Chapter 10

76 4 0
                                    

Caroline

BUMALIK ako ng isla pagkaalis ni Dev. I started packing right away when I got to my room. Nanghina ang tuhod ko ng mga oras na iyon. Halos hindi ko na nga naalala kung paano ako nakaakyat ng room ko sa sobrang occupied ng isip ko sa ginawa ni Dev.

But I fought myself to suppress my feelings when he kissed me. It's new to me.

Para sa akin ay trabaho lang ang lahat ng nag-uugnay sa aming dalawa ni Dev.

Pero bakit nga ba niya ako hinalikan? Binubuhay lalo ni Dev ang curiosity ko sa pagkatao niya. He's a total pain in my ass.

I unconsciously touched my lips. Halos ramdam ko pa ang init ng labi ni Dev na lumapat sa akin. It was hot and wet. He kissed me fast and rough. Parang may hinahabol. It was so... intense.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko habang napapaloob ako sa kanyang mga bisig.

Uminit ang mukha ko sa naisip. Pinilig ko ang ulo upang iwaksi sa isipan ko ang nangyari kanina.

“Grec?”

Nakatayo si Grec at naghihintay sa akin pababa ng chopper.

“Pinapatawag ka ni Boss Logan. Nasa Piacarre siya ngayon.”

My gaze roamed over his back. Hindi umuwi ng isla si Dev?

“Ano?” sigaw ko dahil sa ingay ng chopper.

Grec leaned closer to me. “Ang sabi ko pinapatawag ka ni Boss Logan!” He's shouting.

Napatingin ako sa likuran niya ng may umakyat na kasamahan namin. May kung anong disappointment akong naramdaman na hindi si Dev ang umakyat.

Shit. Nasa Maynila nga naman kasi siya. Bakit ko ba kasi siya hinahanap?

“Caroline?”

My thoughts snapped back when Grec spoke.

I swallowed. I'm still wearing the shirt that Dev gave to me.

Napatitig si Grec sa damit ko. May pagtataka.

“Damit ba 'yan ni Dev?” Nakakunot ang noo niya.

My cheeks flared as Grec examined my shirt, like he was teasing me. 

Hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil nawala na ako sa focus kanina sa ginawa ni Dev. Pagkadating ko dito sa isla, ito na nga bumungad na si Grec na pinapatawag ako ni Boss Logan.

“H-hindi. This is mine.”

“Parang 'yan din ang suot niya kanina no'ng bumalik siya galing sa lakad niya.” Sabi nito na hindi kumbinsido na akin ang damit na suot ko.

“Sa akin nga 'to!”

“Oh, bat defensive ka?”

Nakakairita din 'tong si Grec. Lalampa-lampa na nakakainis sa walang preno ding bibig.

“Hindi ako defensive. Huwag kang makulit kung ayaw mong kumain ng bala.”

He rolled his eyes. “Sungit. Parehas talaga kayo ni Dev.”

“Dami mo kasi napapansin. Asikasuhun mo na lang 'yang necktie mo!”

“Abat!”

Pinanlakihan ko siya ng mata. “Bakit, papalag ka?”

Kumibot-kibot ang labi niya. Gusto yata akong patulan.

“Gagawin kitang giniling 'pag 'di ka tumigil.” Pananakot ko sa kanya. Madali kasing matakot itong si Grec kaya masarap asarin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEV VILLAFLORE ( Wild Men Series # 12 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon