Chapter 42: Her Sufferings

198 13 2
                                    

⚠️Some part of this chapter contains suicide. Do not imitate.

Miracle's POV


Tatlong araw simula ng matapos ang failed mission ng grupo ko at grupo  nila Ethan at tatlong araw na din akong gigil sa lalaking bumaril kay Ethan.

Kasi naman sinabi na madededo na daw si Ethan ayan tuloy kamuntikan na talaga sya. Sa sobrang traffic nung araw na yun sa city at sa sobrang panic ko may ambulance sa likod namin kaya doon ko pinasakay si Ethan.


Nagpahatid lang kami sa bahay ni Alexander dahil mas nauna pang dumating si Tito Robert kesa saamin. 30 mins din kaming nastuck sa byahe kaya sobrang panic ko na din nungmga panahon na yun, and i don't care kung pagtawanan man ako ng Ethan pasalamat nga sya nagpanic pa ako kahit na galit ako sakanya or sakanila.


Pagdating namin sa bahay ay sinalubong kami ni Tito na di ko alam kung galit ba o nag aalala dahil sa hulma ng muka nya.


Hindi agad namin nahatid sa kwarto si Etahn dahil pagpasok palang namin sa bahay ay pinahiga na sya ni Tito sa sofa na malapit sa main entrance ng bahay. Chineck nya kung humihinga pa ba o kung anong tama ni Ethan.


Dahil sinabi ko yung sinabi sakin nung lalaki na madededo si Ethan kapag di nagamot agad, agad na kumuha ng sample ng dugo si Tito galing doon sa may tama ng baril. Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa nya pero pinanood ko nalang ang mga susunod na gagawin nya.


May kinuha pa si Tito na liquid galing sa case na dala nya at agad na pinainom iyon kay Ethan. After noon kinuha nya ang phone nya at nagdial ng number saka lumabas muna.


Ilang minuto pa nung bumalik si tito, tinulungan na din sya ni Alex para matransfer si Ethan sa kwarto na pinaghimlayan ko din. 15 mins lang ng biglang may mga dumating na mga naka itim na lalaki at may dala dala din na case kasunod ng sasakyan ng mga lalaki ay isang ambulansya na may tatlong nurse sa loob.


Sabi ni Tito sya na daw ang bahala kay Ethan kaya hinayaan nadin namin sya sa kung anong gagawin nya sa anak nya. Kami naman ni Alex dahil nga may mga bisita nagpadeliver nalang kami ng mga makakain nila para pagkatapos ng mga ginagawa nila ay makakain manlang sila.


Mga tatlong oras din sila sa kwarto kaya hinayaan lang namin. Pagkatapos nila, ang binilin lang saamin ay wag pabayaan si Ethan at laging bantayan. Kung magigising man pakainin, kung matutulog naman palaging icheck kung humingi nga pa. Char lang mwehehe.


Yung ambulansya pala doon nakalagay yung mga kailangan ni Tito para tanggalin at linisin yung gun shot ni Ethan' Yung mga naka Black Men naman sila yung mga dala nung iba't ibang antidote na pwedeng ipainom kay Ethan pero syempre itetest muna ni Tito yun.


Yung sa dugo naman doon nya daw titignan kung anong klaseng poison ang nasa katawan ni Ethan. Pagkatapos nyang mag explain kumain muna sila tapos umalis. 


Gaya ng sabi ni Tito tinututukan ko ang bantay ko na itlog, kahapon pumunta dito si Tita Anna mama ni Ethan para kamustahin ang anak. Iyak ng iyak si Tita nung binabantayan nya si Ethan, habang si Ethan naman annoy na annoy na. Buti nalang talaga mahal na mahal ni Tita ang itlog kung hindi nako pinabayaan na ni Tita na madedo tong 6mal na to.


At, kung kahapon si Tita ang andito ngayon naman pupunta ang Cluster para kamustahin ang kaibigan nilang di pwedeng gumalaw galaw.


Balak ko pa nga sanang itransfer si Ethan sa ospital dahil ayaw kong makita ang pagmumuka ng mga lalaking gumago sakin eh pero sabi ni Tito na kapag ginawa ko yun magpapasaway si Ethan tapos magiging kasalanan ko pa pag may nangyari sakanya kasi tinransfer ko sya sa public na lugar tss.


Heart Less (Under Editing)Where stories live. Discover now