Chapter 5

86 4 0
                                    

Caroline

Black Eagle sent me a mission order. My newest target is a Chinese businessman from China.

I bit my lip after reading my mission for the second time. Naikuyom ko rin ang aking kamao dahil si Dev ang kasama ko sa mission. Kung hindi nga naman ako minamalas sa katandem ko palagi. Para na akong babangungutin dahil hanggang dito sa bahay ay siya pa rin ang kasama ko.

Binalik ko ang phone sa bulsa at nilingon si Duncan na naglalaro.

Lumapit ako kay Clarita, ang yaya ni Duncan. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya. May pinapagawa pa sa akin si Sir Logan."

Nag-angat ng tingin ang bata nang marinig ang pangalan ng daddy niya. I smiled at him. Kamukha siya ni Boss Logan. Hindi maipagkakaila na anak niya ito. May pagka-mestiso ang itsura ni Duncan dahil may lahing banyaga ang lolo niya.

"I'll be back, baby Logan. I have important things I need to do. Your yaya Clarita will take care of you while I'm not around. You behave, okay?" I said to him.

Kumunot ang kanyang noo but he nodded slightly. "Okay."

Pagkatapos tumango ni Duncan binalik niya ang atensyon sa paglalaro.

Napangiti ako sa tipid na sagot ni Duncan. Kapag walang sumpong ang batang 'to, ang sweet saka ang clingy. Minsan nga lang may pagkasuplado.

"Ako na ang bahala sa kanya, Lyn. Tapusin mo na iyong pinapagawa sa iyo ni Sir Logan," saad ni Clarita. Dinampot niya ang ibang laruan ni Duncan na nakakalat sa sahig at nilapit sa bata.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa natapos siya sa ginagawa niyang paglapit ng mga laruan sa bata.

"Salamat. Kapag may kailangan ka tumawag ka agad sa akin. Babalik din agad ako."

Tumango si Clarita. "Sige, ingat."

I smiled at her. Laking pasasalamat ko rin talaga dahil masipag si Clarita sa pag-aalaga sa bata. She's young but mature in the way she does her job. Wala akong dapat ipag-alala dahil maasikaso at alagang-alaga si Duncan.

I waved my hand to Duncan. "Bye, baby Logan." And he waved back to me.

Tinapunan ko pa ng huling sulyap si Clarita bago tuluyang lumabas ng silid.

Kahit ilang araw na masakit ang katawan ko dahil kapag nag-tantrums si Duncan ay nagpapabuhat. Nakakalungkot din palang iwanan siya kahit saglit. Ngayon lang ulit ako makakalabas ng isla dahil iba ang trabaho na binigay sa akin ni Boss Logan.

Takang-taka na nga talaga ako dahil hindi pinupuntahan ng mommy niya ang bata.

Paano kaya niya natitiis na hindi puntahan si Duncan? At bakit kaya kinukulong din ni Boss Logan si Miss Calli? Nakikiramdam lang ako sa kilos nina Boss Logan at Dev. Pagdating sa bata at kay Miss Calli, hindi ako makabwelo na mapakinggan ang pinag-uusapan nila.

Naisip kong utuin si Grec na isama ako kapag maghahanda ito ng pagkain ni Miss Calli para naman makita ko siya at makausap. Hindi naman ako nangingialam, pero gusto ko lang siya makita. I would tell her how her son misses her so much.

Paano kaya niya natitiis na hindi puntahan si Duncan? At bakit kaya kinukulong din ni Boss Logan si Miss Calli? Nakikiramdam lang ako sa kilos nina Boss Logan at Dev. Pagdating sa bata at kay Miss Calli, hindi ako makabwelo na mapakinggan ang pinag-uusapan nila.

Naisip kong utuin si Grec na isama ako kapag maghahanda ito ng pagkain ni Miss Calli para naman makita ko siya at makausap. Hindi naman ako nangingialam, pero gusto ko lang siya makita. I would tell her how her son misses her so much.

DEV VILLAFLORE ( Wild Men Series # 12 )Where stories live. Discover now