Chapter 44: Back to School

150 9 0
                                    

Miracle's POV

3 weeks bago nakarecover si Ethan sa tulong ko syempre naging maayos sya at gumaling naman agad.

Ilang araw pa syang nag stay bago nagdecide na umuwi na sa condo nya.

Nung araw na umalis sya narecieve ko na din yung sweldo ko. Syempre happy happy ako non kasi may nadagdag nanaman sa banko ko.

Yung mga kaibigan ko at yung Cluster tumigil sa pangungulit na pakinggan ko daw sila. Kinakamusta nalang ako nila Hale habang si Cloud lang ang kausap ko sa kabilang grupo.

Ilang araw nalang at end na din ng September. Nag text sakin sa Tita at sinabing kailangan ko na daw bumalik ng school kung hindi ay iddrop nya ako.

Nakalimutan ko na pumapasok pala ako, halos isang buwan din akong hindi pumasok dahil nagkanda letche letche nung mga nakaraang linggo.

Ang sabi saakin ni tita tapos na daw ang examination ng school. Pagpumasok ako bukas bibigyan nya ako ng special exam pero last na daw yun.

Hindi nya daw itotolerate yung behavior ko na hindi papasok ng school tapos magtetake lang ng special exam okay na.

No choice ako ulit kasi baka totohanin nya talaga yung drop out kaya papasok ako bukas.

Sa bahay ako umuwi pero dito ako sa condo matutulog.

Pagkarating ko sa bahay andun sila Cloud, may seryoso atang pinag uusapan pero napansin pa din nila yung pagdating ko.

Bubuka pa lang yung bunganga ni Cloud pero dumiretso ako sa hagdan at binaliwala lang sila.

Kumuha ako ng ilang mga gamit at damit para dalhin dito sa condo, after non pinakain ako ni manang bago umalis kaya medyo nagtagal pa ako sa bahay.

Narinig ko sa usapan nila yung tungkol sa leader ng Red Dragon, hanggang ngayon naghahanap pa din sila ng lugar na pwedeng pagtaguan nung leader at ilan sa mga nakatakas na member ng rdg.

Humingi na din sila ng tulong sa clan para mabilis ang paghahanap nila.

Hindi lahat napatumba kaya paniguradong naghahanda silang sumugod saamin, paniguradong nalaman na din ng Black Label ang nangyari kaya mas magiging maingat ang mga ito.

Hindi ko pinakingggan ang iba pang pinaguusapan nila dahil nagmamadali na din akong umalis paniguradong traffic kasi pagbalik ko ng condo.

Natuwa din ang buong systema ko dahil wala niisa ang nagbalak na pumigil sa pag alis ko nung araw na yun.

Si Louis okay na sya, wala ng nararamdaman bumalik na ulit yung pagiging hyper nya.

Yung tatlong babae na nasa amin ganon pa din naman maaarte pa din, kung pwede lang na pakainin ko ng hilaw na pagkain ginawa ko na eh.

Yung leader ng Almighty Gang at yung tatlong nacorner ni Ethan sa kamay ng Clusters. Wala daw niisa ang sumasagot sa tanong ng Clusters kaya gusto nilang ako ang kumausap sa apat.

Tama ang decision nila dahil makakatikim yung mga yun ng hindi nila malilimutang interview sa buong buhay nila.

Patapos na akong mag ayos ng bag na gagamitin ko bukas. Tapos na din akong kumain kasi hindi pwede hindi ako kakain.

Parang naeexcite na din ako para bukas dahil gusto kong makita ang pagmumuka ni Madam Evans, siguro hindi sya nagsusungit ngayon dahil nawawala ang anak nyang spoiled.

Saktong 11 natapos na ako sa pagaayos. Nag toothbrush muna ako at nagpalit ng pangtulog, saka pumwesto sa kama. Maganda ang naging takbo ng araw ko ngayon kaya sana magtuloy tuloy.

Heart Less (Under Editing)Where stories live. Discover now