Chapter 41: Mission......

147 14 1
                                    

Miracle's POV

I can see them from here. Kung nagtataka kayo kung nasan kami nasa isang gubat kami na hindi masyadong mapuno.


May maliit na mountain na kita ang mga tao sa baba pero hindi nila ako makikita mula dito.


Sino nga ba ang mga nakikita namin. Sa kanan kita mula dito ang mga nagkakasiyahan na mga kumag na RDG.


Sa kaliwa naman ay ang Constellation at Clusters na nagreready at mukang nagtatanim din ng mga bomba sa posibleng daan ng kampon ng mga dragon.


Kita din sa kalayuan ang mga nakaputi na parang ninja na imbes katana ang hawak mga baril ang hawak nila.


Mga naghahanda na din. Hindi naman nakakapagtaka ang mga nakaputi na yan dahil paniguradong sa Paragon yan.


Sa laki at lawak ng gubat ay maaaring may mga makatakas na RDG kaya kanina pagkarating namin ay nagtanim din kami ng  mga bomba sa lugar na hindi kayang puntahan ng Conste at Cluster.


Sa laki ng buong gubat may tatlong malalaking bahay na magkakadikit ang nakatayo sa gitna nito.


May iilang traps ang nakatanim pero nung nakaraan ko pa naalis ang mga iyon.


Ngayon ay naghihintay lang ako na mag umpisa ang dalawang gang. Nakahiga lang ako at boring boring na sa buhay.


"Did you bring food?" I asked Alex.

Kanina pa sya tahimik simula nung dumating kami dito. Hindi nya din ako gaanong pinapansin, nagtatampo pa din ata.


"Here." Nilabas nya ang isang lunch box at kutsara't tinidor saka binigay sakin.


Nginitian ko naman sya pero hindi nya pa rin ako pinapansin.


"Galit ka pa din? Edi sana umuwi ka nalang kung di mo naman ako papansinin hmp." Pagtatampo kong sabi.


Kinuha ko ko ang mga inabot nya saakin at agad na binuksan. Ang laman ng lunch box ay kanin, pork barbecue na order nya kanina, slice ng cake at corn.


Madami dami ang laman ng lunch box, I'm pretty sure na hindi lang saakin ang nasa lunch box na yun kundi pa din sakanya.

"Alam kong nagtatampo ka pero kumain ka na bili, ang dami pa naman nito hindi ko mauubos sayang naman." Pag aaya ko dito.


Hindi naman sya lumapit kaya tumayo ako at lumapit sakanya sabay hila sa pwesto ko kanina.


"Upo." Ginigigil moko eh.


"Pag hindi ka kumain, isasalaksak ko sa bunganga mo yung kutsara tamo." Dagdag ko pa.


Wala naman syang nagawa kung hindi ang sumunod saakin.


Naka standby lang ang sniper na gagamitin ko at nakay Alex naman ang remote ng mga bomba.


Dahil may pagkain kakain muna kami. Nakatitig lang saakin si Alex habang nag kukutsara ng ulam at kanin.


"Bat di mo pa ilabas yung kutsara mo? Gusto mo ako pa kumuha para sayo?" Ginigigol moko ah.


"Nagdala lang ako ng isang spoon and fork kaya you eat first muna." Sinong tangang magdadala ng isang spoon at fork kung dalawa naman kaming kakain? Edi si Alex.


Heart Less (Under Editing)Where stories live. Discover now