Chapter 8

47 4 1
                                    

Caroline

My brow furrows as I cast a glimpse at Dev, driving the car. Seryoso siya. Sinusulyapan niya ako paminsan-minsan. And I do the same. 

An uncomfortable silence engulfed us. I chewed my lip. Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Wala yata sa mood si Dev.

“Saan tayo pupunta?” I asked, eyes on him.

I waited for an answer but he remained silent. Mas lalong tumikwas ang kilay ko. 

“Nagugutom na ako,” I added even though he didn’t bother to answer my question. 

“We’ll eat after we finish this.” 

Nilingon ko si Dev. His gaze remains locked on the road.

I sighed. I looked back out the window of his car, and my eyes swiveled. But I'm not sure where we're going, and I'm confused.

“Kung kumain kaya muna tayo.” Iritable kong sabi dahil nagugutom na talaga ako. “Gaano ba ka-importante ang pupuntahan natin?”

Pinuntahan niya ako sa hotel kanina kaya hindi ako nakakain bago kami umalis. At ang oras? Six thirty lang naman ng umaga!

Sanay akong gumising ng maaga dahil kay Duncan pero si Dev kung makaasta sa pagpunta sa hotel room ko, feeling close.

He shrugs off my question. Napaismid ako sa ginawa niya. He stared at me. And he smiled. 

Dev is unpredictable. Or bipolar, I think. Kanina ang lalim ng iniisip niya at seryoso ngayon naman biglang ngumiti. Ano kaya ang binabalak niya? 

“Get ready.”

“Ha?”

Binaba niya ang bintana sa kanyang side kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Nanlaki ang mata ko nang makita si Mr. Liu na may kausap sa phone.

Tinaas ni Dev ang isang kamay na may hawak na baril, ang isa ay nanatili sa steering wheel.

Shit!

Sa isang kisap ng mata ko, bumagsak ang duguan na katawan ni Mr. Liu sa sahig.

Binalingan ko si Dev. His jaw is clenching. 

Dev was fearless as the mafia founders' right-hand man. He's been trained. He is heartless. I suppose. He completed several of his missions in Black Eagle.

No doubt kaya siya ang pinagkakatiwalaan ni Boss Logan dahil talagang magaling si Dev. Matalino.

Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nagkagulo ang mga tao sa paligid ni Mr. Liu. They had a shocked expression on their faces. Kahit ako man ay nagulat sa ginawa ni Dev sa biglaang paglusob namin.

Lumapit ang mga bodyguards at pinalibutan si Mr. Liu upang protektahan pero malabo na mabuhay pa ito. Sa gitnang noo siya binaril ni Dev.

The sound of firearms snapped me back. Binabaril nila ang sasakyan namin! 

My gaze shifted to Dev. With just one snap of his fingers, Mr. Liu was dead. Ganun kabilis magtrabaho si Dev. I couldn't say more. Ang dami ko pang plano na sundan ang target at kung paano ako makakalapit ng hindi ako haharangan ng mga bodyguards niya, samantalang si Dev harap-harapan kasama ang mga bodyguards ng target. 

“Fasten your seatbelt.” He told me. 

Pinaharurot niya ang sasakyan namin makalayo. I saw them running after us, firing at us. Kinasa ko ang baril na hawak at binaba ang bintana ng sasakyan at nagpaputok din sa kanila.

Hayop. Mabilis nga. Mabilis din kaming mamamatay sa ginawa niya. 

“Are you out of your mind?” I grunted in between firing back at Mr. Liu's bodyguards while Dev was busy driving and firing guns. “Magpapakamatay ka ba? Idadamay mo pa talaga ako!”

DEV VILLAFLORE ( Wild Men Series # 12 )Where stories live. Discover now