Chapter 7

46 4 2
                                    

Dev

“KNEEL.”

One word.

I can feel the agony throughout my entire body just by hearing that fucking word. I crawled to my feet and knelt, balling my fist.

I can hear his sarcastic laughter. Naririnig ko ang bawat pagtawa nilang lahat. Nagpantig ang tainga ko sa boses niyang iyon ngunit kadiliman ang nakikita ko.

Is this the end of me?

Hindi pa pwede. Magkikita pa kami ni Nanay.

“I said kneel!”

His firm hand landed on my right cheekbone, causing me to squirt blood out of my mouth faster than I saw it coming.

Bumagsak ang nanghihina kong katawan sa malamig na semento na nagkukulay pula mula sa dugo ng katawan ko.

Hell.

Buhay pa ako ngunit impyerno na ang kinasasadlakan ng buhay ko. Tumikwas ang dulo ng labi ko.

What should I expect? Isang kahig, isang tuka. Isang mahirap na pilit lumalaban sa buhay ngunit mailap ang buhay para sa aming mahihirap.

Tila ba, wala kaming karapatan na mabuhay dito sa mundong ibabaw.

Madalas, tinatanong ko ang nasa itaas, mayaman at makapangyarihan lang ba ang may karapatang maging masaya?

Hindi ba pwedeng pagtrabahuan? Magsisikap ako para sumaya naman si Nanay.

My thoughts hit me. Walang posible. Dahil kung posible iyon, nakasama ko na sana si Nanay. May pamilya sana ako. Kasama sana nila ako doon sa malaking lamesa na kumakain.

Ngumawa ako sa sakit nang hinawakan niya ang buhok ko at hinila upang makatayo ulit.

Nanlamig ang pawis kong tumutulo sa mukha ko nang dinikit niya ang dulo ng baril sa gilid ng ulo ng babaeng mahal ko.

“Huwag,” pigil ko sa mahina at napapagod na boses. “Andrea.”

Humagulgol sa pag-iyak si Andrea na nakatingin sa akin. Duguan ang mukha, punit-punit ang damit, at hinang-hina na.

Napapikit ako't nagpupuyos sa galit ang puso ko nang biglang narinig ko ang boses ni Calli.

“Walang imposible sa Diyos, Dev. Alam mo ba na kahit hindi pa sinasambit ng ating bibig ang ating panalangin, naririnig na ng Diyos ang nasa puso natin.”

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sinabing iyon ni Calli sa panaginip ko. Akala ko totoong nandoon siya at kausap ko.

Habol ang hininga ko, bumangon ako't tumayo at binuksan ang ilaw.

Tumambad ang walang laman na gamit na silid ko. I only bought a mattress. Kahit anong sabi sa akin ni Boss Logan na bilhan ko ng gamit itong apartment ko, hindi ko ginawa.

Umalis na ako sa una kong tinitirahan dahil hindi ako kumportable. Hindi ako nababagay sa ganung klaseng lugar dahil ganitong buhay ang nakagasnan ko.

Sangkatutak na reklamo ang inaabot ko kay Miguel sa tuwing magagawi ang gagong iyon dito. Panay ang reklamo dahil wala siyang maupuan, walang lamesa, walang TV, walang ref. Isang bintilador, isang kutson, dalawang unan at isang kumot lang ang laman nitong maliit kong apartment.

Buti pa raw noon noong nasa squatter pa kami nakatira, kahit upuan at lamesa mayroon. Samantalang kung kailan nagkapera na kami, walang laman ang bahay ko.

DEV VILLAFLORE ( Wild Men Series # 12 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon