Chapter 4: Promise

Zacznij od początku
                                    

"Hindi ba dapat ikaw ang nagsasabi niyan sa sarili mo? Ikaw itong wala man lang pinakikilala sa akin na nobyo."

For some reason, Trace's face flashed in my mind. Tumikhim ako at tumayo na mula sa pagkakaupo. "Wala akong panahon para sa boyfriend."

"Hindi ka na bumabata."

"Kaya dapat mag-asawa ka na Miss Asencio. Ikaw muna bago ako."

Her eyes squinted again, but she didn't say anything more. Ibinaba niya ang suklay sa tokador bago siya muling nagsalita, "Bumaba ka na para mag-almusal. Mas madalas pa kitang makita na may hawak na pana kesa ang makita ka na kumain."

"I eat. I just don't like breakfast."

"Kakain ka ngayon. Nakakahiya naman doon sa dalawa kung hindi mo sila haharapin at sasabayan na kumain."

Pagkasabi niyon ay iniwan niya na akong mag-isa. Sa pagkakataon na ito ay ako naman ang napabuntong-hininga. Muli akong lumapit sa bintana at hindi na ako nagtaka nang makita ko na nasa kinaroroonan pa rin niya si Trace.

He's laughing heartily while talking to my housekeepers, Julia and Melody. Nasa harapan sila ng kural kung saan ngayon ay nasa labas na ang mga alaga ko maliban sa mga kabayo. Ruby's trying to climb the fence, clearly wanting to get closer to the man that caught her interest since yesterday. Hindi naman siya nag-iisa. Maging ang mga kasambahay ko ay mukhang naaaliw din sa lalaki.

He must be in his early thirties, which makes him six to eight years older than my twenty-six. Yet his face which always seems to be smiling, makes him look younger than his age.

There are some people who have an old soul, but he, on the other hand, appears to have the qualities of a child. One that always sees wonder and joy.

There's something about him that automatically makes people gravitate towards him. Iyon bang kaya niyang pagaanin ang kahit na anong sitwasyon. He's generous in showing kindness to those around him, and there's a visible warmth about him that entices you to come closer.

I haven't met a person like him in my life. Someone so open and genuine.

Napaatras ako nang para bang naramdaman ang tingin ko na napadako sa direksyon ko ang mga mata niya. I lean on the wall of my room with my hand on top of my heart, which is beating wildly.

Ipinilig ko ang ulo ko. He doesn't need me ogling him. Nagpasya akong magpalit na ng damit. I changed my white nightgown to a white tank top that I put under my dark green overalls. Nang matapos ay bumaba na ako kung saan naabutan ko si Miss Asencio na abala na sa everyday routine niya sa mansyon.

"Tawagin mo na iyong bisita mo na nasa labas. Iyong isa ay pinauna ko ng mag-almusal at kanina pa iyon naghihintay."

If I didn't know any better, I would think that Miss Asencio was setting me up with Trace. Kaso kilala ko siya at sanay na akong mautusan niya. Unlike the other employees that will either get nervous when I'm around or get flustered to do everything for me.

Napapabuntong-hininga na naglakad na ako palabas at tinungo ko ang kural. Si Trace na lang ang naabutan ko ro'n at wala na sina Julia at Melody. For a moment, I watched him as he moved from side to side in front of Ruby. The cow followed his movement and let out a moo, making Trace burst out laughing. Mukhang nawala na ang takot niya sa alaga ko na akala niya kahapon ay may balak gawin siyang hapunan.

"What are you doing?"

Nilingon ako ni Trace at lumawak ang pagkakangiti niya nang makita ako. "Nagpapakilala sa mga alaga mo. Maybe if I get them to like me, their owner will like me a bit more too."

Dagger Series #5: UnbowedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz