FIRST

5K 50 3
                                    

AN:


Eto na talaga to. haha



"Okay na naman ako dito Saiko eh" sabi ko kay sai sabay lapag ko ng dala kong maleta, Andito kami sa Condo na bigay ng mama daw ni Sai dati sakanya, sabi niya pa dito daw siya lumalayas maliban sa tambayan pag nagaaway-away silang magkaka pamilya, naibenta na kasi ang dating bahay nila Sai, kararating lang namin ni Sai mula sa totoong honeymoon namin sa Hawaii.



"Honeybabes, Iba padin kung may sarili tayong bahay na idedesign natin diba? Okay yon? Ayaw mo ba ng dreamhouse? Don tayo tatanda kasama ang mga anak at apo natin, syet honeybabes pag iniisip ko yon kinikilig ako" napabuntong hininga ako, si Sai talaga may pa akto pa siyang patalon talon, langya.


Tama, dito kami sa pilipinas ni Sai maninirahan, pag dumating na ang panahon na kinakailangan na ni Sai na bumalik sa London syempre babalik kami doon, total andun naman ang papa ni Sai para mamahala na muna sa mana ni Sai eh, tsaka kung papipiliin talaga ako mas gusto ko dito sa pinas, nakakailang don sa London eh, at pati nga rin si Sai halatang ayaw niya sa kultura don, si Saico pa.


"Gusto ko naman Sai, syempre sino bang gustong manirahan sa isang building pang habang buhay, syempre gusto ko naman na mag ka backyard tayo tsaka magkaroon ng sariling garden, gusto ko yon, pero yon nga lang ayaw ko na agad-agad tayo mag papatayo ng bahay, pag ipunan natin yon, yong bilang ikaw at ako nagtatrabaho diba? Mas maganda yon,  Saiko, please paghirapan natin yong dream house natin, bata pa naman tayo eh" ayoko kasing umasa kami ni Sai sa pera nila, gusto ko paghirapan namin pareho ni Sai ang mga maipupundar naming dalawa.


"Tsss, Oo na sige na, ikaw masusunod, ikaw naman ang kumander ko! " sabay kindat niya. Napangiti nalang ako.


Masaya ang unang mga araw namin ni Sai bilang mag asawa, bakasyon sa pinas ngayon kaya mas nakaka focus kami ni Sai sa panibagong buhay namin, bilang mag asawa, yay! Sa totoo lang naninibago padin ako, parang ang bilis lang ng mga pangyayari, parang nong nakaraang taon lang tinatanaw ko lang si Saico sa malayo, tapos biglang naging boyfriend ko, tapos ang malupit ngayon, Asawa ko na. ang bilis!


"Honeybabes, ito magiging kwarto natin ah, tapos yong dalawa magiging guest room natin, siguro yong isa sa ate ko pag napadayo siya dito tapos yong isa naman sa pamilya mo pag namasyal sila dito? Okay yon diba?" seryosong sabi ni Sai habang binubuhat niya papasok ang mga maleta naming dalawa sa kwarto namin.


Bigla akong nanghina, asawa ko na nga pala si Sai, sa sobrang bilis hindi pa talaga kayang magsink-in nito sa isip ko.


"Oh, honeybabes? Okay ka lang? wag mong sabihin balak mo pang matulog sa ibang kwarto?" sabi ni Sai, natigilan naman ako at napatingin sakanya.


"Oh bat ka namumula? Naku honeybabes ah, maaga pa sa gusto mong mangyari" sabay yapos niya sakin, backhug at isinubsob niya ang kanyang mukha sa may leegan ko para naman akong nasemento sa ginawa niya "pero sige ikaw honeybabes, mapagbigay naman ako" sabay ramdam ko ang pag lapat ng lips niya sa may leegan ko.


"Hoy, Saiko ah! Tigilan mo ko sa mga kalandian mo! Magligpit na nga tayo!" hay tong Saico na to talaga, di na talaga marunong magpigil ng kalandian niya sa katawan.

MARRIED MR. SAICO (√)Where stories live. Discover now