Chapter 35: Evans

236 14 0
                                    


Miracle's POV


"What's exactly we're looking for?"

"A list, list of names or groups or whatever basta connected sa gangster."

"There's a lot of list here Miracle."

"Basta maghanap ka jan Kuya Felix, hindi ako pwedeng magtagal."

Kahit kailan napaka tamad maghanap ng lalaking to.

Hinati ko na nga yung mga nakuha kong files, meron sakin at meron din sakanya pra mabilis tapos tatamad tamad.

"Hey look."

"Ano ano?"

"Meron din silang mga illegal transactions like selling drugs, buying of firearms from different countries and many more." Tinignan ko ang sinasabi nya, sabi na eh may mali ding ginagawa ang UA

"Well after all gangster pa din sila, may mga illegal pa din ginagawa." Ani ko

"Gangster ka din naman."

"Oo pero hindi naman kami gumagawa ng illegal."

"Kahit minsan?"

"Bumibili lang ng mga baril ganon, maghanap ka na nga lang kuya." Apaka daldal eh tsk.

Pagbalik sa desk nagpatuloy lang ako sa paghahanap. May mga nakikita akong list pero wala naman doon ang hinahanap ko.

Mahigit tatlong oras na kaming naghahanap pero wala pa din kaming nahahanap, bakit ba kasi ang dami nito nyeta.

"Nakakapagod umupo." Reklamo ko

"Yeah right." Sabi naman ni kuya saka sumandal pahiga sa upuan nya.

Nasan ba kasi yung file na yun di ako makakapag simula ng plano kung di ko mahahanap yung mga yun eh.

Bakit nga ba ako nag hahanap ng files kung saan nakalagay ang listahan ng mga pangalan ng mga gangster group na lumalabas pasok sa UA?

Well nabalik na ata yung utak ko sa dati nyang pwesto.

Pinag connect connect ko lahat ng message natatanggap ko galing kay R, may mga nabasa ako na pwedeng maging lead sa pesteng nakikipag laro sakin.

Ilan na dun ay ang mga tinutukoy nya na nakapaligid daw sakin, mga nagpapanggap daw at yung mali daw na napili ko sila bilang kaibigan ba or what.

Sa palagay ko nasa Constellation o sa Clusters lang nag tatago ang mga yun, sila lang naman ang nakapaligid sakin eh.

Si Alexander naman at Coleen napakalabo na sila dahil nag background check ako.

Si Alexander nagpatayo ng sariling bar dahil ayaw nyang binibigyan sya ng parents nya ng pera galing sa kung saan.

Si Coleen naman spoiled brat, mommy's girl na suwail at pasaway na kahit seventeen palang ay marami nang nagawang hindi kanais nais.

Kaya sa dalawang gang lang ako nag fofocus, kung mahahanap namin ang dating files ng mga dating gangster hahanapin ko yung dating grupo nila Hale, Kian, Benjie, Sean at Kurt.

Pati na din ng Cluster since dati silang Posse, sila Henry, Casper, at Thunder sa ibang bansa ko sila nakilala at nagpapanggap lang naman sila na gangster nung nakilala ko sila kaya paniguradong wala sakanila yung traitor or what.

Heart Less (Under Editing)Where stories live. Discover now