CHAPTER 28

3.6K 67 5
                                    

Boracay

He watched Mariyah undress in front of him. She seems unbothered while changing into her sleepwear. Nakatalikod ito sa kanya kaya kitang-kita niya ang makinis at maliit nitong likod.

He sighed. Hindi pa rin siya kinikibo nito. Gusto niya sanang matulog na walang samaan ng loob sa pagitan nila pero hindi niya naman pwedeng pilitin si Mariyah na makinig sa kanya.

Namumuro na s'ya kay Mariyah. Baka kapag pinilit niya ito ngayon, mag bullseye na s'ya. Takot niya lang makawala ito sa kanya.

"You can sleep now." Tinuro nito ang king sized bed na hindi man lang tumitingin sa kanya.

Ngumuso s'ya. Kahit papaano ay kumalma na siya. Kahit malamig ang trato nito sa kanya, ramdam niya pa rin ang pagiging caring nito.

"How about you?" He asked.

She finally looked at him. Gusto niyang ngumiti ngunit pinipigilan ang sarili. Nawawala talaga ang kahit ano'ng isipin kapag kasama niya si Mariyah.

"I'll sleep in the bed," she said with finality.

"Beside me?"

Tumagal ang tingin sa kanya ni Mariyah. Gusto niyang sampalin ang sarili. Sa kama na nga matutulog, gusto mo magkatabi pa kayo.

"Yes. Beside you."

Tumango-tango s'ya at agad na nahiga sa kama. Hindi niya pa sinasabi rito na break na sila ni Matt. Kahit siya ay hindi sigurado kung hiwalay na ba sila ni Matt.

Noong kinausap niya ito, ayaw nito pumayag sa gusto niya. He got scared looking at his eyes, the way Matt gripped his arms.

Inalis niya ang pangit na alala na 'yon sa isip. Susubukan niya ulit itong kausapin para sa mas malinaw na paghihiwalay.

Natulog sila na hindi nag-uusap. Nakatalikod pa ito mula sa kanya kaya humahaba ang nguso niya habang nakatingin sa likod nito.

He woke up hearing a mad ringtone from his phone. Kinakamot ang ulo na wala sa wisyo niya itong sinagot.

"Hello?"

"Hi, Devon Gallego. I'm Kristina Salcedo. Are you available for two days and 1 night? If you are available can we take you as a make-up Artist of Mariyah Esquivel?"

Kumunot ang noo niya. Naguguluhan sa mga sinasabi ng kausap.

"I'm her manager. Kung available ka kukuhain ka naming makeup artist. This morning ang flight to Boracay since iyon ang location ng photoshoot."

"Wait, Ma'am. Sorry I can't get it. Kukuhain nyo po akong makeup artist ni Mariyah? 2 days and 1 night in Boracay?"

"Yes! Mariyah requested to hire you as her makeup artist since walang permanent makeup artist ang alaga ko."

"Um..." dumapo ang tingin niya kay Mariyah na kakapasok lang ng kwarto

She was wearing white long sleeve and fitted crop top. Her baggy pants were perfectly combined to her top.

"Can I ask kung anong oras flight?" Tanong niya habang nakatutok ang tingin kay Mariyah. She was checking her back. He conclude na paalis na ito papuntang airport para sa flight paboracay.

"Nine o'clock in the morning." Tumingin s'ya sa orasan. It's 8:30 in the morning!

"Noted. Give me details po. I accepted the offer."

Bumaling s'ya kay Mariyah. She was staring at him with this calm look. He gulped. He accepted the offer instantly the moment he heard that he could be with Mariyah.

Ustulation (Frisson Series 1)Where stories live. Discover now