KABANATA 9

34.6K 1.4K 851
                                    

Kabanata 9:

Dalawang tao. Office ni Father Draco. Pagpukpok sa batok ko.

Humahangos na napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga nang bumalik na ang aking diwa. Nanlalabo pa ang aking paningin habang hingal na hingal kong inilibot ang aking tingin sa paligid. Kasabay ng paglinaw ng paningin ko ay ang pagbalik ng aking ala-ala sa nangyari bago ako mawalan ng malay.

Kaagad kong hinawakan ang aking leeg at bahagyang hinilot iyon. May kaunting kirot doon pero mas lamang ang sakit ng aking ulo.

Nasaan ba ako? Anong nangyari?

Bumaba ang tingin ko sa malaking kama na kulay puti na aking hinigaan. Doon ko napuna ang kabuoan ng kuwarto na kinilalagyan ko.

Malinis at maaliwalas ang paligid, maayos ang posisyon ng mga gamit, nasa tamang lalagyan ang mga libro, may maliit na lamesa sa gilid ng kama at sa ibabaw no'n ay ilang papeles, may itim na cabinet naman sa dulo.

Tumuon ang aking atensyon sa mga dekorasiyon na nakasabit sa pader.

Certificates, awards, recognition... at sa lahat ng iyon ay iisang pangalan lang ang nakamarka.

Draco Khaled Rusinni

Umawang ang aking labi habang iniisa-isa binabasa ang mga 'yon.

Doon ko napansin ang ilang larawan, nakasuot siya ng pang-pari, ang isa ay parang graduation, at ang isa ay parang nasa isang misa.

Laglag ang aking panga dahil sa aking mga nakita, unti-unti kong napagtanto na nasa kuwarto ako ni Father Draco nang malanghap ang pamilyar niyang amoy.

Bigla akong naguluhan sa mga nakita ko. Ibig sabihin ba nito ay pari talaga siya? Nagkakamali ba ako sa aking hinala na nagpapanggap lang siya? Mali ba ang nararamdaman ko? Pakshet.

Pilit kong inaalala ang nangyari.

Nalasing ako at naglakad-lakad, may nakita akong dalawang lalaki, pumunta ako sa labas ng office ni Father Draco hanggang may pumukpok sa leeg ko.

Kaagad kong kinapa ang katawan ko nang mapansin iba ang suot kong damit. Sinapo ko ang aking pagkababae nang may naisip ako, hindi naman masakit.

Napabuntonghininga ako.

Safe, Mavis. Hindi nabilasa ang tilapia

Hindi pa ako nakakabawi at nasa gano'n posisyon pa nang biglang bumukas ang pintuan. Sa gulat ko ay nasapo ko ang aking bibig.

Kaagad ko rin inalis nang maalala kung saan ko iyon hinawak.

"Good, you're awake," aniya sa baritong boses.

Suminghap ako.

"Nasa kuwarto mo ako? A-Ano bang nangyari? Teka anong oras na, Father?" gagad ko.

Tumango siya saka dumiretsyo sa side table. Inilapag niya roon ang kaniyang itim na relo, doon ko napansin na nakasuot siya ng lagi niyang suot tuwing misa. Madali niya iyon hinubad at inilagay sa isang hanger at isinabit sa may gilid, pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang likuran.

Hapit sa kaniyang braso ang suot niyang puting shirt, gano'n din ang slacks sa kaniyang thighs.

Ibig sabihin ay tapos na ang simba.

"Tanghali na?"

"Hmm." Nilingon niya ako. "I found you unconscious outside my office when I went out this morning. What happened to you? Do you remember anything before you passed out?"

Umupo siya sa gilid ng kaniyang kama, itinukod niya ang mga palad sa kama upang hindi siya tuluyan mapahinga.

Hindi kami gano'n kalapit ngunit nalanghap ko ang panlalaki niyang pabango.

Conrad Series 2: The PreacherWhere stories live. Discover now