ni Papa Jesus si Maria? T-Tapos kapag nagpe-pray, pinagdidikit ’yong palad k-kaya gano’n hehe.” Hilaw na tumawa ako. “Akala ko po nagdadasal kayo, uhm nag-exercise ho pala kayo. N-Nagdala lang ako buko pandan.” Itinaas ko ang dala kong dessert na nasa tupperware na red.

Sandali niya akong tinitigan bago niya itinulak ang kaniyang sarili patayo.

Dinampot niya ang maliit na towel na nakapatong sa kaniyang kama saka ako nilagpasan papunta sa kaniyang kusina.

Napanguso ako at sumunod na lang sa kaniya roon, tumabingi ang ulo ko nang makita ang malapad niyang likuran lalo na ang bilugan puwet.

Ang laki pala niya, kitang-kita ko ang mga muscles lalo na sa braso.

Malaki dede ko, pero wala akong puwet masiyado. Mas matambok pa ata ang sa kaniya.

Sinundan ko siya ng tingin nang dumiretsyo siya sa refrigerator
upang kumuha roon ng malamig na tubig, inilapag ko naman ang dala ko sa lamesa habang nagsasalin siya sa kaniyang baso.

Nang magtamang muli ang aming mata ay ngumisi na ako.

Siyempre, napahiya ako kanina pero mukhang hindi naman niya alam ang tunay na ibig sabihin ko roon kaya ayos lang. Hindi ko na lang ipagsasabi ang nangyaring iyon kahit kanino, isasama ko sa hukay ang pagkapahiya kong iyon.

“Ilagay mo na lang dito sa ref, bukas ko na lang kakainin,” seryosong aniya.

Napanguso ako.

Oh, well . . . dinala ko lang naman talaga ito dahil napasobra ang gawa ko at ayaw kong masayang.

“Oh, okay . . . aalis na rin ho ako.”

“Okay.”

Lihim akong napairap dahil hindi man lang talaga ako pinigilan, hindi man lang sabihin na ihahatid niya ako hanggang labasan.

Conrad Series 2: The PreacherOnde as histórias ganham vida. Descobre agora