CHAPTER 19

4.1K 81 4
                                    


Confrontation

Days passed, medyo umayos na ang katawan n'ya. Medyo may sakit pa rin sa pang-upo nya ngunit nakakalakad naman na s'ya ng maayos kumpara noong isang araw. Halos hindi na s'ya makaalis ng kama.

"You look so happy. Ang blooming mo pa." Tumingin s'ya kay Bryn. Naka halumbaba ito habang bagot na nakatingin sa kaniya. 

They were in a coffee shop. Napag-usapan nila ni Mariyah na magkita sa coffee shop pero hindi nya alam bakit nandito ang isang 'to.

"You looked depressed!" 

Bryn's eyes widened in disbelief. He dramatically put his hand on her chest acting hurt.

"How dare you to hurt my feelings!"

Hindi n'ya na lamang ito pinansin at nagtipa ng message kay Mariyah.

Devon:

Andito na ko.

He smiled before pressing the send button. Umangat ang tingin n'ya kay Bryn. Nakangiwi ito na tila ba nandidiri sa kaniya. He just rolled his eyes.

"Nakakadiri talaga ma-inlove," bulong pa nito ngunit hindi n'ya na lang pinansin.

Tumunog ang glassdoor ng shop. Agad silang lumingon thinking it's Mariyah pero nabigo sila noong si Tori ang tumambad sa kanila.

Nakakunot pa ang noo nito sa kanila. She sat beside Bryn. Mukhang kagagaling lang nito sa trabaho. Simpleng black T-shirt and mom jeans lang ang suot niya and he honestly admits that she slays in that outfit.

Hindi talaga mapipigilang ma-intimate sa mga kaibigan ni Mariyah. Lahat ay may mga ibubuga sa buhay. They are not just rich. They also have this royalty looks that will intimate you to the core. 

"Wala ka bang trabaho, Bryn? Tambay ka ba?" Mababa ang boses na tanong ni Tori habang sinisilid ang pakete ng sigarilyo sa mini bag nya. 

"Hawak ko oras ko. Wala akong boss for your information."

Tori sneered and stopped her eyes on him. Napalunok sya. May something sa mata nito na naghahatid ng kaba sa kaniya. Kung intimidating si Mariyah, mas lamang ng ilang puntos si Tori. Tila may dark aura sa paligid nito na hindi mo sususbuking gaguhin s'ya.

"You." Umayos s'ya ng upo. "I heard you have a boyfriend." 

Naramdaman n'ya ang paglandas ng pawis sa sentido. Tumingin lang sa kaniya si Bryn. Wala na ang bakas ng kapilyuhan sa mukha nito. He looked at him coldly.

"Uhm… yes," pag-amin nya.

Tumaas ang isang kilay ni Tori. She crossed her arms over her chest and rested her back on the backrest elegantly.

"So nag c-cheat ka sa boyfriend mo?" She pointed out. Bahagya pa s'yang nagulat sa pagiging pranka nito. 

Hindi s'ya nakasagot. Yes nag c-cheat s'ya. Alam nya rin kung bakit ganto Kung umasta ang mga kaibigan ni Mariyah.

"Ginawang mong kabit ang kaibigan ko," she laughed without humor. "I can't believe it. It's not like I hate you, huh." She stopped.

"I honestly don't like you for my friend. Pero wala akong magawa—kami either." Tumingin ito kay Bryn."Nawawala na sa katinuan si Mariyah. God it frustrates me!"

Wala s'yang masabi. Ayaw bumuka ng bibig nya. Lahat ng sinabi nito ay tama. They just want to protect Mariyah. Protect from him.

Gusto nyang ipagtanggol ang sarili pero wala s'yang makitang paraan upang maipagtanggol ang sarili. He deserves this. Pasalamat pa nga s'ya at maayos pa ang pagkakasabi nito. Kung ibang tao ito ay siguradong may kasamang mura na.

Ustulation (Frisson Series 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ