21

3K 161 72
                                    

iMessage

 MON | 8:12 PM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


MON | 8:12 PM

Evander Delos Reyes:
Nakausap ko na.

Kai:
Tapos?


Evander Delos Reyes:
Pumayag siya. Kaso ayaw magpabayad. Gusto maging business partner. Humihingi ng business control eh.


Kai:
Anong sinagot mo?



Evander Delos Reyes:
Sabi ko mag-uusap muna tayo. Alam ko naman na aayaw ka kagad.



Kai:
Malamang. Di naman basta basta hinihingi nyan.




Evander Delos Reyes:
Oo nga pero pinag-iisipan ko pa rin. May merit din kasi sa sinasabi niya eh. Siya magpapasok ng revenue satin. Tama lang naman na may cut na talaga siya sa profit. Tsaka naisip ko rin na baka kailangan din talaga natin ng fresh ideas nang makasabay naman tayo sa dami ng nagsusulputan na competitors sa paligid natin. Aminin na natin. Mas kilala nina milly yung pulso ng mga patrons kesa sating dalawa na di naman palaganito talaga.



Kai:
Tingin mo talaga makakatulong siya kesa makakasira? May tiwala ako sa mga desisyon mo basta para sa business. Sinisigurado ko lang na napag-isipan mo talaga at di ka lang nagpapadala basta basta sa nakita mo sa Lilac.



Evander Delos Reyes:
Oo. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, oo tingin ko makakatulong siya. Gusto ko sanang subukan.
Pag-isipan mo sana. Yung objective. Walang halong personalan. Walang halong panghuhusga.


Kai:
Oo na. Pag-iisipan ko. Pero meeting muna, Evander. Ayokong basta basta sumugal lalo na kung walang kasiguraduhan na magiging maayos talaga. Gusto kong marinig ang plano niya. Gusto kong makita kung maayos siya katrabaho. Tutal parang bilib na bilib ka dyan.



Evander Delos Reyes:
Sino bang hindi bibilib kay milly? Ilang taon lang yan pero nakita mo naman kung gano ka-successful sa career.





Kai:
Di ako bulag. Nakikita ko yon.
Pero alam mo rin na mas importante sakin ang character at ethics ng tao kesa galing sa kahit ano.




Evander Delos Reyes:
Nandun na ko. Kaya tama lang na mag-usap muna tayo. Para makita mo rin na baka naman tama si malee. Na masyado mo lang hinuhusgahan yung kaibigan niya.


Kai:
Oo na.


Evander Delos Reyes:
Sige sige tatanungin ko kung kelan siya pwede.
Sinasabi ko na ngayon pa lang ah. Wag mo uulitin yung ginawa mo last time. Malilintikan ako kay malee.


Kai:
Parang di mo ko kilala. I know how to separate work from my personal affairs.


Evander Delos Reyes:
Naninigurado lang.


Kai:
Naninigurado lang din ako. 
Gawin nating pormal to. Kung maayos siya katrabaho, sige. Magpirmahan tayo ng bagong kontrata kung kinakailangan.


Evander Delos Reyes:
Sige sige.
Mag-uusap na lang kami ni milly.

Martini Kisses (epistolary)Where stories live. Discover now