CHAPTER 13

4 2 0
                                    

Umiling ito. "Hindi, kararating ko lang. Pwede bang pakibigay mo 'to sa mga alaga ko?" Sabay taas ng hawak nitong maliit na palanggana.

"Ah...si-sige ho," Sabay abot sa hawak niya.

Haysss mukhang wrong timing si Tito, hindi ko na mapa-pakinggang 'yong pinag-uusapan nung dalawa.

"Patricia..." Rinig kong tanong ni Tito sa'kin na ikinalingon ko.

"Ho, Tito?"

Sumulya ito sa kinaroroonan nina Kenneth at ngumiti ng maliit.

"Alam ng pinsan mo kung anong makakabuti sa'yo." Seryoso niyang aniya na ikinatango ko na lang. 

"Sa-salamat ho." Ani ko bago nagpaalam rito at lumabas ng bahay.

Pagkalabas ng bahay ay sakto namang nakapasok na ng gate si Tita, may dalawa itong basket na may lamang mga gulay— namalengke 'to panigurado.

"Oh ija, buti naman at nakauwi kana." Tawag pansin nito ng mapansin ako.

"Sorry ho Tita,"

Hayss mabuti na lamang at hindi ito mukhang galit.

Napatingin ito sa hawak ko. "Ayos lang, magpapakain ka?"

"Ah, oho." Tumango ako.

"Oh sige, bilisan mo riyan—"Aniya sabay lakad pero agad ding napahinto at nilingon ako. "Kumain kana ba?"

"Oho," Talagang 'tong si Tita, parang si Mama.

"Mabuti naman, sige— papasok na 'ko. Maiwan na muna kita." Nakangiti nitong sabi.

Ngumiti na rin ako pabalik at tumango rito. "Sige ho."

Mabilisan kong tinapos ang pagpapakain sa mga aso, pagkatapos silang mapakain ay naghugas ako ng kamay at pumasok ng bahay— inilagay ko sa lababo ang palanggana at hinugasan na rin 'yon, natawa pa nga ako ng mapagtantong dapat ay mas inuna ko munang hinugasan ung palanggana 'yon tuloy nagdoble- doble.

Pagkalabas ng kusina ay nadatnan ko na sa sala ang dalawa na parang tapos na sa pag-uusap.

Nakatayo na si Kenneth habang si Ricky naman ay naka-upo lang at nililigpit na ang nasa lamesa.

Naglakad ako sa dereksyon ni Kenneth na ikinalingon niya sa'kin.

"Uuwi ka na?" Koryoso kong tanong.

Ngumiti ito at tumango. "Ah oo,"

Kung gano'n ay kailangan ko na siyang ihatid sa gate, syempre bisita ko siya kaya dapat lang na ihatid ko siya sa gate sa pag-uwi niya.

Natawa na lamang ako. "Sabi sa'yo eh, dapat kay Katelyn na lang." Ani ko habang naglalakad kami palabas na ng bahay.

He just smiled on me na para bang okay lang ang naging pag-uusap nila. "He's overprotective cousin of yours." Puna niya rito.

Napatawa na lamang ako. "Yeah, talagang talaga."

Tumigil ito saglit at hinarap ako nang nakangiti. "Mas mabuti 'yon."

Nangunot ang noo dahil sa narinig. "Bakit?"

Kita ko ang paglabi nito.

Parang nire-recall pa nito ang mga napag-usapan nila kanina ng pinsan ko, ang sabi niya kanina ay ang tensyon raw no'n— nakakamatay rin ang mga titig ni Ricky at para bang anong oras lang ay bubunot ito ng baril: tawang tawa ako sa pagkwe-kwento niya mabuti na lang at naka-alis na kanina si Ricky dahil kung hindi ay baka mabato siya nito ng baso.

Matyaga akong naghintay sa sagot niya pero nang marinig ko ang sagot niya ay agad akong napaiwas ng tingin rito.

"Para sure ako na hindi ka makuha ng iba, kung sa'kin nga halos mangisay ako sa mga titig niya— 'yon pa kayang mga sudunod?" Walang hiya hiyang sagot niya na ikinakagat ng labi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You Pangit [On-Going]Where stories live. Discover now