Chapter 45

125 8 0
                                    

Natapos ang break time ko Ng tahimik. Walang kumausap o nagbalak na sirain pa lalo ang araw ko pero, hindi rin naman nagtagal dahil sa isa't kalahating oras lang na break.

Sa tuwing lalapit si isip bata sakin at tanging tango at iling lang ang sagot ko dahil tinatamad din akong magsalita.

Si Cloud naman kung kanina kinalakabit ako ngayon naman pasimple nya nalang akong sinisiko.

Last sub na namin at aabutin kami ng dalawang Oras. Naalibadbaran ako sa kaharap ko Ngayon pero pinipigilan ko lang ang sarili kong wag mag walk out.

Simula ng dumating ako sa classroom na to wala na akong ibang nakita sakanila kundi yung paging dikit nila sa isa't Isa.

Nakaholding hands o kaya nakaclang yung kamay ni ano kay Dominic, kairita.

"Himala at pumasok ka ngayon." Bungad na bati ni Madam Evans.

Sino? Ako? O Yung Isa? O iba?

"I'm talking to you Alonzo, Buti pumasok ka pa." Ayy ako pala.

"Ako pala? Akala ko Yung fresh from Australia." Sadya kong pagpaparinig.

"Dominic is excuse at Isa pa exchange student sya at Hindi pala absent katulad mo." Balik nyang sagot sakin.

Ayy wow, oo pala absent ako Kasi may ginagawa ako at importante Yun. Pero yung isa parang hindi nga naging exchange student eh, parang nagtago lang.

"I'm busy with something, you don't need to know what it is dahil baka magunaw lang ang Mundo mo." Sagot na nagpawala ng emosyon sa muka nya.

Sa sinagot ko paniguradong may mga namumuong ideya sa ulo nya, pero hindi ko naman intensyon trip lang Ganon.

Natapos ang isa't kalahating oras ng pagtuturo nya ng hindi manlang ngumingiti. Kung sa pagtuturo nya noon ngumingisi pa sya dahil may halong pang aasar ang pagtuturo nya Ngayon naman ay Wala.

Uwian na at naglalakad na ako papuntang parking area pero nahinto dahil may humarang sa Daan. Alagad ni Crystal.

"May alam ka ba sa pagkawala ni Crystal?" Tanong ng Isa.

"Huh? Nawawala sya?" Maang kong tanong.

"Anong ibig sabihin ng sagot mo kay Ma'am Evans, Ikaw ba yung kumidnap sakanya?" Tanong nung isa pa.

"Ano namang kinalaman Ng mga sinasagot ko sa pagkawala ng bibe nyo? Nananahimik ako tas bigla kayong susulpot. Lumayas nga kayo sa harap ko kung ayaw nyong mabangasan." See nagka idea sila psh.

Dahil wala ang Reyna nila ay umalis naman sila, ang sama lang ng tingin pero lumayas din naman.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa malapit sa pinagparkan ko.

Pansin ko pa ang mga kalalakihan na nagkumpol kumpol sa Isang tabi pero Hindi ko na din pinasin.

Saktong pagbukas Ng sasakyan ay ang paglingon naman Ng mga ito.

Clusters.

"Cley! Andito si Tita Rachel pati yung kambal,
Tara dito!" Aya ni Cloud Ng makita ako.

Ayoko nga! Nakakahiya.

Kita kong umalis muna sila sa bintanang hinarangan nila kaya nakita ko ang kambal.

Heart Less (Under Editing)Where stories live. Discover now