Chapter 38: He's Alive

253 22 5
                                    


Bago tuluyang pumunta sa bahay ni Cloud dumaan
mo na ako sa Jollibee para kumain.


Marami akong inorder dahil marami akong gutom.

Isang large fries, Spag, Burger Steak, Burger, Sundae, Dalawang Mango Pie at Coke pati na din tubig tapos charan! Busog Lusog.

Ayokong mag take out dahil baka hindi ako ang makaubos ng pagkain kundi si Cloud.

Andito ako ngayon sa dulong part ng Jollibee sa may window glass banda, madaming tao sa unahan kaya mas pinili kong dito pumwesto.

Dahil nga sa nasa window glass ako nakapwesto, kita dito yung nga naglalampungang tao na mga hindi na nahiya.

I mean public place madaming tao sa paligid, yung iba sasabihin na sweet yung iba naman sasabihin na cringe.

Pero ako bitter ako, dapat walang nag gaganyan sa harap ko, respeto sa kumakain ganon, charot.

Basta ang importante nabubuhay ako sa mundong ibabaw, kumakain tapos solve na sa buhay.

Dahil nga ayoko na magtagal dito binilisan ko na land din ang pagkain ko. Siguro amg dadalhin ko nalang eh yung fries at sundae ko para habang nag momotor nakain ako.


Hindi ko talaga alam pero iba talaga nararamdaman ko simula kanina, tas mas lumala pa ngayon

Baka may sakit ako sa puso hindi ko lang alam tsk, magpapacheck up ako.

Malapit na ako sa bahay ni Cloud nang mapansin ko ang isang van di kalayuan saakin.

Simula kanina sa Mall hanggang dito nakasunod yan sakin, hindi ko alam kung coincidence lang pero masama pakiramdam ko sa van na yan.

Binilisan ko lalo ang pagdadrive ko, balak ko sanang dumiretso na kay Cloud pero kailangan ko munang manigurado.

Dahil nga binilisan ko ang pagdrive pansin kong binibilisan din nila, takte.

Kabisado ko naman ang village kaya makikipaglaro muna ako.

Umabot na ako sa pinakadulong parte kaya kumaliwa ako, sa parteng pupuntahan ko iilan lang ang mga bahay doon wala pa din mga nakatira kaya okay na dun makipag palitan ng baril.

Gustuhin ko mang tawagan sila Cloud mukang hindi rin sila makakaabot, sana itong van lang ang nakasunod sakin.

Gulat nalang ako nang biglang nagpaputok sila ng baril, takte naman talaga hindi naka labas yung sakin.

Hirap na hirap ako sa buhay na kapain yung baril ko pero nakuha ko naman matagal nga lang.

Pagkahawak sa baril ko agad kong tinarget ang gulong nila, hindi ko agad na asinta yung gulo pero sa ilang beses na pagpapaputok ko saka ko lang natamaan.

Kahit natamaan na yung gulong nila hindi pa din nila ako tinitigilan, wala na akong bala bwesit.

Wala akong ibang choice kundi bilisan ang pagdadrive ko. Malapit na kami sa pinakadulong parte ng village, kapag kumaliwa ako at nagpatuloy pa din sila sa pamamaril pwedeng may ibang taong madamay sa parteng yun.

Bahala na kailangan ko ng baril. Agad akong kumaliwa at di na inalala ang lubaklubak na daanan.

Tuloy lang ako sa pagdadrive at patuloy lang din sila sa pamamaril hanggang sa tamaan ako sa balikat

Hindi ako pwedeng huminto kaya nagpatuloy lang ako, tanaw ko na din ang bahay ni Cloud kaya alam kong makakabawi ako sa mga hinayupak na to.

Dahil automatic na din ang gate ni Cloud at ang familiar lang sa censor ang makakapag bukas ng gate wala na akong poproblemahin.

Heart Less (Under Editing)Where stories live. Discover now