Chapter 9

43 3 0
                                    

Ellice

I blinked twice when I saw a familiar man inside the car. My movements towards the door came to a halt slowly. Tila bumagal ang paligid ko. I felt nervous and tense. Napalunok ako ng wala sa oras.

Nag-init ang sulok ng mata ko habang hindi ako makagalaw sa nakikita. Oh, how much I missed him. Ang laki ng pinagbago ng katawan niya. It's been two years since the last time I saw him. Lumapad ang kanyang balikat. He looked so manly wearing a shirt.

Dumoble ang bilis ng puso ko. Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to. Na muli siyang makita.

“Stella... Si D-dev.” Kinakabahan kong sabi.

Katatapos lang ng interview namin ni Stella sa hotel. Ang sabi sa amin ay tatawagan na lang kami kung nakapasa kami.

Nang nagside view si Dev mas lalo kong napatunayan na siya nga! Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng panga ni Dev. Hinampas niya rin ang manibela. He looked frustrated.

“Dev...”

Hindi ako nag-aksaya ng oras at tinakbo ko ang sasakyan niya. It's him!

“Ellice! Ellice! Wait lang. Saan ka pupunta?”

Dinig kong tawag ni Stella. Mabilis ang pagpaandar ng sasakyan ni Dev pero sige lang ako takbo baka sakaling mapansin niyang humahabol ako.

“Dev! Dev! Dev!”

Hindi ko alintana na nakasuot akong ng heels at skirt dahil formal attire ang suot ko sa interview. At hindi ko rin alintana ang mga taong nakatingin sa akin.

Wala akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga sa akin ay si Dev na maabutan ko siya!

Hindi tumigil ang sasakyan. Nanlabo ang paningin ko sa luha.

"Dev..." nangapos ako ng hininga sa pagod sa pagtakbo.

Naglaho ng tuluyan sa paningin ko ang sasakyan kung saan siya nakasakay.

Sino kaya ang pinuntahan niya dito sa hotel?

Napaluhod ako sa kalsad sa sobrang pagkalugmok dahil nawala si Dev ng hindi man lang ako nakita.

Paano kapag hindi ko na ulit siya makita?

“Ellice...”

Stella was panting when she finally reached me.

"Ellice, tumayo ka diyan." Inalalayan niya akong makatayo dahil nanlalambot ang tuhod ko.

"Nawala ulit si Dev, Stella." Hagulgol ko.

Hinawakan niya ako na makaupo sa gilid ng kalsada. Ang bawat na dumadaan sa amin ay napapatingin at napapahinto.

"Si Dev? Iyong gwapong nakita natin na nabugbog tapos tinapon sa bakanteng lote na malapit sa bahay niyo noon?” pangungumpirma ni Stella.

I nodded my head. Inabutan niya ako ng tissue at tinulungan na punasan ang mukha ko na basang-basa sa luha.

Tumayo ako nang maalala ang hotel. Doon siya galing. Marahil nakacheck in siya doon o may kilala siya doon. Magtatanong ako.

"Oh, saan ka na naman pupunta?" May pag-aalalang tanong ni Stella. Inayos pa niya ang pagkakasukbit ng kanyang shoulder bag dahil nakalaylay na ang isang strap ng bag niya.

"Sa hotel. Magtatanong ako doon."

Bumalik agad ako sa hotel upang tanungin sa receptionist kung nakacheck in si Dev dito.

“Good afternoon, Miss Abedes.” magalang na bati sa akin ng receptionist. Nakangiti din siya.

Nagtaka man ako sa last name na binanggit niya ay hindi ko na lang pinansin.

DEV VILLAFLORE ( Wild Men Series # 12 )Where stories live. Discover now