CHAPTER 01

94 69 1
                                    

Napangiti na lamang ako habang nakaharap sa salamin, gaya kase ng dati ay nagvo-volunteer si Lyn na suklayin niya ang buhok ko. Lyn ang palayaw ni Kately, hindi ko naman siya pwedeng tawaging Kate dahil baka sabihing si Tita ang tinatawag ko.

"Ayan, ang ganda mo!" Nakangiting sabi niya, I just smiled on her.

Ang galing niya talagang mag-ayos ng buhok, ang may kulot kase ang ibabang buhok ko at nagpresinta naman siya na aayusin niya ito.

And she did it. Hindi na ako magtataka kung isang araw sikat na ito dahil sa hilig niya, hindi rin naitatangging mahilig itong magmake-up, magaling din itong mamili ng bagay sayo lalo na sa damit. Kung makakasama mo siya ay talagang gagawin ka niyang tao, oo beh, gagawin ka niyang tao.

"Ang galing mo talaga." Papuri ko sa kaniya na ikinangiti niya, napailing pa ito saka ako binigyan ng mahinang palo.

Inipit niya ang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya. "I know right." Natawa na lang ako dahil sa inakto niya.

"Pero insan, salamat." She hug me from behind, I hug her back then give her a smile.

"You're always welcome saka you deserve it, ang galing galing mo kaya. Kapag yumaman ka, wag na wag mokong kakalimutan kundi magwewelga ako sa harap ng bahay niyo." Pabiro ko rito na ikinahagikgik niya.

Pagkatapos ng moments namin ay inaya niya akong matulog, magkatabi kami sa kama, mas nauna siyang sumampa sa kama at sumunod naman ako. Katulad ng dati ay yumayakap ito sa'kin na para bang isa akong safety place para sa kaniya.

Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko while humming a lullaby, napapikit lang siya pero alam kong hindi pa siya tulog.

"Lyn,"

"Hmm?"

"May boyfriend ka na ba?" Curiosity hits me. Umiling siya.

"Wala 'yan sa isip ko, kung si Kuya, oo." Tumawa ito at ma ms yumakap sa'kin.

"Wehh?" Hindi makapaniwalang tanong ko, mahina itong natawa.

"Oo, baliw na baliw si Kuya do'n sa supladang mayaman. Ewan ko ba kung anong nakita ni Kuya do'n at may crush siya do'n sa suplada na 'yon, nasiraan na yata sita ng bait." Natatawang sabi nito kaya naman natawa rin ako.

"Gano'n?"

"Oo! Gano'n! Sige na, matulog na tayo magpapa-enroll pa tayo bukas eh pero bago 'ton sabi ni Papa sasaglit na muna tayo sa dibisorya para bumili ng gagamitin mo." Napatango na lamang ako bago pumikit.

Inaantok na rin naman ako kaya hindi na ako umangal pa. Pagkapitik ay nagbilang na muna ako hanggang tatlo bago tuluyang nawala sa diwa ko, tuluyan na akong nakatulog.

Napangiti ako habang tinitignan ang isang bag, ang simple lang no'n pero mukhang matibay. Katulad ng napag-usapan namin ni Lyn kagabi ay nagdivisorya nga muna kami para bumili ng mga gamit ko.

Naiiling na lang ako ng maalala ko iyong mukha ni Ricky kanina, gustong gusto niya talagang sumama dahil baka raw may masamang mangyare sa'min.

Pero dahil may klase siya ngayon hindi ako sumang-ayon, nagpumilit pa siya pero sinabi nalang siya ni Tito Nhel kaya naman wala itong nagawa kundi pumasok ng school na nakanguso.

"Ale, magkano ho 'to?" Tanong ko sa ale habang pinapakita 'yong bag.

Ngumiti siya sa'kin. "One hundred pesos, eneng. Kunin mo na, para naman makabenta na 'ko."

Tumango ako. "Sige ho, kukunin ko." Agad siyang napangiti ulit bago kinuha 'yong bag at nilagay sa plastic bag.

Nagkaliwaan kami, bago ako umalis. Hinanap ko agad si Lyn, nakita ko itong bumibili ng notebook at kung ano-ano pa.

I Love You Pangit [On-Going]Where stories live. Discover now