Chapter 4

68 4 1
                                    

“THIS is your room," Dev informed as he handed Caroline the key.  “Nasa kabilang wing lang ako kapag kailangan mo ako.”

Gumuhit agad ang pagkainis sa mukha ni Caroline. “Ha? Ano naman magiging kailangan ko sa iyo? Hindi ako bata. Baka nakakalimutan mo na parehas tayo ng trabaho. Kaya ko ang sarili ko.” Kinuha niya ang inaabot na susi ni Dev.

She gasped nang imbes na susi lang iniabot ng binata ay hinawakan pa ang palad niya at pinisil. Hindi pa nakuntento si Dev at hinila nang mahina si Caroline at dinikit sa kanyang katawan. Halos mapaigtad siya pagkakadikit ng kanilang katawan. Tila may kuryente.

Lumakas ang dagundong sa dibdib ni Caroline nang nagkatitigan silang dalawa ni Dev. She stared at his expressive eyes, and he was looking down at her lips! Napakagat tuloy siya ng labi.

Weird.

“My body. Pwede akong gumapang papunta–”

Caroline sighed and rolled her eyes. Pinilig niya ang ulo at winaksi sa kanyang isipan ang naramdaman. "Nakakainis ka talagang kausap, Dev. Lahat sa iyo biro. Hindi ka na nakakatuwa!" Binawi niya ang palad at tinulak palayo sa kanyang katawan.

Piningot niya rin ang tainga ni Dev dahil kung ano-ano naman ang hinihirit sa kanya. She wasn't born yesterday, and she knows that Dev only wants to bed her kaya nga lantaran niyang pinaparating sa lalaking kaharap na hindi siya interesado at lalong hindi niya ibibigay ang nais nito.

Kahit ilang beses na niyang naramdaman na parang pamilyar sa kanya si Dev, pilit niyang ini-ignore. Hindi niya maipaliwanag ang bagay na iyon.

“Tang ina naman, Babs. Ang sakit. Gentle naman, kasi ako I will always be gentle.” Reklamo ni Dev but he playfully wiggles his brows nang binitawan ng dalaga ang namumula niyang tainga. Malapad na nakangiti.

“Ang kulit mo!” inirapan niya ang binata, but her heart was beating fast. And the familiar feeling happens again.

Maybe a Deja Vu or what. Every time Dev playfully wiggles his brows pamilyar na pamilyar sa kanya. She's seen it, and the irony is that she enjoys it. Hindi niya maitatanggi na nagugustuhan niya ang pagiging mapagbirong side ni Dev. Minus lang sa pagiging manyak niya.

“Remember this handsome face, my Babs.” Dev pointed himself. “Ito'ng makulit na mukha na 'to, habang buhay mo makakasama at mangungulit sa iyo.” He then let out a playful grin but his eyes... speaks of so many emotions.

Pero isang emotion ang tumatak kay Caroline– lungkot. Tumatagos sa kanyang puso ang nShe felt a pinch of pain, knowing that sadness lurked beneath his mischievous smiles.

She gulped. “E-wan ko sa iyo!”

Nilagay ni Caorline sa loob ng bag ang susi. Naglakad siya patungo sa banyo at iniwan si Dev sa pintuan. Narinig niya ang yabag nitong pumasok nang tuluyan sa loob ng kanyang room. She felt uncomfortable knowing that he was with Dev inside her room. Kung ano-ano ang pumapasok sa kanyang isipan. Nananayo ang balahibo niya sa naisip.

Sinilip niya ang loob ng banyo kahit wala naman sa isip niya. Gusto sana niyang magpahinga muna lalo na at kausap pa ni Logan si Duncan kasama ang isa pang yaya nito.

Nang makuntento npayslipsilip sa banyo, nilapag niya ang shoulder bag na nakasukbit sa kanyang balikat at nilapag sa upuan sa harap ng vanity mirror.

Namangha siya sa kabuuan ng silid dahil maganda at sakto lang sa kanya ang laki ng kwarto niya. Nilabas niya ang kanyang phone at nag-picture ng entire room saka sa labas ng binta kahit naroon si Dev.

Dev was amused watching her. Humalukipkip siya't pinagmamasdan ang ginagawa ng dalaga. He loves the smile plastered on her face.

Nang umikot si Caroline sakto naman na tumapat kay Dev ang phone. The smile on her lips slowly fades.

“Para ka namang nadismaya na ako iyong pipicturan mo.” Nilapitan ni Dev si Caroline at kinuha ang phone. “Mas maganda kapag dalawa tayo para sweet. Ipapaprint ko pa 'to at ipapa-frame.” Tuloy-tuloy na nagpicture si Dev. Samantalang si Caroline ay tahimik na nakatingin sa kanya.

“Alam mo ikaw, konti na lang iisipin ko talaga crush mo ako.” Puna ni Dev nang mapansin ang pananahimik ng dalaga.

Agad na tinulak ni Caroline si Dev upang itago ang pagkapahiya.“Bwisit ka! Ang kapal ng mukha mo. H-indi kita crush.” Sabay tikhim niya. “Mangilabot ka sa mga pinagsasabi mong magkakagusto ako sa iyo. Baka isumpa kita, pwede pa.”

Ngumisi si Dev. Pinisil pa ang baba ni Caroline kaya lalong nainis. “Sa ngayon hindi pa. But soon, I will be the love of your life, my darling, my sweetheart, my baby loves, my sweetie. Siguradong iiyakan mo ako aking irog. Mark my word. Ako lang ang mamahalin mo, Babs.” He said it in full of confidence.

Umupo si Dev sa dulo ng kama. Humiga rin siya. Ipinailalim ang dalawang braso sa kanyang ulo. Ang mga tingin ay nasa kisame. Para bang nangangarap siya ng gising. Kinukuyakoy ang dalawang paa na nakalaylay sa kama.

“Bakit palagi kang kumukuha ng pictures? Ngayon ka lang ba nakapasok sa ganito kagarbong silid? O baka gusto mo talagang magpapicture sa akin? Babs, alam mo, kahit itabi mo pa ako sa pagtulog para naman hindi lang pictures ko ang tinitingnan ko. Araw-araw mong makikita ang gwapo kong mukha.”

Napaisip din si Caroline. Mahilig na talaga siya noon pa kumuha ng mga litrato lalo na ang mag-travel. Isa iyon sa pinangarap niya pagkatapos niyang maoperahan sa puso.

Pero iba ang tinadhana sa kanya. She is destined to be where she is right now. Kinalumutan na niya ang pangarap niyang iyon upang tuparin ang pinangako sa kanyang Tatay at kay Logan.

May duty siyang kailangan na unahin kaysa ang pangarap niya.

“Alam mo Dev, ikaw na ang pinaka-conceited na nakilala ko.”

Dev's laughter filled the room. Napatitig si Caroline dahil doon.

“I'll take it as a compliment, Babs. At least, napansin mo ako.”

May kung anong damdamin ang hindi maipaliwanag ni Caroline. Simula nang naoperahan siya sa puso two years ago may parte sa kanyang pagkatao na minsan ay hindi niya maunawaan. Katulad na lang sa tuwing napapalapit siya kay Dev.

“Whatever, Dev.” Umupo si Caroline sa single sofa na naroon sa silid. She crossed her legs.

Si Dev ay nanatiling nakahiga at nanatili ang tingin sa kisame. There was silence between them. Tila may malalim na iniisip. Napakunot ang noo ni Caroline habang nakatingin sa binata.

She unconsciously bites her lower lips. Hindi naman niya tinatanggi sa kanyang sarili na gwapo nga ang binata. Halatang batak sa trabaho ang katawan ni Dev. His biceps are screaming. Halata ang six-pack abs lalo na kapag dri-fit ang suot nitong shirt.

Ngunit sadyang hindi lang niya pwedeng patulan ang panglalandi nito sa kanya lalo na at naroon siya upang magtrabaho. Wala sa bokabolaryo niya ang pag-ibig dahil sa uri ng kanilang trabaho, mapapahamak lamang niya ang magiging pamilya niya.

Para sa kanya, wala siyang karapatan na maging masaya at magkaroon ng normal na buhay at pamilya sa dami niyang nagawang kasalanan.

“Dev, nakatulog ka na ba?” worries in her tone dahil baka nga nakatulog na ito.

Walang salita si Dev. Malalim ang iniisip.

“Baka kung ano na ang masama mong binabalak sa akin, ah! Tumayo ka na diyan.”

Bumangon nga si Dev at umupo sa kama. Tinitigan si Caroline.

“Lumabas ka na nga. M-agpapahinga na ako.”

Marahan na tumango si Dev ng walang salita. Tumayo at lumabas ng silid ng walang imik. Naiwan si Caroline na napaisip sa naging kilos ni Dev.

Minsan talaga, napapaisip siya kung bakit madalas siyang tinitigan nito. Madalas niyang nahuhuli ito. Lagi pang naroon kung nasaan siya. Pinilig niya ang ulo at tumayo. Sinumulan na niyang ayusin ang kanyang mga gamit.

DEV VILLAFLORE ( Wild Men Series # 12 )Where stories live. Discover now