CHAPTER 04

82 60 0
                                    

Napabuntong hininga na lang ako, kinapa ko ang dibdib ko; hanggang ngayon tumitibok pa rin ito ng mabilis. Those touch of him. Hindi ko alam kung sinasadya niya pero parang hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang bawat mga haplos niya sa balakang ko.

"Nope, hindi kita kilala kaya umalis kana. Shoo! Shoo! Alis!" Nangunot ang noo ko ng mapansin ko si Lyn na may kausap na lalaki, nakatalikod kase ang lalaki sa'kin kaya hindi ko nakita ang mukha hanggang sa naglakad ito at nilagpasan ang pinsan ko.

Nilapitan ko siya. "Lyn, sino 'yon?" Tanong ko habang nakatingin sa bulto ng lalaking kaaalis lang.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam, hindi ko kilala eh. Basta nalang lumapit sa'kin." Aniya bago nagpakawala ng buntong hininga.

"Saka nga pala Pat, sorry kanina huh? Hindi ako nakasabay na nagmeryenda sa'yo kase naman 'yong President namin andaming pinagawa." She look so stressed.

Nginitian ko siya at tumango. "Ayos lang, naiintindihan ko naman, tara na?"

Nginitian niya ako pero hindi umabot sa kulay kape niyang mga mata bago tumango, sabay kaming naglakad papunta sa gate.

Pagkarating ng gate ay nadatnan namin si Ricky na nakasandal sa sasakyan niya, nakangiti ito habang kinakalikot ang telepono. Hindi kami nito napansin hanggang sa makalapit kami sa kaniya, he seems like happy nor much of that-in love- 'yon ang unang naisip ko basehan palang sa ngiti niya.

Mabilis siyang napaangat ng tingin sa'min at pinatay ang cellphone niya ng sabay kaming tumikhim ni Lyn, may nakakalokong ngiti kaming tumingin sa kaniya.

He smiled then shake his head. "Kanina pa kayo diyan?" Tanong niya.

"Nope, Kuya. Ngayon ngayon lang but," Lyn stared at his brother's phone and smirk. "Who's that? Hmmm? May kinababaliwan na ba ang Kuya ko?"

Kapwa kami nailing ni Ricky, parang kanina lang stress na stress ito; ngayon ay nagagawa na niyang bigyan ng nakakalokong ngiti ang kapatid.

"Wala. Halina nga kayo, Dad and Mom was waiting for us, may sasabihin daw." Panlilihis ni Ricky sa tanong ni Lyn na ikinanguso nito.

Tinapik ko ang balikat ni Lyn. "Halika na,"

"Hmmp!" Mas humaba ang nguso niya na ikinatawa ko ng mahina bago pumasok sa sasakyan, sumunod naman ito.

Itinoon ko nalang ang pansin ko sa labas ng salamin ng sasakyan pagkapasok habang si Lyn naman ay pinipilit ang Kuya niyang paamin. Biglang nangunot ang noo ko ng maramdaman na may maliit na bagay na tumutusok sa hita ko, kinapa ko ito.

It's a little paper, binuklat ko 'yon at mas nakoryoso dahil sa nakasulat.

44405444550999666, Pangit.

Nangunot ang noo ko dahil sa nabasa. Napakamot ako ng batok dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko alam ang kahulugan o ibig sabihin ng nakasulat sa papel. Ano ba 'to? Code? Password?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at itiniklop ulit ang papel bago ibinalik sa bulsa, mamaya ko na aalamin ko ano ito.

Tumigil ang sasakyan ni Ricky bago bumaba ng kotse at siya na mismo ang nagbukas ng gate bago bumalik sa driver seat at ipinasok ang sasakyan. Ang alam ko mayaman naman sila, bakit hindi pa sila kumuha ng katulong?

Agad akong bumama ng maiparada na niya ang sasakyan, gano'n din ang magkapatid.

"Ricky," Tawag ko sa pinsan ko.

"Hmm?"

"Bakit hindi pa kayo kumuha ng katulong; i mean ang pagkakaalam ko ilang hectares ang pagmamay-ari ni Tito." Nakibit balikat siya.

I Love You Pangit [On-Going]Where stories live. Discover now