51

6.9K 284 10
                                    

[Keon]

The atmosphere changed, so as our expressions. Kahit kalmado ang mga mukha namin, pareho kaming naging alerto ng kasama ko.

It's an ambush.

They're waiting for us... or just for me?

I glanced at Gin. Hindi posibleng dahil lang sa kaniya kaya sila nandito, dahil alam nila ang dadaanan namin, o kung saan ako nanggaling.

Is it connected to my previous mission?

If not... then who are they?

"They're gifteds," ani Gin.

Hindi ako sumagot. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko 'yon. Just by their presences, the aura's they're showing, I know that they are gifteds.

So, maliit ang posibilidad na dahil ito sa misyon ko. Malaki ang chansang... konektado 'to sa nangyayari sa academies ngayon. Naningkit ang mga mata ko. Umabot na sila rito. Pero ang tanong... paano?

How did they knew that I'm here? That' we're here?

"Keon."

I nodded in response. Kahit wala pang sinasabi si Gin, alam ko na ang gusto niyang sabihin. Oras na para umatake, hindi namin hihintayin na sila ang mauna.

Humahanda pa lang akong umamba nang makarinig ako ng palakpak. Agad na nalipat ang tingin ko sa dalawang paparating, kaswal na naglalakad at pumapalakpak.

Parehong nakuha nito ang atensyon namin ni Gin. Unti-unti, sa madilim na gubat ay naaninagan namin ang dalawang naglalakad papalapit sa amin.  Nauunang maglakad ang isang babae, nakabuntot sa kaniya ang kasama niyang lalaki.

"Woah, two of the Generation of Prodigies in flesh!" ani ng babaeng nauuna.

A woman with a braided blonde hair, almost white, wearing a dirty white dress—almost like a goddess. With golden accessories on her neck, wrists, fingers, and arms. At first, I thought I was looking on a greek Goddess' statue.

Next to her is a guy wearing almost the same thing, but for a man. Hair is platinum blonde, also wearing golden accessories.

Both have a lively expression on their faces... eyes are gold.

The woman looks amused. "It's an honor, meeting the famous King, and should I say, the infamous executioner?" She chuckled.

Hindi kami kumibo. If I'm not mistaken, they look like they're on the same age like us. Maybe a year or two older.

"I would like to introduce myself." Nagawa pang magpakilala ng babae, parang hindi nababahala na kaharap kami. Knowing that they both know who we are, they're pretty confident.

"I'm Alexis Queen Lin." She bowed. The guy next to her bowed too. "Haelo King Luan," dagdag ng lalaki.

Umangat ang ulo ng babaeng nangangalang Alexis. "We're here to make sure that you won't be able to come back," she said while smiling. "In short, we're here to kill you."

Wala akong ekspresyon. Pinakikiramdam ko ang bawat paggalaw nila, sa parehong pagkakataon, nag-iisip. Is this a bluff? Or they're just confident?

Their posture, their expressions, their auras. It doesn't look like they're just bluffing. They have something that they can use against us... they say it casually, as if they're a hundred percent sure that they can kill us.

"Who sent you?" walang ekspresyong tanong ko.

Hindi nawawala ang ngiti ni Alexis sa labi. "I have no reason to answer that, King." Her expression changed. It made me more alert. "Well, now that the introductions are done... we will execute you two now."

Tumalim ang tingin ko. They're really confident. I need to be alert and I shouldn't let my guard down.

"Keon." May tono ang pagtawag sa 'kin ni Gin. Kahit pangalan ko lang ang sinabi niya ay alam ko na ang gusto niyang iparating.

I nodded. "Let's go."

I felt my eyes changed as I moved from my place. Lumabas ang itim na usok sa parehong pagkakataon na pagsugod ko. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi sila kumilos sa mga pwesto nila.

It might be a diversion, it might also be a trap. Pero imbis na huminto ay nagpatuloy ako. I wouldn't know what they have under their sleeves if I don't pull a trigger.

The black smokes got bigger, getting ready to devour. As I ran towards them, just few meters apart, my smokes disappeared.

Sa kabila ng madilim na kalangitan dahil gabi na, mabilis na naningkit ang mga mata ko nang magkaroon ng matingkad na liwanag. Nawala kaagad ang mga itim na usok nang tamaan ito ng liwanag.

Nahirapan mag-adjust ang mga mata ko. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang braso ko. Dahil doon ay nagawa kong makita si Gin sa taas ko na gamit-gamit ang gift niya.

Using the gift of gravity, he tried to stamp both of them with force, only for him to be blinded by the light too. There he saw that the force didn't stamp anyone, mabilis na nakalipat ang dalawa ng pwesto.

"Gravity can indeed bend light, but you're not gravity itself, executioner." Rinig kong sambit ni Alexis sa kabilang pwesto. Mabilis siyang sinundan ng mga mata ko. Nakatayo pa rin siya ng kasama niya, hindi sila gumalaw.

Nakakurba pa rin ang labi niya sa isang ngiti. "It's useless if you can't reach us." She then glanced at me. "And darkness, will always be inferior to light."

Pasimple akong napaismid. Tsk, an heir and heiress of Apollo. A takeover and control one.

Alam ko na ang dahilan kung bakit gano'n umakto ang dalawang 'to. May rason kung bakit tiwalang-tiwala sila sa sarili nila, at hindi sila natitinag sa aming dalawa ni Gin.

It's because of their gifts.

She's trying to be polite and she kept smiling as if mocking us. It's making me irritated for some reason. Mukha siyang papansin—more like, kulang sa pansin.

"It was really nice meeting the both of you, but I'm afraid that we can't let you live." Alexis has a proud look on her face. "Tonight, the Generation of Prodigies will be reduced by two."

CHAPTER 51
Heir and Heiress of Apollo

Against the God: End of the Gifteds (HIATUS)Where stories live. Discover now