EXTREMITY

4.3K 110 28
                                    


Banayad ang ihip ng hangin sa ilalim ng kulay kahel na langit na sinasabayan ng mga huni ng ibon, sumasayaw sa ibabaw ng kalmadong dagat. 

Ang araw ay tuluyan ng humalik sa dagat na kahit tanda ito ng pagtatapos, nag-iwan pa ito ng tiyak na kagandahan sa mata ng bawat taong nakakasaksi sa pag-papaalam nila.

Buti pa ang araw at dagat at nagawang magpaalam sa isa't-isa at lumikha ng napakagandang imahe na mananatili sa mata ng bawat nakasaksi. 

Pumutok ang balita ang kumalat sa buong Pilipinas. Mariyah & Devon cheating issue. Lahat ay halos isuka sila at kulang na lamang ay batuhin sila ng bato sa kasalanan na nagawa.

Tumingin si Devon sa orasan. Huli na ang lahat. Ang oras ay patuloy na tumatakbo habang patuloy ang paglayo ng distansya nila ni Mariyah.

Kung hindi lamang naging sarado ang utak niya, siguro ay mananatili pa rin si Mariyah sa kaniya. Isang maling desisyon ay nawala ang pinaka importanteng tao sa buhay niya.

Sarili niya lang ang inisip niya. Nakalimutan niyang tignan ang kalagayan ng iba. He also forgot to include Mariyah's feelings.

Mapait s'yang ngumiti matapos hindi pumayag si Tori na mag ibigay ng impormasyon tungkol kay Mariyah. Malamig ang tingin nito sa kaniya at hndi man lang tinago ang galit na nararamdaman ng babae sa kanya.

"Let Mariyah live in peace. Ikaw na lang lagi ang iniisip niya. Hayaan mo s'yang unahin naman ang sarili niya,"

Tumagos sa kaniya ang mga binitawang salita ni Tori. Mariyah prioritized him while him? Puro sarili niya lang. Napakawalang kwenta niyang tao para hangarin na makasama muli si Mariyah. 

Lahat ng galit ay sila ni Mariyah ang sumalo habang si Matt naman ang kinampihan. Inaasahan niya na ito. Sila ang may kasalanan alangan naman iba ang magdusa.

Years passed, hindi alam ni Devon kung saan patungo ang buhay niya. Wala na ring kumukuha sa kaniya bilang make-up artist. May maliliit na negosyo naman s'ya kaya hindi s'ya gaano nahirapan.

He heard that Emily got in prison again. Iniwasan niya na lang makibalita dahil gusto niya ng putulin ang kahit ano'ng ugnayan sa mga taong sumira sa kanya. 

"She deserves that! That's bitch! Hindi na nakuntento sa ginawa niya kay Mariyah, gusto niya pa sumira ng isang buhay—"

"Tori…" natigil si Tori at humarap sa kanya. 

Tori was with a famous actor. Halos sumabog na si Tori sa galit habang nag k-kwento, tahimik naman na nakikinig ang lalaki.

"Ikaw na naman? Ano na naman bang gusto mo?!" She said frustratedly. 

Bigla s'yang nahiya lalo na't nasa kanya rin ang atensyon ng actor na kasama ni Tori.

"Gusto ko lang sana magtanong tungkol kay Mariyah—"

"Diba sinabi ko na? Na wala kang makukuhang impormasyon sa akin! Why are you so irritating?!"

"Gusto ko lang malaman ang kalagayan niya, please."

"Oh come on! Noong pumutok ba ang issue nyo, naisip mo man lang bang kamustahin s'ya?"

"Tori…" saway ng actor sa kaniya. 

Tori just rolled her eyes. Hindi man lang nag-abalang itago ang iritasyon sa mukha nito. 

"If you want to get some information about her…" tumaas ang isang kilay ni Tori habang mataray na nakatingin sa kaniya. Napalunok s'ya. Is she really saying that?

"You must enter the modeling industry," aniya bago tumalikod at iwan s'ya.

Nagkatinginan sila ng actor. Simpleng tumango lang ito sa kanya bago sumunod kay Tori. They joined the group of people in the nightclub. 

Ustulation (Frisson Series 1)Where stories live. Discover now