Chapter 6

46 4 0
                                    

Caroline

"What are you saying, Knight?" kunot ang noo kong tanong sa lalaking halos kainin na ng buhay ang lalaking kasayaw ko.

Knight just smirked. Pinanlakihan ko siya ng mata. He was my classmate way back in college. Manliligaw. Makulit na manliligaw to be exact.

Ano'ng ginagawa niya rito? Matagal ng walang paramdam ang taong 'to simula nang umalis siya papuntang Singapore.

He's still the same. Bigla na lang susulpot out of nowhere. His body build is much bigger than before. Hapit sa kanya ang long-sleeve niyang suot. He looked kinda formal and serious. Iyong mga tipong masungit na boss.

"Yes, wifey?" His voice became soft this time.

"Wifey? I doubt that. The way she reacted when you called her misis ko, she felt sick," sagot ng lalaki.

Paladesisyon din pala itong lalaking 'to.

"Excuse me?" Inirapan ko nga.

"Hindi ba? He's not your husband." He asked me, confirming.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Namaywang si Knight as if he's waiting for my confirmation.

"Babs, you're here. Kanina pa kita hinahanap." Another familiar voice spoke beside me.

Dumagdag pa ang isang 'to!

I turned around and saw Dev.

What a night. Gusto ko lang naman matapos ang trabaho ko para makauwi na ako.

Hinapit ako ni Dev sa baywang palapit sa kanyang katawan. Walang preno ang galawan.

"Dev!"

Napasubsob ako kanyang dibdib. In fairness, ang bango niya. Hindi masakit sa ulo ang pabango niya.

"And who are you?" Magkapanabay na tanong ng lalaki at Knight.

Nilingon ko ang dalawa.

"Are you guys crazy?" tanong ng lalaking kasayaw ko kanina sa aming tatlo. "What the hell is this all about?"

"And who are you?" asked Knight to Dev. Matalim niya itong tinitigan. Naghahamon ng away ang tingin.

"And who the fuck are you?" Dev returned the question to Knight instead. Tinapatan niya rin ng matalim na titig si Knight.

"Tumigil kayo. Mapapalabas tayong apat dito sa bar." May diin kong sabi.

"I'm her husband. Why? Do you have a problem with that? " maangas na sagot ni Knight at hindi ako pinansin.

Maingay ang paligid pero dinig ang boses nilang nagpapataasan ng yabang.

"Asawa? Are you fucking serious?" ulit ni Dev.

"Fuck you."

Mabuti na lang at mga lasing na iyong mga tao sa paligid namin kaya wala silang pakialam sa amin.

"Tang ina ka pala, e! Hindi mo ba ako kilala? O gusto mong itapon kita palabas ng bar na 'to."

Napalunok ako sa sagot ni Dev. Baka patulan niya si Knight at bigla na lang gawan ng masama.

Papalag sana ako kay Dev ngunit hinigpitan niya ang pagyakap sa baywang ko. Dikit na dikit. Baka makawala si Mr. Liu sa pinaggagawa nilang tatlo.

"I don't fucking care who you are."

Nalintikan na sa kayabangan ng dalawa.

"I'm out of this drama," saad ng lalaki and he walked away. Nakipagsayaw na lang siya sa iba.

DEV VILLAFLORE ( Wild Men Series # 12 )Where stories live. Discover now