Chapter 1

304 11 8
                                    

“CAROLINE GARI ABEDES. Gari for short.” Pagpapakilala ng magandang babae sa harapan ni Dev.

She was stunning. She's wearing her white fitted dress na may slit sa gilid. Mahaba ang brown at straight nitong buhok. Bilugan ang mga mata. Dev couldn't help but be mesmerized by her beauty. He has seen and interacted with numerous beautiful women, but Caroline's visage is the one that has remained in his mind, making his lips slightly open. Nakakalaglag ng panga ika nga. But her strong personality was visible. Sa paraan nang pagkakatingin sa kanya alam niyang hindi basta-basta ang babaeng kaharap, but he couldn't help but feel excited and elated to work with her. In the back of his mind, he thought he could get her quickly. Mukha lang mahirap lapitan, but he was too confident that he would get her.

Dev sat on the edge of his desk and smirked while his gaze locked on Caroline's beautiful face. He combed his hair. Nagkuyakoy ang isang binti.

“Dev.” A mischievous smile played upon his lips as he extended his hands to her and introduced himself with a confident stride. Nasundan ng tingin ni Caroline ang kamay niya at tinatantiya bago muling binalik ang tingin sa mukha. “You have a nice name, Lyn. Sigurado ka ba sa pinapasok mo o baka ako ang gusto mong pumasok sa iyo?” He couldn't help himself but unleash a joke without any restraint.

Caroline lusciously smiled. Napangisi si Dev. Para siyang naka-jackpot sa lotto. Sinasabi na nga ba, iyon ang mga tipo niya, ang madaling bumigay sa kaniya. Walang kahirap-hirap.

Before taking Dev's hand in hers, Caroline paused to stare. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni Dev. Bumaba siya mula sa pagkakaupo sa desk and he kissed the back of Caroline's palm while looking at her.

“You have a nice name, too, Dev.” She said seductively. Kinagat pa ni Caroline ang natural at mapulang labi nito.

“I know, darling,” sagot niya at kinindatan ang dalaga.

“Because you know why?” She trailed-off na ikinangisi lalo ni Dev. Nabubuhay tuloy ang kanyang pagkalalaki. Dito ba nila gagawin? Inikot niya ang tingin sa kabuuan ng silid, mas lalo siyang na-excite na marinig ang malakas na pag-ungol ni Caroline.

Dev's one finger slide to Caroline's arms, while the other hand does not leave her hands. Mapang-akit na nagtitigan silang dalawa. Walang gustong bumitaw. Tumaas ang sulok ng labi ni Caroline, hudyat para kay Dev upang bumaba ang mukha at sisiilin sana ito ng halik nang magsalita si Caroline.

“Madedev-devan ka sa akin.” Biglang pinilipit ni Caroline nang mariin ang kamay ni Dev at tinulak siya nang malakas sa desk saka sinipa sa tuhod.

Hindi inaasahan ni Dev ang ginawa sa kaniya ni Caroline kaya hindi agad ito nakagalaw.

“Woah! Easy lang. Masiyado kang mainit.”  Sapo niya ang nasaktan na tuhod. Ang heels pa naman nito ang tumama sa kanyang buto.

Naningkit ang mata ni Caroline at hinawakan siya sa kwelyo.

Dev's lip crinkled up at the corner. Mas challenging pala ang hindi sweet. He smiled sneakily. He reached down and gave her a good squeeze on the cheeks. But as a wrong move, Caroline responded by punching him square in the face.

“Fuck!” Tila nakita na niya ang mga bituin sa langit sa lakas nang pagkakasuntok ni Caroline sa kanya.

“Dev!” Isa sa mga kasamahan nila ang tumawag sa kanya.

Caroline click her tongue, and flipped her hair. Habang si Dev sapo ang dumugong ilong.

“Tara na! Nandiyan na ang target," seryosong tawag sa kaniya ni Migz.

Si Mr. Ducati ang target nilang papatayin ngayon, at ito ang unang misyon ni Dev na kasama si Caroline. Ang kailangan nilang gawin ay makuha si Mr. Ducati at dadalhin sa hideout ng Black Eagle. Isa sa mayaman na negosyante si Mr. Ducati kaya naman mahigpit din ang seguridad nito. Their client paid double the price para lang mapaamin si Mr. Ducati bago ito mapatay.

DEV VILLAFLORE ( Wild Men Series # 12 )Where stories live. Discover now