Hinawakan ng isa niyang kamay ang gilid ng kama at akma nang babangon, nang tinulak ko ulit siya pabagsak. Galit naman siyang nag-angat ng tingin, pero hindi ko ‘yun pinansin at nilagay ko ang index finger ko sa gitna ng labi ko, bilang senyas sa kanya na tumahimik siya. ‘tsaka ako dali-daling bumaba sa kama ko at pumunta sa pintu bago man mabuksan ni ate Risa ang pinto, ay inunahan ko na siya.

“Ate Risa…?” Bungad ko kaagad ng binuksan ko ang pinto.

“Kanina pa ako kumakatok sa’yo, ah. Siya nga pala, hindi ko kasi alam kung pumasok na ba si Sir Zach, nang pumunta kasi ako sa kwarto niya para kunin yun labahan niya hindi ko siya nakita roon. Kaya akala namin pumasok na… pero imposible, eh, kasi kumpleto naman ang kanyang sasakyan diyan sa garahe?” Napapaisip si ate Risa habang nagsasalita siya.

“Baka hindi niyo lang po napansin na umalis na… sige po ako na ang bahala sa kanya, i-te-text ko nalang po siya.” Sabi ko. Hindi ko kasi masabi na nandito sa loob ng kwarto ko ang Sir Zach na hinahanap niya.

“O sige, Ali. Maaga kasing umalis si ma’am Celine kanina… hindi niya rin nakita si Sir Zach sa kwarto nito. Nagtatanong nga, eh, pero ang nasa isip rin ni ma’am Celine, eh, baka doon natulog sa mga kaibigan niya.” Nagkibit-balikat siya.

Umawang ang labi ko, napahigpit ang hawak ko sa hamba ng pituan. Naitikom ko ang bibig ko, hindi makapagsalita. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, takot na makita niyang nagsisinungaling ako na hindi ko alam kung nasaan si Zach, pero ang totoo ay nandito lang siya sa loob ng silid ko.

“Hindi ka ba papasok?” tanong niya.

Napakamot ako sa aking ulo, bago ako sumagot sa kanya at tumikhim muna ako, para alisin ang nakabara sa aking lalamunan. “Papasok po,”

Tumango siya. “O sige, mag-ayos kana anong oras na, oh? 8:30AM na…”

Nanlaki ang mga mata ko. “Po! Sige po.”

“Teka, Ali. May kasama kaba sa loob ng kwarto mo? Para kasing may narinig akong kausap ka, eh?” paalis na siya ng tanungin niya ako nito.

Kinabahan ako bigla. “Wala ate Risa… katawagan ko kasi si Max kanina baka ‘yun ang narinig mong kausap ko.” Tipid akong ngumiti sa kanya.

Tumango siya at hindi na nagkumento, pagkatapos ay naglakad na siya paalis. Napahinga ako ng maluwag at napahawak ako sa aking dibdib ng makaalis na siya.

Pagkasara ko ng pinto ay dali-dali akong lumapit kay Zach na nakangisi at nakataas ang kilay sa’kin habang nakaupo siya sa sahig na pinagbagsakan niya. Salubong ang kilay kung sinugod ko siya, nakuha ko ang unan at galit siyang pinaghahampas nito.

“Hey, stop it!” natatawa siya habang sinasalag ang bawat hampas ko sa kanya.

“Kanina ka pa ba gising? Bakit hindi mo ako agad ginising?!” iritang sabi ko kanya.

“What? I find you cute while sleeping and loudly snoring.”

“Anong sabi mo…?!” galit na talaga ako.

Nang makapasok ako sa loob ng kanyang sasakyan ay pabagsak ko itong isinara habang siya ay napapailing at nangingiti lang sa akin, na makita akong salubong ang kilay at badtrip sa kanya dahil hindi niya manlang ako ginising, habang minamaobra niya ang kanyang sasakyan paalis.

“I’m just being kind, okay? Don’t be mad at me. Nakita kasi kitang masarap ang tulog, kaya ako, bilang mabait ay hindi na kita ginising. Hmm,” napanguso siya ng nilingon ko siya na masama ang tingin sa kanya.

Magkasalubong ang kilay ko, ang labi ko ay tikom at magka-krus rin ang mga braso ko sa dibdib habang nakatingin sa harap ng kanyang sasakyan. Nakikita ko naman siya sa gilid ng aking mata na pasulyap-sulyap sa’kin, kada sampung segundo.

My Personal YayaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu