Chapter 37: Paragon

226 19 3
                                    

Alas dos na kami ng hapon nagising.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko, parang nilalaganat ako pero hindi naman.

Pagkagising uminom agad ako ng gamot para sa sakit sa ulo dahil masakit din ulo ko.

Ako ang unang nagising sakanila tapos si Kian tapos si Sean tapos sunod sunod na yan.

Tinatanong nila kung bababain ba yung tatlo ang sabi ko naman silang bahala.

Nagbrunch muna kami bago umalis ng bahay, babalitaan ko nalang sila Henry kapag may bago akong nalaman.

Ngayon papunta kami ng hospital at kasama namin si Kiefer. Since walang pasok ang school nila ngayon, malaya syang mag punta kung saan saan.

Si Kuya Felix ang nag drive ng kotse dahil gusto nya daw kaming ipagdrive dahil matagal na din nung huling pinag drive nya kami.

Nakarecieve din ako ng text galing sa company ni dad at mukang kailangan ako pero hindi ko naman alam kung bakit.

After namin sa Hospital, sa kompanya naman ang punta ko nyan.

Kanina pa ako di mapakali, simula pag gising ko parang pakiramdam ko may mangyayaring di maganda.

"After ba sa hospital uuwi kayo?" Tanong ni Kuya.

"Ako pupunta ng company pero bago yun ihahatid ko muna si Kiefer sa bahay."

"May meeting kami ng kagang ko kaya hindi ako uuwi." Jasson.

Gagawa na siguro sila ng plano.

"Miracle what's your plan?" Tanong nya sakin.

"Wala pa, kayo muna magplano tapos dadagdagan nalang namin kapag may plano na kami." Sagot ko.

"We still have a lot of time para mag plano, kailangan masurprise talaga sila." Dagdag ko pa.

Nakarating na kami sa ospital, sakto namang gising si Louis kaya oras na para ipakilala ko si Kiefer sakanya.

Pagkapasok sa kwarto gising si Louis at nakikipag kwentuhan kay Cloud, aba bonding ah.

Mukang ramdam naman nila ang presensya namin kaya lumingon sila sa gawi namin.

Nang makita ako ay parang mga batang excited na makita ang nanay nila.

"Ate!"

"Louis!" Lumapit ako sakanya sabay yakap.

"How are you?" Tanong ko sakanya.

"Okay pa sa okay ate. Gusto ko na nga umuwi eh kaso ayaw pa nila, tho mabait naman yung mga nurse tapos maganda pero ang boring talaga dito sobra." Pshh kailan ka pa nagka interest sa magandang nurse.

"Wews okay ka na ba talaga? Wala ka nang nararamdaman kapag gumalaw galaw ka?" Umiling iling naman sya at confident na wala na talaga.

Okay masubukan nga.

"Louis! Catch!" Hinagis ko yung coin purse ko pakaliwa pero hindi pa sya gumagalaw eh hinahawakan nya na yung tyan nyang may tama.

"Aww, aww, aray." Daing nya

"Baliw ka Miracle!" Sabi ni Cloud. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maaawa, sorry Louis

Heart Less (Under Editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя