CHAPTER 16

4.5K 83 6
                                    


Lust

Devon:

Have you eaten?

Devon clicked the send button. The message is for Mariyah. Balik na sila sa normal. After that night, they become sweet whenever they have a chance. Of course they hide it.

Minsan ay sa kwarto s'ya nito natutulog. They made out. Hanggang make out lang dahil parehas silang laging pagod na pagkauwi. 

He just wanted to sleep in her embrace. Buo lagi ang tulog nya tuwing katabi si Mariyah.

Mariyah:

Yeah. How 'bout you?

He smiled. Hindi na mawala-wala sa kaniyang labi ang ngiti. Hanggang sa matapos ang trabaho n'ya ay good mood pa rin sya. 

Ang mga katrabaho nya naman ay bakas ang pagtataka sa mukha. He has been acting weird these past few days. Noong mga panahong hindi sila okay ni Mariyah.

He's been grumpy and suddenly, biglang parang may mga nakapalibot na bulaklak sa kaniyang paligid sa sobrang ganda ng mood.

Devon:

Let's have dinner.

He drove his car after he sent it. May usapan sila ni Matt na mag dinner. Napagdesisyonan nya na rin na ngayon na makipag break tulad ng pangako n'ya kay Mariyah.

Masyado na s'yang nalulunod kay Mariyah. Hindi n'ya na ito kayang pakawalan. Ilang araw nga lang silang hindi mag-usap parang mawawala na s'ya sa katinuan.

Sa kanilang dalawa, kay Mariyah at Matt. Si Mariyah ang hindi nya kayang mawala. He chose Mariyah and after tonight. He will finally claim her. 

"Hi, babe! I miss you," salubong ni Matt sa kaniya.

Nginitian nya ito at pinagmasdan. Nasa restaurant sila. Kaunti lang ang tao siguro dahil medyo malalim na ang gabi. Galing pa ito sa hospital at bakas na bakas ang pagod sa mukha nito.

"Grabe sobrang daming pasyente sa hospital!" 

Sumandal ito sa backrest ng upuan. Pagod na pagod sa trabahong pinanggalingan.

He wonder kung paano nya sasabihin na tumigil na sila. Matt is the only boyfriend na naging tunay sa kaniya.

Sa lahat ng naging boyfriend nya, puro pera lamang ang mga gusto nito. Pero si Matt? He cares for him genuinely. Nasasaktan s'ya sa posibilidad na masaktan nya ito.

"Hey, I told you I miss you!" Malambing nitong turan. He reached for his hand and rubbed his thumb on the back of his palm. 

Tila may tumusok na punyal sa dibdib nya. Kaya nya ba? Kaya nya bang saktan ang lalaking to? Na walang ginawa kundi ang maging malambing sa kaniya?

Uminit ang sulok ng mata nya. Ayaw nyang mawala si Mariyah pero hindi nya rin kakayaning mawala si Matt sa buhay nya. 

Naguguluhan na s'ya. Sino ang mas matimbang sa dalawa?

"Are you tired? Mukhang pagod na pagod s'ya?"

Mapait s'yang ngumiti sa kasintahan. He can't do it. Hindi n'ya kayang tuparin ang pinangako kay Mariyah. 

Ang sama-sama nyang tao! Tumatakbo pa sa kaniyang isipin na pagsabayin na lamang ang dalawa. Hindi n'ya na alam ang gagawin.

"Yes. I'm just tired." 

Pagkauwi n'ya ng bahay ay wala na s'yang kalakas-lakas. Pagkapasok n'ya pa lang ng kwarto n'ya ay agad ng tumulo ang mga luha n'ya. He feels guilty.

Sumisikip ang dibdib n'ya. Hindi n'ya na alam kung ano'ng desisyon ang gagawin n'ya. Magulo pa ang utak nya sa mga oras na 'to. Ayaw nyang may pakawalan. Ayaw nyang may mawala. 

Ustulation (Frisson Series 1)Where stories live. Discover now